Album

Muling Mang Harana Part II (feat. Curse One)


Walking Distance
Smugglaz
2015

Chorus:

Pwede bang muling magharana?

Sa bintana ng puso mo

Kahit na walang bitbit na gitara

Ay aawitin nang nasa tono

Ang aking pag-ibig na sina-musika

Katanungan na hindi maalis

Saking isip na tila lahat ng ito'y

Kakayanin lamang sagutin ng oo mong matamis

 

Verse 1:

Kung mamarapatin mo lamang muli ako

Na ipaalala ko lahat muli sayo

Sino ba ko sayo, sino ka sa akin?

Sa pamamagitan ng aking mga awitin

Na ginamit kong tula ipakatuwid ang aking damdamin na

Kung may takatak-totoo kailan man

Kahit tag-ulan, tag-lamig, tag-init, o tag-araw

Ngayon mga pinagsamahan natin di kayang palipasin

Kahit na maraming mapanahon

Sakin dumaan, alam ko naman

Kaya parating na ko para sayo sakin o sa atin

Ikaw at ako tinadhana na maging tayo

Tila gusto muli iparamdam na

Sana'y muling makadalaw sayo

Makuha ko lamang ang iyong pansin

Kahit na magnakaw pa to

Handa ka ba ngayon o hindi?

Gusto mo man o ayaw, nako nakaraang

Pwede bang masungkit ang mga bitwin sa araw na 'to kaya...

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Kung mamarapatin mo lamang muli ako

Na ipaalala ko lahat muli sayo

Sino ba ko sayo, sino ka sa akin?

Napakaganda na tanawin na isang tulad mo na dahilan

Kung bakit ang puso ko ay tumatalon sa galak sa tuwing

Ikaw ay nasisilayan at nakakasama

Hindi ko mabilang ang mga oras sa mga bawat sandaling

Kausap ka

Libu-libong tala ang kumikinang sa ganda mo

Binago mo ang mundo ko simula ng ika'y dumating sa buhay ko

Nabihag mo ako nang di ko namalayan

Salamat sayo, ako'y biglang naliwanagan

Dahilan ka ng aking paghinga

Di ko kakayanin ang mag-isa, kaya kung kaya wag ka mag-iiba

Bilang tanda ng ating pag-mamahalan

Higit pa sa tsokolate at rosas

Dahil ang alay ko'y aking sarili pati buong panahon ko at oras kaya

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Kung mamarapatin mo lamang muli ako

Na ipaalala ko lahat muli sayo

Ang mga nakaraan, nagdaan satin

Kung saan, kung kailan

At kung pano ba nabuo ang lahat satin sinta

Kaya sana pwede pa

Kaya sana pwede pa

Mapagbigyan muli itong

Aking pag-suyo, na para sa'yo

Tanggapin mo pa rin, sana tulad noon

 

Bridge:

Sayo lang ako nagkagan'to (ikaw lamang sinta, dito sa puso ko)

Di ko man sadya (di ko sinadya)

Ibigin ka (ibigin ka)

Kaya ang tanging hiling

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Tipsy D vs Icaruz

FlipTop presents: Ahon 4
Various Emcees
2012 Rap Battle Verses

FULLCLIP

FULLCLIP
Apekz x Flow G
2024 Single

Sox Pulled Up

The Lean Sessions EP
Bambu
2013 Album

Mind, Body & Soul

Middle of NowHere EP
Peaceful Gemini
2018 Album

Tag Araw

Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
2021 Album

FEATURED ARTICLES