Pinakamaswerteng Babae Sa Balat Ng Lupa


The Resumé Mixtape
Santo
2009

Verse 1:

Ang lakas mo kay kupido, biruin mo

Ang lalaking matinik at pangahas ay nahuli mo

Sabagay, maka-cross ko ng landas, natutuliro

Bigla bigla na lang nagkaka-crush, pano, pogi to

Wag ka na kumibo at wag mo nga dinadamdam nang mabuti to

Lapag mo ang uzi mo

Galak sa papuri, alam mo na talamak sa ka-uri ko

Pero nung natikman ko iyong love, ako'y tumino

At alanganing maski sino

Ikaw napili kong pamahagian nitong aking apelido

Ni hindi mo kinailangan gumasta ng maski singko

Parang natural sa akin nung ikaw ang karirin ko

Si Santo, di mayabang, di to tuso

Nagkataong utak at puso mo akong sabay na tinuturo

Parang filinvest, pag ibig mo sakin mo ininvest

It’s the best, nasa mapagmahal ko pong mga kamay ang iyong puso

 

Chorus 1:

Mahal parin kita kahit na puro ka manyana

At ang favorite mong music eh yung musikang banyaga

Mahal parin kita kahit ganyan ka, kita mo

Ikaw ang pinaka maswerte na babae sa balat ng lupa

Mahal parin kita kahit marami ka na taktika

Na parang active ka sa bahay, huli kang nakahiga

Mahal kita kahit na adik ka, kita mo

Ikaw ang pinaka maswerte na babae sa balat ng lupa

 

Verse 2:

Wag kang maiilang kung pinagtitinginan tayo

Masanay ka na at appeal ng BF mo'y pandayo

Di po pang lahat to, kaya please wag kang kabado

Di kailangan magselos, ako ay stick to one, pangako

Ikaw sa private life, pero pwede rin sa public

Teledrama to na para lang sa television natin

Alam kong ang kantang to'y medyo sensitive ang topic

'yoko lang maging showbiz na parang Jennylyn at Patrick

San ka pa? Pag uwi mo ang sinaing nandyan na

Ihahain na lang sa lamesa natin, tara na

At sa kanin, swak ka na/ lintek, baka tumumba ka

Kasi ang ulam ay ako, binti palang busog ka na

Di diyan nagtatapos itong papromo kong bonanza

Sakto, home alone tayo't mga istorbo ay wala na

Pagbibigyan ko na mga pabor mo at pantasya

Kain kang madami't gugutumin ka nitong pamporno kong romansa

 

Chorus 2:

Mahal kita't nagluto ka kamo ng sang buong manok

Pinasok mo sa ref, bagong luto, ngayon bulok na to

Mahal parin kita kahit gutom ako, kita mo

Ikaw ang pinaka maswerte na babae sa balat ng lupa

Di purkit may hinatid na babae, ito ay bitch at padale

Parang hindi ka naging teenager dati

Mahal kita kahit na t.h. ka lagi, kita mo

Ikaw ang pinaka maswerte na babae sa balat ng lupa

 

Verse 3:

Halika dito… eto ang totoo...

Biro lang kase sila'y tanga at

Hindi nila alam ang tunay sa isang pabalat

'lam mong handa 'kong ibigay ang lahat para ika'y masaya't

Hindi masayang ang iyong pagiintay ng tapat

Di talaga ko babaero

Paulit ulit kong sasabihin sayong I love you na parang echo

Tinitingala ako na parang tala, pero

Sa landas kong tinatahak, kaw ang aking tanging pasahero

Di ba dapat, bente?

Di na, para di ka na pipila, aba, syempre

Di ka natameme, tinotoo mo ang puso kong minsan nang na-peke

At dahil dyan, hindi ikaw, kundi ako ang pinaka maswerte

Sakin ang puso mo, yung akin laging sayo

At kahit badtrip na song ang aking tanging handog

'to'y taktika ng Santo, so, paki promise lang po

Na atin atin lang to, ok?

 

Chorus 3:

Mahal kita kahit na gamit mo ay sang katerba

Shopaholic, para bukas ay wala ka nang reserba

Mahal kita kahit wala nang pera, kita mo

Ikaw ang pinaka maswerte na babae sa balat ng lupa

Halos mamatay na at gustong pumogi para naman makapantay ka

Ngayon long hair na't naging macho, so, maglaway ka

Kahit na pasaway ka, kita mo

Ikaw ang pinaka maswerte na babae sa balat ng lupa

 

Chorus 4:

Mahal parin kita, kahit nagtataray ka dyan

Wag iiyak pagaalis ko, dapat kakaway ka lang

Mahal kita, mula ngayon hanggang sa magpakailan man

Ako ang pinaka maswerte na lalake sa balat ng lupa

Mahal kita, kaya ayaw ko magbaka-sakali

So, tara na sa huwes nang tayo na ay matali

Mahal kita, kahit ano pa man ang mangyarI

Ako ang pinaka maswerte na lalake sa balat ng lupa


OTHER LYRICS

Ayoko Na
G9
Gloc-9
2003
Prinsesa
Single
Princess Thea
2018
Huli
Single
Zikk
2013
Fin
Cinémetropolis
Blue Scholars
2011
Maniwala Ka Sa Akin
Single
Rima at Melodia
2015