Ako Ang Diktador


Lalim At Karimlan
Dhictah x KMG
Producer: KMG
2018

Verse 1:

Pangalang Diktador bitbit ngayon aking talino

Kayo’y sunod sa akin na parang isang anino

Kasi, lahat ng dala ay negatibo

Butas kayong lahat ako’y lalaking agresibo

Isa ‘ko sa bandido, salbahe na anito

Parang syota mo, trabaho ay minamani ko

Hindi ka para dito, galawang pang bagito

Lahat ng sumiksik layas saking paraiso

Nilalaro ko bawat tiyempo, alerto

Dapat solido bawat konsepto

Pundasyon niyo di konkreto, malabo tong umasenso

Baduy, parang mag-syota lang na naka terno

Pinulido mga berso, tugmaan ko pang eksperto

Kung baga sa Siyensya, tagumpay eksperimento

Isa ako sa ehemplo, musika ang aking templo

Luhod mga supot ako ang hari sa disyerto

 

Chorus (2x):

Pangalan ko ay Dikatdor (3x)

Sa musikang ito isa ako sa tirador

Verse 2:

Kung ika’y nagmamataas, labas mo nga ang letra mo

Extra ka lang sa palabas sabik lang sa eksena ‘to

Walang usad karera mo na parang kinadena ‘to

Babae na kabit, sa huli ay echapwera ‘to

Beterano daw para kunyari malakas

Sobrang supot naman sabay hataw kung mag-angas

Diskarte ay paspas para lang umangkas

Mapapakamot ka nalang parang plakang kinaskas

Sa paglalakbay tayo mag-tuos

Upang maintindihan mo nang lubos

Letrang aking sandata ay isang unos

Bahay na marupok stilo niyo ay ubos

Dapat mong intindihin at alamin

Na hindi ka magbubunga kung bulok ang pananim

Huwag kang matakot kung isa ako sa salarin

Kasi bandang huli ako din ang iyong sasambahin

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Walang katulad, pagdating sa letrahan

Hulog ka sa laro na parang bentahan

Anong dapat sayo? Alisin na sa listahan

Kasi nakisakay ka lang, bisikletang parentahan

Ginanahan, kaya walang pakialam

Burado ulo mo parang bahaghari na maselan

Solido at hindi meron nang namamagitan

Palitan ng putok parang lugar lang na Basilan

Talagang magulo, mahirap sumabay

Parang buhok ng tao tayo’y hindi pantay-pantay

Upang makausad kailangang mag-saklay

Manlimos ng respeto yan ang nakakamatay

Maging peke sa larangan, galawang delikado

Gusto lang umani parang taong pensyonado

Tunog kairita, gitarang sintunado

Bawat isa punit parang binuksan na regalo

SEE ALSO

Latest Article

Pre-event Review ng Gubat 10

  • By Anonymous Staff
Latest Battle Event

Second Sight 10

  • 2022

OTHER LYRICS