Single

Sana


Sana
Gagong Rapper
2007

Chorus:

Sana lahat ng pangarap ay makamit

Lahat sa tuwina ikaw ang kasama

Tayong dalawa ay masaya sana

Sana

 

Verse 1:

Habang namamasyal sa park hawak ang Humpty Dumpy

Bigla lang may natanaw, isang magandang binibini

Napangiti, sumunod aking mga mata

Hinangad na sana'y makilala ka at makasama

Sa tuwina, ikaw lang ang aking pinapangarap

Na sana'y habang buhay na kitang makakayakap

O anong sarap kapag ikaw natatanaw

Sana sa iyong puso ay wala akong kaagaw

Isasayaw ka na parang sa Huling El Bimbo

Mapa-chacha man o tango, paborito ni sarhento

Ibibigay ko sayo lahat ang luho

Basta't malaman mo lang, ang lahat ay hindi biro

Sana'y marinig mo, sana'y mapadama ko

Na ikaw lang ang iniisip ko minu-minuto

Sana'y malaman mo na mayroon sa'yong naghihintay

Nandito lng ako magmamahal sayo nang tunay

Nakakapagpabagabag, kumakalabukab

Sa damdamin ko kasi, ako sa'yo ay inlove

Naglalagablab, lumiliyab aking mga pangarap

Kailan, saan kaya puso mo ay mahahagilap

Sa alapaap ako lagi nakatingin

Nananalangin, sana ika'y mapasaakin

Simoy ng hangin, dumadampi saking mukha

Hindi ko napapansin na ako pala ay tulala

May himala pa ba sa akin na darating

Sana makasama ka at akin nang makapiling

Sa paggising, saking pagmulat ng mata

Hinihiling ko lng sana sakin nakayakap ka

O sana, sana, sana, o sana talaga

Imahinasyon ni Tumpak magkatotoo na

Sana makamit na, sana makasama ka sa tuwina

Sana madala na kita sa pwestong kaaya-aya

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Simula nang makilala ka at matanawan ka

Ikaw lang girl ang hinangad ko sa buong planeta

Sana man na man na, sana man na man na, ikaw lang diba

Ano pa ba kailangan para ikaw ay makuha

Sana aking sinta ako ay iyong nakikita

Nang mapagmasdan mo talas sakin mga mata

Sinisigaw ng puso, sana ay marinig

Sinisigaw ng puso mo sa akin pag-ibig

Lamig at himig na sayo lang ilalaan

Walang hangganan, sukdulan na ito sa buwan

Mahagkan na kita para ba kong nabaliw

O aking giliw, ako sayo'y naaaliw

Para bang paksiw, ikaw ang aking paborito

Basta't komplikado, pag-ibig ay totoo

Sana malaman mo na ang lahat para sa yo

At yon ang tangi kong pangarap sa buong mundo

Girl, nasaan ka na, kita mo ako'y nalulumbay

Halikan mo lang ako, para ba akong hinimatay

Nawalan ng malay sa halik mong sobrang tamis

Makuha lang kita, handa na kong magtiis

Kahit gano pa katagal ang panahong lumipas

Sayo ko lang ilalaan ang minuto at oras

Pagkat sa puso kong ito, ikaw lang ang gamot

Ikaw ang bumura ng hirap ko at lungkot

Malambot mo na palad, kailan ko mahahawakan

Ang matamis mong halik, kailan ko matitikman

Ako'y sabik sa iyong pagmamahal

Hihintayin kita kahit gano pa katagal

Maging hangal, okay lang yon, aking tatanggapin

Makuha lang kita at puso mo ay maangkin

Ibigin mo lang, para bang lumilipad

Sana pangarap kong ito lahat ay matupad

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Hindi kukupas ang pag-ibig ko sayo, parang maong

Lagi kong sinasalat ang kamay mo parang mah-jong

Dahil lulong ako sayo na parang bisyo

Ikaw ang nagpalundag sa puso ni Dencio

Pero sana, wag mo sana akong saktan

Sa ating relasyon, iyong loob tibayan

Wag mong pakinggan ha, ang mga humahadlang

Dahil ikaw ay akin at sila'y inggit lang, you know

Oh, sandali, hindi naman sa nagmamadali

Pero alam ko rin naman na pag-ibig ay di madali

Pero hindi na mapakali na sana bukas

Ang bawat buhos at tulo ng luha, ikaw na sana magpunas

Ang makatabi't makayakap ko, ikaw na sana

Ang makamit, maging kalinga ko, ikaw na sana

At sana, pakinggan mo awiting inaalay

Eto pakinggan mo, tanging masasabi ko ay (masasabi ko ay)

 

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

Intervention (feat. Los)

Intervention
One3d
2017 Single

Bodega

Materyal
Shanti Dope
2017 Album

Darkside

No Saints Under Palm Shade
MANILA GREY
2017 Album

Medisina

Ang Gantimpalang Idinaan Sa Wika
KJah
2015 Album

Anak Ni Luningning

Blind Rhyme
Denmark
2004 Album

FEATURED ARTICLES