 
													Chorus (2x):
Makabagong Romeo at Juliet
Na nagsabog ng cannabis na malagkit
Dun din diba nagkasundo ang ating kulit
At mga puso natin ay pinaglapit
Verse 1:
Unang beses nasilayan sa tambayan
Kwentuhan sa inuman kasayahan ay sagaran
Upang matakasan natin ang mga problema sa mundo
Pwede kaya tayo kaso merong sumundo
Tinanong ko tropa mo kung anong pangalan mo
Sa sobrang gobas ko agad nakalimutan ko
Ika’y atoys ng lahat kaya di pwede magpatol
Nagiisip ng tama ngunit ang puso bumundol
Akala nila tus nung nag stop ball na ako
Sana lang mag krus tayo ulit ang hiling ko
Maamo ang mukha sa mahiwaga mong balat
Na ballot din ng tattoo sa kalungkutan ay bakat
Mapungay mong mata ikinubli mo sa lahat
Mga luhang pumatak at memoryang tumatak
Alam mo bang dama ko din ang yong pakiramdam
Na ayos lang lutang dahil sayong dinadamdam
Dumaan na ang ngayon at naging kahapon
Hindi ata tinadhana o hindi pa panahon
Magaantay pa ba ako yan laging tanong
O hanggang maging bagyo nang pakiramdam kong ambon
Repeat chorus
Verse 2:
Binigay ng panahon at muling pinagtagpo
Nagpakanatural nang di dyahe ang tagpo
Swabe ang galawa ko sundalo na cool
Kaso unang diga ko ay agad din nabulol
Unang pasa ko ng joint buti agad na sumaul
Hanggang kaluluwa nati’y untiang naulol
Masaya kang katabi naging atin ang gabi
Buhay kong walang silbi nabigyan mo ng tindi
Kapwa natin nais na wag na ito magtapos
Ngunit aking sigarilyo nga ay naging upos
Binulong mo sakin na parehas lang ang sitwasyon
Sakal sa relasyong parang wala nang direksyon
Kalagayan nga ngayon ay mali ang panahon
Kahit anong gawin ay walang sasang ayon
At ang masakit pa dun at sa puso bumaon
Na pwede lang tayo kung nasa ibang dimensyon
Sa kabilang mundo o saan paroroon
Di nga lang pwede dito di lang pwede sa ngayon
Matatanggap ko ba ang sumpang naitaon
Na tayo’y Romeo’t Juliet sa bagong panahon
Repeat chorus
Bridge (2x):
Tinakda ng panahon na di tayo magkapiling
Akmang naibulong na di pwede papiliin
Bawat presensya mo ay aking susunugin
Sa paglanghap nito’y agad ka ding makakapiling
Repeat chorus
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																			 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																														 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																								 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																						