Album

Muling Mang Harana (feat. Curse One)


Walking Distance
Smugglaz
2015

Chorus:

Pwede bang muling magharana?

Sa bintana ng puso mo

Kahit na walang bitbit na gitara

Ay aawitin nang nasa tono

Ang aking pag-ibig na sina-musika

Katanungan na hindi maalis

Saking isip na tila lahat ng ito'y

Kakayanin lamang sagutin ng oo mong matamis

 

Verse 1:

Kung mamarapatin mo lamang muli ako

Na ipaalala ko lahat muli sayo

Nang iyong matandaan

Ang lahat ng mga sa ating dalawa

Simula nang makilala kita

Laging hanap-hanap ka

Laging hanap-hanap ka

Halos sa tuwina ng puso kong

San man patungo, kasama sayo

Ang pag-ibig kong alay mula pa noon

 

Bridge:

Sayo lang ako nagkaganto (ikaw lamang sinta, dito sa puso ko)

Di ko man sadya (di ko sinadya)

Ibigin ka (ibigin ka)

Kaya ang tanging hiling...

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Kung mamarapatin mo lamang muli ako

Na ipaalala ko lahat muli sayo

At nang maramdaman mo yung aking

Panunuyo sayo

Dahil ang makita kang masaya ay magaan sa loob ko

Naaalala mo ba? Naaalala ko pa

Ang tamis ng ating pag-sinta

Di na magbabago ang pag-ibig ko

Dahil ang puso ko ay tangan-tangan mo

 

Repeat bridge and chorus

 

Verse 3:

Kung mamarapatin mo lamang muli ako

Na ipaalala ko lahat muli sayo

Ang mga nakaraan, nagdaan satin

Kung saan, kung kailan

At kung pa'no ba nabuo ang lahat satin sinta

Kaya sana pwede pa

Kaya sana pwede pa

Mapagbigyan muli itong

Aking pag-suyo, na para sayo

Tanggapin mo pa rin, sana tulad noon

 

Repeat bridge and chorus



OTHER LYRICS

Lunes Na Naman

Kampilan
Apoc
2023 Album

Walang Babala

The Ones Who Never Made It
Loonie
2010 Album

ACAB

Sun Of A Gun
Bambu
2013 Album

Abangers (feat. Marco BMG)

Abangers
Pino G
2018 Single

Ilibing ng Buhay

Wanted
Death Threat
1995 Album

FEATURED ARTICLES