Album

Nakakamiss (feat. Curse One, Dello, and Flict-G)


Walking Distance
Smugglaz
Producer: Jonathan Ong of SonicState Studio
2015

Intro (Smugglaz, Curse One, Dello, Flict-G):

Na na nana na na na na na na na na na na (2x)

Madaming nangyari taon ang binilang ka jaming kong pare

napapangiti lang ngayon naalala maulit yun sana

Nakaka miss lang kasi

Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko pag naaalala mga bagay na to

Kay sarap balikan tamis na nagdaan

Nakaka miss lang kasi

Sa tagal ng panahon

Kamusta ka na ba, Kamusta na ba siya

Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon?

Inuman kulitan harutan asaran

Nakaka miss lang kasi

 

Smugglaz and Curse One:

Kamusta ka naba Smugg, ok lang naman Curse

Kamusta ka naba Curse, ok lang naman Smugg

Salamat at nakagawa nanaman tayo ng isa nanaman kanta na dilang makapagbagbag

Damdamin kundi pag babahagi din ng bawat pangyayari sa mga buhay natin nadagdag

Kahit na hindi na tayo tulad pa ng dati na laman ng kalye dahil mga oras natin maluwag

Oo nga eh, sana kung pwede lang tayo

Lahat ay bumalik sa ating nakaraan

Makikita mo ang merong nawala na sa ngayon

Mga bagay bagay nun na di na pwedeng balikan

Nakulayang ganda, ang sarap pag masdan

Nakulayang ganda, ang mga nagdaan

Sa likod ng nilakaran ko, nadala ng kapalaran ko

Bakas sa mga araw, sa aking mga karanasan ngayon natutunan ko

Ang tama at mali teka sandali kamusta na kaya yung iba?

Yung iba sikat na, yung iba angat na, yung iba may mga anak na

Sana naman tayo’y di magkalimutan

Ano man ang mangyari kapatid o pare

Ilang ulit man na madapa tuloy lang

Sa mga pangarap natin

Kahit ano pa mangyari ay wag kayong bumitaw

Dahil pangarap natin bukas

 

Chorus (Smugglaz and Curse One):

Sa tagal ng panahon

Kamusta ka na ba, kamusta na ba siya?

Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon

May kanya kanyang buhay na, sana palagi kayong masaya

Nasaan man o ano man ang ginagawa niyo

Sana’y laging maalala niyo noon kung ano tayo

Minsan naman, minsan naman

Inuman, kulitan, harutan, asaran

Nakaka miss lang kasi

 

Dello and Flict–G:

Kamusta kanaman Dells ok kanaman ba?

Ok naman Flict laging click mga rampa

Daming nag papic mga chick na maganda,

Bigla ko lang namiss makulit na alaala

Samahan ng mga tropa sa may puno ng makopa

Uso non ang taguan wala pang games mga Dota

Tagayan sabay ang hagikgik mga tawa

Kaya parang ba ngayong ay nasabik makasama

Kasi naalala ko ang katambayan sa looban

Kasabwat sa lahat ng pagawa ng kalokohan

Pero merong damayan sa problemang kaharap

Masarap may kadamay gumaan ang kalooban

Naranasan ko noon teka nasaan na ba yon

Panahon tayo non tila ba nasa balon

Na punong puno ng alak hawak natin ang timba

Nangingiti ako kasi namiss ko yun bigla

Eh ikaw naman Flict?

Uy Dello

Para bang malalim iniisip mo

Ha oo nga

Di ko lang talaga mapigilan na isipin ang mga bagay nato

Ang alin

Yung sana maulit natin ang mga panahon na dati

Wala pang kamalay malay sa mga

Bagay bagay na nagdudulot ng kalungkutan sa isa’t isa

Walang hanggan pag ibig tanging laro ang hilig

Mga kabataan na naglalakbay sa hardin na puno ng himig

Nangangarap na lahat ng bituin ay mahawakan ng aking mga kamay

At ang mga kabiguan agad kalimutan sa agos ng buhay ay ipatangay

 

Repeat Chorus

 

Outro (Smugglaz, Curse One, Dello, Flict-G):

Madaming ng yari taon ang binilang

Ka-jamming kong pare napapangiti lang

Ngayon naalala maulit yun sana

Nakaka miss lang kasi

Kahit ano pa mangyari wag kayong bumitaw

Hangga't hindi niyo pa abot lahat ng tala sa taas dahil dahil

Nakaka miss lang kasi

Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko pag naalala mga bagay nato

Kay sarap balikan tamis na nagdaan

Nakaka miss lang kasi

Sige lang tuloy tuloy tuloy lang

Sana’y palaging kasama kundi kayo

Nakakamiss lang kasi



OTHER LYRICS

Balak Ni Syke (feat. Syke)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Malabampira (feat. DJ Arthug)

Ginoong Rodriguez
Batas
2021 Album

DAHAN LANG

HYPE ONE'S
Nik Makino
2022 Album

WAITING4DAGREENLIGHT

DETOUR
Delinquent Society
2018 Album

Basta

Pimpmobile Mixtape
Bugoy na Koykoy
2019 Album

FEATURED ARTICLES