Album

Basagin Ang Katahimikan


The Resumé Mixtape
Santo
2009

Verse 1:

Si Arnold ay isang kakaibang tao

imbis aminin sa sarili, nagdadahilan lang 'ko

Ang gago magsasalita na 'ko

Pangako, kaya sana ay mapagbigyan pa 'ko

Kuya Jon, alam mo di ba na si Not, siraulo

Matino pag tulog pero pikon pati puso

Mga shots natin, imbis na nainom ay naburo

Bakit ba bawal na gamot pa ang iyong inabuso?

Ba't iniwan mo si tita at mga pamangkin ko?

Sa kakaluha, pisngi ko'y lagi na lang malagkit to

Pamilya mo'y di tyak kung may bahay

Sibak at nadamay, galit ako sayo't pinaiyak mo si tatay

Di ko ma-gets? Mapagmahal kang ama

Pag sinasamahan mo ko, tanggal ang kaba

Bakit kahit may taning ka na'y shuma-shot pa ng gin?

Umiiyak kami, bangag ka parin

Ano ang dahilan?

 

Verse 2:

Naiipit ako, dito may pera't may pang gimik ako/

Pero gusto ko nang perform senyo ang liriko ko

Pero hindi ko magawa yun kung heto ko sa States

Kilala pero sang misteryo si Saint, pinangarap mo mag parak

Patawad, dad, di natupad sayong anak at ang bagsak

Si Juan Tamad, anong saklap, walang sagot, pag ang tanong

Ay kung anong pakinabang ba diyan sa Rap?

Magagalit ka ba sakin kung iwanan ko ang lahat?

Di siguro iiyak kahit ako'y maiwan

At ang lahat tungkol sa States, itataboy maliban

Sa pera, dahil musika'y nagaapoy at minsan

Tigas si manoy, dahil sa rush kahit ako'y pawisan

Hinayaan kong ako'y saniban, kahit ang puntahan nito'y lagim man

No words can describe it

Thrill na di kayang bigay ng showgirls

Paki paliwanag na lang kay kuya Ian

 

Verse 3:

Bonus track to dapat, pero corny ang laman

May pag ka-talk shit kasi ako'y si notskie lang naman

Magiging selfish lang saglit at medyo heavy ang sakit

Kung may maiinis sa akin, eh di sorry in advance

Akin lang malugod na sasabihi't laway ay natuyo na

Kung maaari lang sa inyo, pwede bang ako muna?

Wag mong tawanan, pangarap kong maging rapper

May sapat na sangkap, para sa Rap tawaging master

Ito'y napusuan at tanging songs ang puhunan

Tingin ko'y kaya ko't gusto ko po itong masubukan

Di ako nananaginip, dila ko'y taglay ay lyrics

Hangga't di ko magawa to'y di ako matatahimik

Kaya, wish me luck, ang puso'y dapat makuntento

Di lang isa bubuhos, dalawandaang porsyento

Pag walang nangyare, di balik akong America

Pero tingin ko ay hangga't may beat ako ay pwede pa, pasensya na



OTHER LYRICS

Gintong Butil (feat. Mash, Duplero & Abehero)

Isang Libong Taon
8th Messenger & Six The Northstar
2021 Album

Salamin

Salamin
420 Soldierz
2015 Single

Mga Kababayan

Yo!
Francis M.
1990 Album

Nahas

Deafening Earthen Tones
Calix
2020 Album

Libre Nga Na’y Bayad

Libre Nga Na’y Bayad
RKteQ
2018 Single

FEATURED ARTICLES