Album

Minsan (feat. Ashley Gosiengfiao)


Prototype
Dello
Producer: Jonathan Ong of SonicState Studio
2014

Intro (Ashley Gosiengfiao):

Minsan may isang ikaw, sa buhay ko ay lumitaw

Pero ngayong nilisan mo, ako'y tila naliligaw

 

Verse 1 (Dello):

At di alam kung saan ang dapat puntahan

Na kung saan ang pag-ibig

Kinakailangan pustahan

Na kahit anong tamis sa simula at unahan

Ay maaaring pumait

Kapag mayrong kakulangan

Maypagkukulang ba ako o hindi natumbasan

Kaya naisip mo na

Dapat na akong malagpasan

Pero kung ano pa man tumatakbo sa isipan

Sana maalala mo pa rin

Ako kahit minsan

 

Chorus (Ashley Gosiengfiao):

Minsan ay nalilito

Di alam kung san tutungo

Pagnaiisip kita

Luha ko ay kusang tutulo

May pagasa pa kaya

Maalala mo ako

Kahit minsan lang

Kahit minsan lang

 

Verse 2 (Dello):

Minsan kitang nakilala

Minsan mo kong napansin

Ang tamis ng sandali

Ay minsan natin naangkin

Minsan tayo nabusog sa suyuan mga lambing

Habang hawak ko ang kamay mo

Tayo ay magkatabi

Nangagarap na balang araw

Ako din at ikaw

Ikaw ang naging gabay

Noong ako ay naligaw

Sa inaakalang dapat ay mali ang lumitaw

Mahigpit ang iyong yakap

At hindi ka bumitaw

Dahilan para masabi ko sa sarili ko na tama

Na wag ko nang hugutin ang tumama

Saking pana

Ni kupido sa tulad mo

Nagningning na tala

Pero bakit ngayon ako'y humihiling na sana

Bumalik ang dating tayo

Tulad nung nakaraan

Nasa iisang landas

Pero ngayon ay nasaan

Kahit ikaw pa mismo

Ang umiba satin ng daan

Minamahal pa rin kita

At yan ang laging tandaan

 

Repeat chorus

 

Verse 3 (Dello):

Wala ka na nagyon tuluyan nang natuldukan

Ang pinagsamahan na

Limang taon walong buwan

Gusto ko man itanung

Kung merun pa akong puwang

Para ang nakaraan ay muling madugtungan

Pero mukhang malabo hanggang dito na lang

Kung kaya nakayuko

At palagi tulala nakatingin lang sa sahig

Bakit hindi magawang

Makangiti kahit saglit kapag hindi ikaw ang

Kasama katabi at sa gabi

At sa paggising ko sa kama

Bat kase ika'y wala sa piling ko

Gusto kong sabihin to

Ako'y laging naririto

Nakaabang parin mulung buksan

Mo ang iyong pinto

Nagbabakasakali na kahit na

Minsan pang muli

May isang ikaw na sasalubong

Sakin paguwi

Hinhiling na sana ay ganun lang

Sakin kadali

Namakasama kahit minsan pa

Kahit sandali pero...

Bakit pa ipipilit kung ayaw talaga

Hindi na babalik ang minsang nawala

Ayokong mawala pinagsamahan wag itapon

At mula sa pagkakamali handa akong bumagon

Pero kahit na anong pilit ko pang iahon

Ang nakaraan natin mananatili sa kahapon

 

Repeat chorus

 

Verse 4 (Dello):

Bakit minsan di alam

Kung saan ang dapat puntahan

Na kung saan ang pagibig

Kinakailangang pustahan

Na kahit na anong tamis

Sa simula at unahan

Ay maaring pumait

Kapag mayroong kakulangan

May pagkukulang ba ako o hindi natumbasan

Kaya naisip mo na dapat na akong malagpasan

Pero kung anu pa man

Tumatakbo sa isipan

Sana maalala mo pa rin ako

Kahit minsan...



OTHER LYRICS

Barkadang Tunay

Barkadang Tunay
Quest
2018 Single

Kapayapaan (feat. Donnalyn Bartolome and KV)

Meron Na
Loonie
2023 Album

Rise of the Impaler

The Genocide Journals
Plazma
2011 Album

Anygma vs Step Easy (Anygma's Rounds)

King of the Dot: World Domination 3
Various Emcees
2012 Rap Battle Verses

Simula

Apokalipsis
Apokalipsis
2000 Album

FEATURED ARTICLES