Sinio vs Tipsy D


FlipTop: Aspakan 2
Sinio and Tipsy D
2014

Round 1 (Tipsy D):

Yo

Itong si Sinio Cagasan, mukha pa lang talo na kahit sino kalaban

Sobrang pangit, mapapamura ka kahit di mo tawaran

Sobrang lampa, pag sinuntok tataob kahit di mo tamaan

Kaya anong bigat ni Sinio sa larangan?

Wala, kasi patpatin ang hayop na yan

Anong nakain niya bakit niya ako nilabanan?

Wala, di naman kumakain ang hayop na yan

Tapos nag-gigym ka pa niyan?

Walang magagawa ang push up, tanga

Magkakadibdib ka lang pag nagsuot ka nag push up na bra

At kahit pa nasa Pampanga, teritoryo ko to bitch, you cou;dn't just walk here

Walter White Jr this bitch, uuwi kang naka-walker

O kaya, papasabugin ko ulo mo na para bang walker

Tapos career mo pagbangga mo sakin, parang si Paul Walker

Yo, rest in peace yo

Rest in peace din sa career mo, ako'y alas ng Bataan

Napasubo ka ng all in, parang nag deep throat ka sa dildo

Diba sinabi mo kay Spade, na nasa taas ng baraha ka Sinio

Di ka pa din dapat sumugal ngayon kasi wala namang kwenta ang joker sa casino

Pampanga's best, pwes panis sakin tong tocino

Kung sila napa-ikot mo na para bang tsubibo

Mga bara ko malalim, walang sinasanto to Sinio

Kahit feeling hawak ang mundo nitong sinasanto ninyo

Di niya pa rin masasalo ang tagumpay, kasi kung mapapansin niyo

Ako'y kabilang globo na tagos pa, kaya butas ang kamay ni Sto. Nino

Di ko na kailangan pa na magpatawa, para punitin ang iyong papel

Para lang talunin ka, di ko na kailangan pa na magpatawa at ako'y bumaba sayong lebel

Oo, kapatid kita sa division, pero ayokong magpigil

Kasi di naman nagpapatawa si Cain nang pinatay niya si Abel

At diba ang gusto mong makaduelo, ang Rebuttal King na si Dello?

Baka nga matalo mo siya, pero ngayong gabi ikaw ang dedo

Baka nalilimutan mo Sinio, ako ang inimprove na Dello

Kasi kung tutuusin mas marami akong tumatak na rebuttal kesa sa kanya

Diba? Sa lahat ng naniniwala pakitaas ang dalawang kamay oh

Yo! Flow so clean like mineral water

Pag nasagasaan ka ng truck sa labas, lolo ko yung Driver

Kung hinarddriver ko si Abra, pinowerplant ko si Toma, ikaw hinihintay kita

Matagal nang nakasulat to Sinio bata pa lang tayo na papatayin kita!

Pakitaas lang oh, alam niyo na kasunod nito

Uulitin ko lang just like you witnessed before

Fucking Sinio sabay sabay tayo... lamunin mo tong Energy Ball

Oh ano bahala si Batman?

Huwag kang umasa sa rebuttals mong banban

Mahina mong defense, baka opensa ko'y di mo matakpan

Uulanin ka ng punches parang nag-walang bahala si Pacman

Bahala si BATMAN?

Walang magagawa depense mo sa mga tira kong mala hook shot ni Duncan

Hindi mapipigilan parang si Optimus, sa kalagitnaan ng truck ban

Bahala si BATMAN?

Gago, malabo nang ika'y maka sibat man

Round 1 pa lang patay na yung Joker, wag niyo nang tawagin si Batman

 

Round 1 (Sinio):

Mahina

Mahina, mahina, mahina, mahina

Kabilang globo na tagos pa? Ako gago kahit mag-napkin yung girlfriend mo tatagusan siya

At Batman, niloloko mo ba ako? Gusto mong hampasin kita ng case?

Yung lapad ng mukha mo pang dalawang tao, mas bagay sayo si Two Face

At yung kagwapuhan ko gusto niyang tawaran

Wag naman ganyan, ito nalang ang aking puhunan

Tignan mo nga naman Tipsy D, pag minamalas ka, swineswerte ako

Sulit na sulit yung oras na sinayang ko sayo

Kasi yung makakalaban mo ngayong gabi, ibang klaseng Sinio

Pag sinumulan ko nang mag-joke, maraming nawawala sa pagkatino

Mas terible at mas masakit pa ako sa tadhana mag-biro

Kaya Tipsy D, ano yan pag nagkaanak ka si Tipsy E?

Pag naging basagulero at rapper, another gangsta, Tipsy G?

Gago, yung buhok mo mukhang broccoli

At mukha naman yang cauliflower for sure pag binlondie

Napanood kita sa TV, puta lupit mo

May gusto ngang kumuha sayo eh, si Lord baka trip mo?

Diba gusto mo ng flex? Pwes, bibigyan kita ng matinding stretch, Mark

Yung talagang nakaka-stress, Mark

Yung tipong nakita mo yung girlfriend mong may ibang kinikiss, Mark

Yung sa sobrang inis, hanggang sa pagtulog binabalot ka pa din ng puot mo,

Mamatay ka na sana sa bangungot, Mark-y Cielo

Sasabihin at gagawin ko ang aking gusto, this is my land, Mark

Nakakalimutan mo atang nakatungtong ka sa lupain ko

Kaya sigurado, highlights bawat linya hindi na kailangan i-marker pa

Tumatatak bawat punchlines, remarkable talaga

Kaya kahit saan ka magpunta, siguradong sapul ka pa din

Mapa-long range man, tawagin mo kong marksman patay kung sino ang aking asintahin

Alam mo ba tawag don Mark? Tinamaan ka ng magaling

At mga Cabalen, gusto niyo bang malaman ang baho nito?

Hindi niyo nagets, i-slowmo ko

Mga Cabalen, gusto niyo bang malamang ang baho nito

Ngayon alam niyo na ang baho nito

Impersonate ka ni Einstein? Tipsy Neopomuceno

Sa pagpasok mo sa pinto ng liga, ang ginamit mong key, duplicate na istilo

Magaling lang mag-imitate ang mukhang instik na to

Pwede nating sabihing stolen pic ang image na dinevelop mo

At ikaw daw ang pinakamatalino sa inyong grupo

Wala daw tapon sa bawat bitaw, kasi nga Einstein daw, puta edi wow

Ngayon Tipsy D, it's Grind Time now

Don't Flop, ito'y Smack to your face

Sa pagsulat ang way address bar ng URL, kinopy paste

Kaya sa pagiging flexibility at creative artist, Basementality wala kang originality

Sa FlipTop, di ka magiging King of the Dot, di ka Organik, isa kang carbon copy

Siguradong babagsak ka sa punchline na heavy

Title ng laban natin, KOTD, knock out si Tipsy D

 

Round 2 (Tipsy D):

Yo

Dinamay niya yung girlfriend ko

Ito kahit simple rebut lang, malamang maubos ang baraha mo

Diba malaki yung ngipin ng girlfriend mo? Sa tuwing hinahalikan mo siya ako maaalala mo

Alam niyo hirap sa mga palabiro? Pag nakadismaya, magsosorry nalang

Kaya nung nagchoke siya kay Aklas, ano ginawa niya? Nagsorry nalang

Kaya tuloy yung mga taong bumili ng ticket, ang gusto'y isoli nalang

Kababayan mo nga si Gloria kasi pagkatapos niyong makinabang sa pera, kayo'y nagsorry nalang

Binabayaran tayo para tumula, hindi tayo binabayaran para kumalimot

Kaya naman nung nagchoke ako sa laban, yung mga letra pilit ko pa rin na hinugot

Upang masuklian ang bawat piso niyo, kahit ako pa ay matalo

Dahil kung alam mo ang responsibilidad mo, di mo na kailangan magsorry sa mga tao

Pero ako'y nanalo, oo ako'y nanalo sa kabila ng lahat

Magaling daw siya magbalik eh, prinsipe ng rebut

Masyado kang self proclaimed dapat kilabutan ka sa sarili mo

Kasi kung magaling ka magbalik, nung nawala ka kay Aklas, bakit di mo naibalik yang sarili mo?

Tapos ito nagpalusot nalang siya, na kahit di daw siya mag-champion eh mag-chachampion naman kami

Tarantado, sa kagustuhan namin ipahiya ka kaya nagpatalo nalang kami

Yo

Tapos diba sabi mo quit ka na sa battle? Kasi sasakay ka na ng bapor

At dahil wala naman sumeseryoso sayo kaya pinagtripan ka nung doktor

Pagdating mo tuloy sa agency, sablay ka sa medical nung iyo nang ipinakita

Nasa X-ray mo ang resulta, picture ni Batista

Tang ina ka, tapos nag-gigym ka pang hinayupak ka

Nakasuot pang jogging, nakasapatos pa

Naka-earphones while listening sa Ipod niya

Tapos konting stretching hinihika na

Kasi lampa ka, oo lampa ka

Nung hindi siya makalaro sa playoffs nanghihinayang pa siya

Sa computer ka na nga lang nagbabasketball, napipilayan ka pa

Yo

Pero huwag ka, maingat na yan

Takot na sa konting STUMBLE yan

Nakasuot na nga yan ng helmet habang nagteTemple Run

Yo, ito pa matindi

Alam niyo ba na hindi siya makaalis sa Stage 2-2 ng Super Mario, kasi sa ilalim ng tubig nakaset

kaya magdamag siya nagbabad, kinabukasan nagkasakit

Tapos sabi niya kung wala daw ang tulad nito matagal na daw tayong walang FlipTop

Ahon 3, ikaw lang ang talo, lahat kami nanalo nang walang hirap

At ngayong pinagtapat tayo, di mo pa ba nakuha yung mensahe ni Anygma?

Mas magaling ako mag-rebut at magpatawa sayo di ka na namin kailangan sa liga

O ano masakit ba? Ah, hindi pa?

Diba mahilig ka magpasanib? o sige magtawag ka

Nagpapapasok ka sa katawan ng katauhan ng iba

Sana makulong ka nalang sa seldang may kasama na arabo na lima

Pagkatapos pagsawaan sana patayin ka nila

Tagain, i-chop chop ulo, kamay mo, at paa

Mga organs mo i-donate sa nangangailangan talaga

Tutal mahilig ka naman ipagamit yang katawan mo sa iba

Yo

Naaalala niyo to? Gusto niyo ng quadruple time? Ta-ta-ta-time

Ulol, meron ka pang ta-ta-time para sumuko pero pinili mong pumunta

Kaya kong tataming-an bawat tira mo kaya malabo kang umubra

Kung walang ta-ta-time limit sakin, ay mas lalong pulbos ka

Kahit magta-ta-time si Anygma, di ibig sabihin tapos na

Kukuha ako ng ta-ta-ta-ta-time machine at ako ay babalik sa nakaraan

Sa ta-ta-time ng Aspakan 2 upang talunin ka na naman

Time

 

Round 2 (Sinio):

Self proclaimed bilang rebuttal prince, dapat ang pinupuna mo si Dello

Isipin mo skwater lang yun, wala yong rights para magka titulo

At nagte Temple Run daw ako naka helmet pa

Ito FlipTop, bakit naka-mouth piece ka?

Alam mo, pamilyar yang mukha mo, parang namumukhaan kita

Parang may kamukha ka, mukha kang tanga

Tingnan mo naman kasi itsura ng puta, parang sa libro mo lang makikita

Kasi ang kapal at ang lapad ng mukha mo kung di mo napansin

Itong venue masyado nang masikip para satin

Kaya yang gagamitin mong time machine, yung Aspakan 3 sa mukha mo na gaganapin

Ano hindi ka payag? puta ansama sama mo

Mukha kang masamang tao na masamang magalit

Tuwing napapasama ang masamang balak

Dahil sa masama mong pagmumukha pero sana wag mong mamasamain

Sabi nga nila, okay lang naman magbiro sa lasing, wag lang sa bagong gym

Joke lang, pero ang aking balita, meron ka daw syotang maganda, puta kamukha daw ni Darana

Pero sana lagi mo siyang ingatan, dahil pag yan naumpog sa bato, sigurado magwa-Wonder Woman

Eh kaya mo lang naman siya naging kasintahan, kasi sikat ka

Dinaan mo sa konting pangalan at bola, parang si Barroca

Pero alam niyo ba mga peeps, kahit ganyan si Tips

Hindi yan babaero kahit na ma-cheeks

Kaya wag ka nang mainis, joke lang

Gago, true love na yan

Sana nga pag nag-away kayo ng girlfriend mo, dun na kayo magkatuluyan

Ano napipikon ka, gusto mo ng Aspakan?

Gago, di mo kayang sindakin to

Ba't ako matatakot eh tinakot ko nga yung sarili kong multo

Di ako kinakabahan sayo kahit kamukha mo pa yung daga sa dibdib ko

Daga, kaya pala mahilig sa keso, kaya pala mahilig sa keso, mahilig magpalusot to

Alam niyo ba kung bakit?

Keso ganyan, keso ganito

Pwes, mag-isip ka na ng magandang palusot mo kapatid

Dahil yung nilulusutan mo ngayon, hindi butas ng karayom kapatid

Butas ng sinulid

Alam mo yung sinulid?

Pag pinagsusuntok kita sa mukha mo, dun kita sinolid

At alam mo ba yung ayoko sayo?

Yun na, ayoko sayo, wala nang ibang sagot

Tipsy D ansarap mong ibaon sa limot

Dahil sa lahat ng mga bobo, wala nang mas bobobo pa sayo

Dahil sa sobrang bobo mo, akala mo kaya mo ako

Ako, pagdating sa punchline, kaya kong makipagpalitan ng suntok, blow by blow

Asahan magiging pukpukan ang laban, toe to toe

Sisiguraduhing all 3 rounds makakamit mo'y zero

X na Mark ka,  Tic Tac Toe

Sa sobrang tindi ng mga bars ko, napa So Sick si Ne-Yo

Kaya tumahimik ka nalang kung wala kang sasabihing magaling

Nagkakalat ka lang sa battle, para kang si Tweng

Ako, simpleng komedyante, pero mala terorista kung umatake

Kaya kung ating pagsasamahin, ang itawag mo sakin

Mr. Bean Laden

O kaya tawagin, tawagin mo nalang ako pag may load ka na

 

Round 3 (Tipsy D):

Yo

Central Luzon event, hindi ka ba nahihiya sa mga taga-hanga mo?

Kasi ako, di ko malilimutan yung mga katangahan mo

Isang buong round nilait ni Aklas yung Central Luzon diyan sa pagmumukha mong simangot

Prinsipe ka ng REBUT? Eh bakit di mo man lang nakuhang sumagot?

Imbes na ipagtanggol ang division, ipinagsigawan niya pa sa ibabaw

Na ang respeto niya nga raw ay na kay Sak Maestro na ng Davao

Puta ka Sinio

Ikaw ay bading, wala nang argumento

Sa Central Luzon, ako ang king, no Sacramento

Kasi ika'y peke, di malinaw parang tatak sa Recto

Mag-impake ka nalang sa Davaoso you can suck Maestro

Kasi nga magaling siya diba? Idol mo siya diba? O sige kumapit ka na dun sa malupit

Basta pag tinalo ko si Sak sa harap mo, wag mo sasabihing Central Luzon ka na ulit

Uulitin ko puta ka Sinio

Wag ka na magpamacho pa, mahinhin ka

Kung naging prutas ka, balimbing ka

Wala kang bagong pakulo, malamig ka pa sa di nakasaksak na plantsa

Kapag ikaw ay napuno, sakin basag ka katulad ng alkansya

Comedy king ka ba? Really? approve ba kayo don? O siya siya

Susunod na kita kay Dolphy, tutal naka-move on na si Zsa Zsa

Yo

Rest in Peace sa tunay na hari ng Komedya

Tutal dinamay mo yung patay na bituin, sana mabagsakan ka ng kometa

Pero kung mamamatay ka man ngayon, ay wag sa impyerno, sana kunin ka na ni God

Mga namatay na komedyante nagtatag ng impyerno, hinihintay ka na nila brad

Tulad nila Redford, Babalu, at Tado, ang galit di mapigilan sa bigat

Gugulpihin ka nalang nila sa langit tutal gusto mong kumalaban ng sikat

At wala akong pake kung ikaw ang taga dito at ako ang bago rito

Dahil kahit saan magpunta, ako ang paborito

Iikot ka sa HANGIN ko parang ipo-ipo

Titiklop ka sa punches ko parang Ippo, iho

Ngayong umaga, inalmusal ko itong Tocino

Mga muchacha iligpit niyo na yang pinagkainan kong bangkay ni Sinio

At aking tutulugan, hinanda ni Mocks Wun kasama bisyo

Libreng pamasahe at masahe, magandang serbisyo

Kaya sana'y ipagpaumanhin niyo kung ako ay pilyo dito

Gusto ko lang malaman ni Sinio kung sino ang Seniorito

Sir Anygma, kami ay magka-division na magkaiba ang istilo

Tapos ngayon pinagtapat mo kami sa isang duelo

Ang tanong ko ay bakit? Ano ba ang yong nagamit? Isang guhit o isang pack?

Ang gusto nilang maulit Dello vs Target hindi BLKD vs Krack

Naalala niyo si Krack? Yung mahilig suminghot ng lighter at umidlip na hukluban

Pwes, kahit sumanib sayo si KRACK, I'm your worst nightmare, di mo ako pwedeng tulugan

Speaking of tulog, ako ay bisita, pag wala akong nasakyan, tutuluyan kita

Ano daw? Pag wala akong nasakyan, tutuluyan kita

Gago, di ko tinutukoy ang sasakyan o tutulugan kita

Ang tinutukoy ko yung mga jokes mo, pag wala akong nasakyan, tutuluyan kita

At wala akong balak pumreno, gugulungan kita

Kung hindi man makabinggo, pupuruhan kita

Sa dinami dami dami dami dami dami ng mga jokes mo, wala akong maalala na tinanan kita

Alam mo kung ano nakakatawa?

Hindi mo nagawang bumenta sakin kasi wala kang halaga

 

Round 3 (Sinio):

Yung respeto ko nasa Davao, hindi ka saklaw non pre

Kaya ko lang naman yun sinabi kasi meron silang Sak at Duterte

At bakit ka ba lumaban Tipsy? Lasing ka pa ata sir

Mga linya mo puro sabit na, meron ka pa atang hangover

Yang pagiging lasenggero mo mismo ang sayo magpapahamak

Genius o baka naka-Gin use, alam kong duwag ka kasi nanghihiram ka pa ng tapang sa alak

Pwes, puputukan kita ng Colt 45 at kahit sino di puwedeng umawat

Pero ang alak di nilalagay sa ulo kaya tama mo puro body shot

Maasim-asim na maalat alat

Pero higit sa lahat mapait, ang iyong mararamdaman pag umuwi kang talunan

Kasi isipin mo naman, ikaw nga tong Tipsy pero isusuka ka na ng Bataan

At kahit saan mo pa tignan, wala akong weakness

Ang meron ako diss-ability

Kasi pag ako nan-diss, sigurado mabangis

Di man ganon kabilis, rekta wala pang daplis

Malabo mag mintis, yan ang aking diss-ability

And this ability, ang magpapabagsak sayo Tipsy D, I-ooverdose kita sa generic

Oo, puwede kitang ituring na banta pero di ka sakin tinik na emcee

Sa ability, I have natural technique

Na sa banatan pigtas ang flexibility ni Lastikman sa versatility ni Mr. Fantastic

How ironic, parang gym instructor vs gymnastic, talagang epic

Kasi masyado pa daw akong baguhan kung ako sayo ikukumpara

Aminadong may gatas pa sa labi pero ang kamay may dugo na

Tulad ng gladiator sa arena, matira matibay sa battle

Sa banatan sanay ang katawan mala Kimbo Slice, street fighter

Boxer na laging hinahanap ang ring, parang si Smeagol

At alam ko mga sir kanina niyo pa inaabangan kung paano ko lalaitin yung ipin nito

Gusto niyo ba ng sample?

Si Tipsy D ang kumagat sa logo ng Apple

Aminin mo na tol, na hindi si Eba at si ADAN kundi ikaw yung kumagat don sa mansanas

Hindi pa nakuntento si ungas, kinagat pati yung ahas

Bobo ka talaga, ambobo bobo mo

Nung sinabihan ka na kagatin mo yung break mo, kinagat mo yung preno

Kaya what's up Doc?

Hindi yung pagiging Bugs Bunny mo ang aking pinupuna

Kaya what's up Doc?

Diba IT ka? pero ba't angaling mo man-doktor ng linya?

Punyeta ka anlakas mo pang mamuna, na si G-Clown gumaya ng style at ng pabara barang dance moves

Eh ikaw kinopya mo yung mismong PUNCHLINE, ikaw yung tunay na palkups

At oops, bago ka umuwi ng Bataan, meron lang akong gustong ibulgar

Ang pinagkaiba niyo ni Einstein, si Einstein matalino

Ikaw top, top snatcher ka ng bar

Ano raw? Ano raw? Magnanakaw

Time


OTHER LYRICS

Easier Said Than Done
Single
Soupherb
2017
May Pag-Asa
Gatilyo
BLKD x UMPH
2015
Mellow and Blaze
Single
Misyonaryo
2007
Mikroskopyo
Personality in Disorder
AKT
2019
Rico J
Rotonda EP
Gloc-9
2017