 
													Gabi gabi na lang nakatingin sa malayo
Hinihintay ang araw at ang dilim maglaho
Nangangarap habang hawak hawak ang iyong litrato
Kasi di kita madayo sa kabilang ibayo
Di tayo magkasama kasi dagat ang pagitan
Kaya hanggang sa telepono lang kayang maglambingan
Pero kahit na ganun di ko pagpapalit ang
Ating relasyon na iba sa karamihan
At habang nagtatagal ay lalong lumalalim
Ang aking pagmamahal kaya kahit layo natin
Ay magkabilang dulo ng mundo ay ayos sakin
Kasi walang kapantay ang saya na dala mo sakin
Kaya naadik umagahin, kahit na puyatin
At di na kumakain kasi sabik kang kausapin
Dala mo'y paro paro sa tiyan kaya parang busog na rin
Ikaw ang panaginip ko kaya parang tulog na rin
Buong pansin at atensyon sayo ko na nasentro
Sa matrabahong relasyon pag ibig mo ang sweldo
Kontrata habang buhay gusto ko! Yoko ng endo
Yokong maghanap ng buhay na di ka kasama sa kwento
Di ko to imbento na basta lyrics lang
Tong mga sinasabi ko kaya kong panindigan
Di na uso ang numero di na ako nagbibilang
Kasi seryoso na ako di lang ako naglilibang
Oo alam kong nagsimula tayo sa biruan
Kaya nung umpisa ako ay naging buang
Pero binalik mo ang nawala kong katinuan
At ang pagkatao na matagal kong tinalikuran
Anino ng aking nakaraan na nga ay naiwan
Mula nung ang ating pagmamahalan ay nasilang
Nagamot na ang takot ko ng ating mga lambingan
Kaya ang pusong malungkot ay natuto na ngang magdiwang
Ikaw ang dahilan kaya nagbalik ang ngiti
At dahilan ng pagkawala ng hapdi at hikbi
Nakadapa ako pero ikaw ang sakin nagtindig
At ikaw ang nagpawala ng mga dalahin ng dibdib
Naligaw ako pero ikaw ang sakin naghatid
Pabalik sa langit kaya ang damdamin naantig
Pinalambot mo sa init ang pusong bato na malamig
Kaya ang Zikk na pag iisip nakaya ko na madaig
Hanggang ang galit at pasakit ay tuluyang natanggal
Sa puso ko nung napuno mo to ng iyong pagmamahal
Kinalimutan ko na ang pagpapakahangal
Kasi nahanap ko na ang pangarap ko na katambal
Contessa ikaw yung nagmahal sakin when I was hopeless
You came into my life when I was at my lowest
Kaya handa kong talikuran ang lahat ng audience
Para harapin ka di bilang si Zikk pero bilang si Lawrence
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																													 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																													 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																											 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																								