Album

Ahon (feat. WYP)


The Breakout Satirist LP
Calix
Producer: Serena DC
2016

WYP:

Hindi na natin mababawi ang

Ulan ng mga salitang

Bumaha, nalulunod na

O giliw ko hindi pa inaaanod ang

Ating mga mukhang

Di na makilala

Hindi makilala ang isa't isa

Itulak, hilahin

Hindi mapigtas

Sinubok sisirin

Hindi maligtas

Pahigpit nang pahigpit ang kapit

Habang sumisikip sumisikip

Wala na bang ibang matanaw

Sino ba ang unang bibitaw?

Sino ba ang unang bibitaw?

Ikaw ba ang unang bibitaw

O ako ang unang bibitaw?

 

Calix:

Ang kadenang ibinalot

Sa aking bisig

Natatakot

Manatili

Kinikilabot

Pinipilit na

Pipiliin ba ang sarili

O ang taong nanatili

Sa tabi kahit wala ng pambili ng

Pangarap ay nawasak

Saril'y napahamak

Sa pagibig na dumanak

Ang dugo sa talim ng mga balak na

Ayoko man aminin

Parte ka na ng sistema

Nating dalawa

Paikot-ikot, walang kawala

Hihilain mo ako

Hihilain din kita

Ngayon nag tatanong ka sakin kung saan ka pupunta

Di ko maisip kung pano tayo nahantong sa gan'to

Pag ibig na akala ko eh mas higit pa sa ginto

Samahang pinaliguan ng luha at pighati

Walang matitira sa giyerang to, pareho lang sawi

Sa talim ng salitang hindi na natin mababawi

Tandaan na ang isa't isa'y hindi natin pagmamayari

 

WYP:

Pahigpit nang pahigpit ang kapit

Habang sumisikip sumisikip

Wala na bang ibang matanaw

Sino ba ang unang bibitaw?

Sino ba ang unang bibitaw?

Ikaw ba ang unang bibitaw

O ako ang unang bibitaw?



OTHER LYRICS

Libre Nga Na’y Bayad

Libre Nga Na’y Bayad
RKteQ
2018 Single

Bar Rebelde

Bar Rebelde
Baryo Berde
2017 Single

Spade vs Melchrist

FlipTop presents: Bara Ko, Barako
Various Emcees
2011 Rap Battle Verses

Deep + involved

JCON
Jess Connelly
2018 Album

Ahas

The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017 Album

FEATURED ARTICLES