‘Sang Linggo


Apokalipsis
Apokalipsis
2000

Chorus (2x):

Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Byernes

Pag lipas ng araw ay mabilis (ah)

Sama-sama tayo pagdating ng Sabado

Pero wag kalilimutan ang araw na Linggo

 

Verse 1:

(Rhyxodus)

Lunes pagkatapos ng Linggo unang araw ng trabaho

Una sa lahat pakinggan niyo ang kwento araw araw iba't ibang

Kabanata tol anong ginawa mo nga pala nong

Araw ng ah

(Duanesis)

Martes papasok nanaman kahit walang laman ang tiyan

Anong oras na nagising kagabi lasing di namalayan

Ako'y basag na basag buong mag damag sa pakikipag inuman

At ikaw naman anong ginawa mo kinabukasan?

(Rhyxodus)

Miyerkules tambay sa bahay naka tunganga nag hihintay

Nag bibilang ng poste nag bibilang ng kotsee sa kalye

Nag aabang sa dumadaan (ah) buhay ng tambay nakaka

Buwang...

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

(Rhyxodus and Duanesis)

Huwebes...

Hoy mag bihis ka aalis tayo

Oh... saan?

Duanesis: di ko alam basta mga tropa inaaya tayo noh

Rhyxodus: oh anong oras?

Duanesis: marami kapang tanong dalian mo na dyan wag mo

Nang tagalan dalian mong kumilos baka di natin sila ma

Abutan sige papunta na 'ko dun ah.... Tapos...

(Rhyxodus)

Biyernes, ang araw na paborito ng lahat lalo na't

Kung ang araw na 'to sa suweldo nag tapat pero ang gabing to para

Sa gimikera at gimikero ang araw na 'to di pwede sa walang trabaho

(Duanesis)

Sabado gimikan naman laman ng bahay aliwan bahay yugyugan

Nang yugyugan hanggang mag damagan hanggang mag agahan

Hanggang sa mapagod, sama sama at sa alak ay magpaka lunod (lunod)

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

(Rhyxodus)

Nagising ako ng Linggo kay bilis pala ng isang linggo

Parang kailang lang pala mula nung Lunes diba?

Anim na araw nag tatrabaho ang mga tao

Sabihin mo tol bakit mahalaga araw na to

(Duanesis)

Linggo salamat sa diyos na may kapal ang buhay ko ay nagtagal

Nag papasalamat ako pagkat dininig mo ang aming dasal

Sa araw araw na kami iningatan mo kaya wag mo kalimutan

Mag simba ng Linggo

(Rhyxodus)

Ito ang araw ng pahinga araw ng simba ang ating pag samba

Ay ialay sa kanya anim na araw nandito nga ang sanlibutan

Ikapitong araw wag kalimutan baka tayo'y mahatulan

 

Chorus 2 (3x):

Lunes, Martes, Myerkules, Huebes, Byernes

Paglipas ng araw ay mabilis

Sama-sama tayo pag dating ng Sabado

Pero wag kalilimutan mag simba ng Linggo

SEE ALSO

Latest Battle Event

Second Sight 10

  • 2022
Segment

Das Wak


OTHER LYRICS