Album

Sistema Ng Kalawang (feat. Fossils)


The Breakout Satirist LP
Calix
Producer: Serena DC
2016

Verse 1 (Fossils):

Puke ng ina, saan ba napunta?

Pag-asang tila talang di na makita

Pagbabago'y umiiwas

'Saking palad, kumaripas

Ng takbo

Ang buhay nati'y parang pinipilas

Mensaheng nakasulat

Na Aking isisiwalat

Sisiguruhin ko mga matang tulog didilat

Sa bawat salitang mag mumula sa aking dila

Tiyakin ko na maralita

Ang tanging huhuhusga

Masarap bang umupo sa tronong di pinagsikapan

Nakatungtong ka sa taas ng di pinagpawisan

Katarantaduhan, puro kalokohan

Wag magtataka na lagapak ka sa kangkungan

Tikman ang kahirapan na di mo nalasahan

Ngayon alam mo na ang pait ng karanasan na aming pinagdaanan

 

Chorus (4x):

Sistema ng kalawang

Buhay ko nabubulok

Sistema ng kalawang

 

Verse 2 (Calix):

Humarap sa salamin

Tignan mo at tiyakin

Na ang halimaw na nakatitig

Nakasilip

May pusong kasing itim

Ng kangkungan

Na tuluyan

Pinaghantungan

Ng mga gagong kawatan

Na natuluyan na nasilaw

Sa ginintuang kaban

Mga pangakong sinasabi

Lang sa panahon ng halalan

Talaga bang may nagawa ka?

Sinasabi mo may tagahangang

Gusto bumalik ang yong kapangyarihan

Walang naniniwala sa iyong kalokohan

Umalis ka na

Nag didilim aking mata

Baka gusto mong lumutang sa

Pasig iyong katawan

Kapag hindi ka pa tumigil

Aking gigilitan

Leeg ni

Ni Nancy, Ni Junjun, at Ni Elenita

Putang ina mo, putang ina mo

Sinabi ko na nga sayo na ayaw ko nito

Ayoko ng kurakot, patayin ang dinistiya

Hindi ako takot, mag tago-tago, tago-tago ka

Nag payaman ng Makati? Si Ayala may gawa

Nag bigay ng trabaho, call center gumawa

Sa likod nitong lahat, mga taong tag hirap

Kinurakot mo, para sa parking lot? (building, pre)

Fuck you, Binay

Shit, walang kamalay malay

Ang Makati na may

Ginagawa kang kahalay halay

Antonio Ng Chiu

Cannot recogninze you

Jesus fucking Joseph fucking Mary

We are fucking screwed

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Mine

JCON
Jess Connelly
2018 Album

S I U P O N G

S I U P O N G
CLR
2017 Single

Outthrow! (feat. OJ River, Rjay Ty, OWFUCK, Baryo Berde, and Droppout)

Shanti Dope
Shanti Dope
2017 Album

Ritalin Fever Dream

Self-Help, The Checkup
Omega and skinxbones
2016 Album

Puttanesca

The Breakout Satirist LP
Calix
2016 Album

FEATURED ARTICLES