Single

Wag Na Sana (feat. Peso Mercado)


Wag Na Sana
ALLMO$T
Producer: Mr. Epee
2019

Verse 1:
Basta ikaw ang aking makasama
Handa kong ibigay lahat akong bahala
Ipapangako mo lang sa akin
Hindi na sana maulit
Ang pagtanim ng iyong galit
Baby kasi naman hindi ko na alam
Matapos kang bigyan bukas magtatampo ka na naman
Kaya wag sanang maulit yang pagsimangot mo sakin
Hindi yan bagay sa atin, pag-usapan na lang natin
Hindi naman sa ako’y nagsasawa
Lalayo nang wala lang sana’y iyong unawaan
Ayoko lang tayo mahirapan
Puso ay masugatan, tumagal tayo sana

Chorus:
Di ba ikaw din ang nagsabing
Wag nang pahabain
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Wala ring mangyayari
Uulit lang sa dati
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw yan
Kaya wag nating simulan
Hindi na, hindi na
Wag na sana
Hindi na, hindi na
Woaaah

Verse 2:
Di natin maiwasang magkatampuhan sa
Mga maliit na bagay away kaagad pag pinahaba pa
Parang kanina lang ay nag-uusap
Di ko mahagilap kung bakit para bang napakahirap
Natin mag-ayos kahit na
Alam ko na kung san pupunta
Pareho lang naman nating ayaw mawala ang isa’t-isa
Masyado lang tayo sigurong
Nagpapaapekto kaya pag nadadala
Ay di natin mapigilan ang galit 
kaya pag nagtalo sarado palagi ang isip
Hey, wag kang magalit baby lika na
Hey, lambing mo lang sa kin ay ayos na
Hey, mag-away di ko magagawa
Ang iwan ka na lang nang mag-isa basta

Repeat chorus

Verse 3:
Tuwing tayo’y nagtatalo ay di malaman
Kung pa’no ba nagsimula ang pinag-awayan
Mga bagay na di natin inaasahan
Na dumating sapagkat tayo ay nagmamahalan
Porket di nakareply
Ay agad magtatampo
Alam mo namang
Ikaw lamang ang sakin pinagtagpo
Yuh
Hindi na ‘ko maghahanap pa ng iba
Sana wag mo nang pag-isipan pa ako ng masama
Dahil alam mo namang ika’y wala nang katapat
Di ka pwedeng kumpara ibang klase ka sa lahat
Kung pano kita nakilala sana ay hindi magbago
Totoo ako sayo, pangakong hindi maglalaho
Yuh

Repeat chorus

Verse 4:
Dalawang mundo'y nagtagpo
Puso ay nagkasundo
Tampo'y makikigulo
Kahit di natin gusto
Kung pwede ko lang ibalik ang lahat ng mga binitawan ko
Para lang gumaan ang puso't mawala ang pagtatampo
Sana ikaw na lang ang makasama
Makausap, makayakap hanggang umaga
Di na ‘ko umaasa na lalala pa
Tayo lang magsasama gabi hanggang umaga
Ikaw lang ikaw
Ang pinakamagandaang dalaga
Kamay mo lang gustong mahawakan
Bigyan mo naman ng tsansa kasi nga

Repeat chorus

Verse 5:
Hindi ka ba napapagod
Kasi paulit-ulit na tayong nagtatampuhan
Bakit di maiwasan
Palagi na lang ganyan
Pwede bang
Bawasan natin ang
Mga away dahil
Baka ito pa ay lumala
Kasi alam
Alam mo bang hirap na hirap ako
Lalo kapag sinusungitan mo
Wag mo na kasing
Idaan sa galit
At sana wag mong ipagpalit
Kasi kahit na paulit-ulit kang masungit sakin
Puso ko'y sayo pa rin

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Maskara

Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah
2013 Album

Kawal (feat. KJah)

Gatilyo
BLKD x UMPH
2015 Album

Kesa Bumenta

Illustrado
Illustrado
2017 Album

Sana (feat. Elle Shaun & Arvy T)

POOT AT PAG-IBIG
Gloc-9
2021 Album

Muling Mang Harana (feat. Curse One)

Walking Distance
Smugglaz
2015 Album

FEATURED ARTICLES