Single

Dalaga (Arvey)


Dalaga
ALLMO$T
Producer: Noden
2018

Verse 1:
Sa larangan, lansangan
Madami kang madadaanan
Dapat diretso ang tingin wag kakaliwa't kanan 
Ni hindi makapaniwala sa tangi mong kagandahan 
Nung una kang makita muntik na 'kong mabulunan
Iminulat ang aking matang sa dilim di nakakakita
Ilusyon lamang pala na ikaw makakasama
Mag ingat sa paligid baka ikaw na ang makarma
Sa mundong walang tumataas lahat bumababa na
Ang lubid 
Gumapos
Ikaw lang ang tatapos
Isantabi upua't sa buhay makakaraos
Nasayang
Na lamang
Walang paa-paalam
Tinulak ng sariling kamaliang naranasan
Iniwan ang nakaraan
Na parang panaginip lang
Nilisan ang mga problema't 
Sarili'y pinakinggan 
Hindi naging hadlang 
Mga balakid na nasa daan
Handang magpursigi hanggan
Malaman ang katotohan

Chorus (2x):
Ikaw na ang
Pinaka
Maganda na dalaga
Saking mata

Verse 2:
Sa buhay kung may problema
(Bahala ka na diyan)
Iniisip bawat dilemma
(Kalimutan mo yan)
Wag magpakain sa mga sari sarili na problema
Kalimutan at ating sundin mga tulong ni mama
Palagian ang pagngiti 
Kahit hindi na masaya
Si Kupido mapaglaro
At pinana ko sa kanya
At aking tanging dalangin
Ay sana sumakanya
Mga dalangin ko na sana ikaw ay mapasaya

Repeat chorus (4x)

Bridge:
Ang daming manloloko
Sa paligid, sa daan
Hinay-hinay lang at baka puso mo'y paglaruan
Madaming manloloko
Sa paligid, sa daan
Hinay-hinay lang at baka puso mo'y paglaruan

Repeat chorus (3x)



OTHER LYRICS

S.L.S. (Simpleng Love Song)

S.L.S. (Simpleng Love Song)
M Zhayt
2015 Single

Tibay

Tibay
Quest
2016 Single

Villarosa (FWYS) (feat. Gio Quintos and Erica Tolentino)

Rehearsals
Curtismith
2017 Album

Versatile

DETOUR
Delinquent Society
2018 Album

Bagay Tayo

Bagay Tayo
ALLMO$T
2018 Single

FEATURED ARTICLES