Album

Resbakkk


Walking Distance
Smugglaz
Producer: Mark Fiasco
2015

Hook (3x):

Kala niyo ganun nalang to kahinang nilalang

Para na di na magawang

Balikan ang iba pang

Dapat kong patunayan

Ay sana dumali kayo

Kung akala niyong

Ganun lang kadali maging ako

 

Verse 1:

Oh ano buhay ka pa natural ganun na nga

Tanong ko na sagot ko pa ganun to kalala

Matapos ng maikling panahon ko na pag kawala

Magiging bubog ang katahimikan sa pag bulaga

Saking pag babalik sa sentro tumapat ang tamang tyempo

Umayon din ang panahon pagbigkas ng mahabang bwelo

Tapos subukin ang aking sariling impyerno

Ay para bang Phoenix na muling lumipad sabay sa abo

Kasabay ng panibagong kwento

Kaya bababawat himig di mo mapapahumpa

Mula sa aking mga ba-ba-bagong baong dinala ko

Da-da-da-dahil ito ipa-pa-pamalas mo ay higit pa

Sa mga da-da-da-dating aking kilala niyo

Mga nag pilit akong sirain oh ano kamusta

Pagiging ma pang huhusga nyo ay tila kapos pa

Para ma abot mo ang level na pagiging ako

Nag sisimula palang akala niyong tapos na

 

Repeat hook (2x)

 

Verse 2:

Ang minsan kong pananahimik nag bigay sa akin ng kakaibang pananabik

Upang mag-ingay Yun din ang angas at lupit

Karakas at kulit (kulit!)

Nagpaka Bryan lang saglit pero si Smugglaz na ulit

Sana'y mapaunlakan ang alay handog ko’t laan

Handa nako nunpaman sakaling mag kasubukan

Minsan hindi lang ang tagahanga ang dapat masampulan

Kaya bilang halimbawa sige ngayon ako naman

Dito sa giyera na walang iba na kaligtasan

Kundi paglaban lalo na kong pag suko'y parang katumbas lamang ng kamatayan

Nang maipon ko na lahat ng enerhiya ko na kailangan

Basagan na ng alkansya bumalik na parang Super Saiyan

Sa makapal na pahinang may manipis na babala

Ng aklat nitong pang kasalukuyang alamat

Walang atrasang tumalikod sa nakaraang pag gapang

Pag abante ko ay sa hinaharap naka tapat

 

Repeat hook (2x)

 

Verse 3:

Maraming nag sabi sa akin

Na hindi kakayanin ang aking lakas sa lakas

Sapagkat akala nyo na kaya kong ilabas ay nakita niyo na

Subalit ang katotohanan ngayon na ang alam niyo

Sa aking kahinaan noon na sa diin ng pag kakataon ay magiging partida ko pa

Sa mundong to ang pinaka matapang ko na nagawa’y

Mag patuloy na mabuhay sa tuwing gusto ko nang mamatay

Upang maipamukha na malaking sampal sa inyo

Bawat pangarap ko sa buhay na mapapasakamay

Kahit saan mapalakbay pinang hawakan ko pa lalo

Nag banta man ang kabiguan tagumpay naman ay nangako

Sa akin kahit ang napili kong landas ay hindi ganon kadali

Kailan ma’y hindi magiging tama ang akala niyong mali

 

Repeat hook (2x)

 

Outro:

Mamamatay kayong dilat pag bigla kong umangat

Sabay dila at ngarat pahiya kayong lahat

Mamamatay kayong dilat pag bigla kong umangat

Sabay dila at ngarat pahiya kayong lahat

Kung akala niyong ganun lang kadali maging ako

Mamamatay kayong dilat pag bigla kong umangat

Sabay dila at ngarat pahiya kayong lahat

Kung akala niyong ganun lang kadali maging ako



OTHER LYRICS

Summer Nights

Stratus Mixtape
Ives Presko
2012 Album

Bakas Yown (feat. Tadz)

Kusina Mixtape
Droppout
2016 Album

Move On (feat. Carlo Bernardino and Hirabeat)

INVERSE
RBTO
2012 Album

Kaarawan

Kaarawan
Marc Mamuric of Row 4
2016 Single

Doobs at Movs

Stratus Mixtape
Ives Presko
2012 Album

FEATURED ARTICLES