Album

Positibo


Prototype
Dello
Producer: Vertical Brew Music Inc.
2014

Chorus (2x):

Hindi lahat ng bagay ay mali (3x)

Po-si-ti-bo

 

Verse 1:

Isang papel na sinulatan ng kanta

Mga akdang pinagpuyatan na katha

Namamangha habang ako'y namamangka

Gamit ang mga paksa na nakikita sa bansa

Kailangan lang na matignan ng positibo

Iba ang masipag kumpara sa pursigido

Habang isinasalin ko sa baso ang mojito

Iniisip ko kung ano nga bang papel ko rito

Isang manunulat

Pero ang buhay ko biglang nagbago lahat

May panahong ako'y ginagago na at

Pinagtitripan noon pero ngayon muli akong nakakaangat

Salamat sa mga kumontra, ngayon halika

Ika'y kabilang ba noong sa mga kontrabida

Salamat kritiko kahit alam ko na mali ka

Kasi lahat kayo, positibo kong nakita

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Pasensya na kung di kita pinapatulan

Sa mga awit mo na iyong hinahaluan

Ng pangit na tunong dapat inilulubog

At positibong mga bagay lamang ang pinapalutang

Positive na kumayod kung ikaw ay jobless

Para di ka puro satsat at di ka tackles

Positive vibes good luck atsaka godbless

Maging positibo ka wag lang sa drug test

Chill lang para ang buhay mo'y banayad

Hindi naman lahat ay naidadaan sa bayad

Kapag mabunga ang puno ikaw ay naha-high blood

Kaya binabato na parang Angry Birds sa Ipod

Habang ako'y naka-upo lang, cool lang

Iniisip kung pano mapupunan ang kulang

Akala mo babagsak ako, mali ka

Kasi mga pagsubok positibo kong nakita

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Tunay na makulay ang bawat talambuhay

Pero minsan lakas tama ng parang talampunay

Kahit ang isang paa, nakaapak na sa hukay

Sa pagmamani obra nung obra dapat mahusay

At kung sakaling madapa may galos sa balat

At kung sakaling mangapa nahalo sa lahat

Nang malapitan mo ay puro bungang pabalat

Tandaan mo ang Pinoy ay may dugo ng alamat

Basta tama ang galawan, isipin mo ang tama

Wag kang magmukmok sa kwarto, silipin sa bintana

Bawat araw may hatid sayong panibagong umaga

Kahit na merong unos dapat parin tayong tumawa

Ano mang ang kaganapan, ano man ang balita

Ang lahat ng negatibo, alisin mo yan sa diwa

Ituwid ang pagkakataon na nagkamali ka

Para ang iyong buhay positibo mong makita

 

Repeat chorus (4x)



OTHER LYRICS

SouthBoys

SouthBoys
Ex Battalion x O.C. Dawgs
2018 Single

Shehyee vs Sinio

FlipTop presents: Ahon 7
Various Emcees
2016 Rap Battle Verses

Celebrity Status

Hue For Ya
Sica
2021 Album

Masama Yan

G9
Gloc-9
2003 Album

Nakakapanibago (feat. DB)

The Breakout Satirist LP
Calix
2016 Album

FEATURED ARTICLES