Bagsak


Koronasyon EP
Gnarrate
Producer: mSBeats
2016

Verse 1:

Ito ay isang kwento mula sa mga pahinang

Aking pinilas nilamukos at tinapon na

Pero gunita ay kumakatok sa diwa

Tikom ang sugat pero ramdam pa rin ang hiwa

Ng pagpapabaya ko sa oras at sa pera

Imbis magsunog ng kilay ang sinunog ko ay baga

Natulog lang sa klase, nahulog ang mga si...

...nulat na pangalan parang hindi estudyante

Nagpuyat nagpasasa nagpakasaya

Kakayakap sa dilim ay lumagim ang umaga

Madalas mga papel ay aking pinipilas

Pagkat gradong nababasa parang lata ng sardinas

Napagkamalang batang walang pangarap

Mga pagsusulit papikit hinarap

Lagi namang may tama pero ba't bumabagsak

Pagkat pinitik ang unang titik sa matayog kong balak

 

Chorus:

Ako ay nalunod, ako ay umahon

Nadapa pero ako'y natutong bumangon

Pagkat ayokong palamon sa kahapon

Kahit bumagsak tinatanggap ang mga hamon

Nalasing, nagising, napansing nagdilim

Mithiin pipilitin ko pa ring marating

Pipilitin ko pa ring marating

 

Verse 2:

Araw araw sinusundo ng mga anghel

Para makipagkita kay San Miguel

Gabi gabi ang asta sa lasingan ay batak

Minsa'y nagdilim ang langit kakatawag ng uwak

Bida-bidahan basta kalokohan

Hanggang magkaalaman sa aming tahanan

Ang dami ko pang kargadang palusot

Wala naman ni isang pantuwid ng gusot

Kaya't iniwan ang unibersidad

Upang kaharapin ang aking reyalidad

Ganito pala ang makakaengkwentro

Kapag ika'y tinalo ng lason ng demonyo

Wala mang diploma mula pamantasan

Diskarte ko na lang para may mapatunayan

Saking mga pangarap ay tuloy ang paghabi

Kahit kadalasa'y kapos aking pisi

 

Repeat chorus

 

Bridge:

Nalasing, nagising, napansing nagdilim (2x)

Mithiin pipilitin ko pa ring marating

Pipilitin ko pa rin (2x)

Nalasing, nagising, napansing nagdilim (2x)

Pipilitin ko pa rin (4x)

 

Repeat chorus

 

Outro:

Di pwedeng sabihan na walang pinag-aralan

Mga leksyon sa buhay ang aking natutunan

Pangarap ay sandigan na hindi bibitawan

Laging hahawakan ano mang pagdaanan

Nalasing, nagising, napansing nagdilim

Mithiin pipilitin ko pa ring marating

Pipilitin ko pa ring marating

SEE ALSO

Latest Article

Crew's In: Kartell'em

  • By Anonymous Staff
Latest Battle Event

Gubat 10

  • 2022

OTHER LYRICS

Hayaan Mo Sila
Ex Battalion The Concert
Ex Battalion
2017
Halili
Heartbreak SZN
Because
2018
Intro
The Breakout Satirist LP
Calix
2016
My Banyo Queen
Banyo Queen Soundtrack
Andrew E. (feat. Rica Peralejo)
2001
In The Mall
The Motions
Curtismith
2017