Koronasyon


Koronasyon EP
Gnarrate
Producer: Chrizo
2016

Verse 1:

Natagalan kase aminadong kapit

Sa tyansang ideya ang lalapit

Hanggang sa mapuno ang kaparangan

Ng mga boteng puro kidlat ang laman

Pinag-alayan mga handang makinig

Kesa bihisan ang bibig ng mga tamad mag-isip

Nilamon ng pekeng panaginip

Kaya't inisip ng lubusan aking hirit

May mga tutugon, kanilang susubukang

Itakda aking pangalan sa listahan ngunit di nawari

Na ako'y isang dragon, wag mo nang

Ipasok sa pintuan ng hawlang pang kalapati

Di pa kayang matimbang

Ginamit kong pintura iba ang pinagkunan

Langis para sa binubugang apoy di pa namimina

Sa kahit sa'ng disyerto o karagatan

Di pa napapakinggan

Kaya't subukang maglaan

Ng oras para laman ng aking akda

Ay manamnam, mag-iba pakiramdam

At magawang makialam sa nangyayari sa paligid

Mga ginigipit dapat magkapit-bisig

Milyon milyong katao iisang hukbo

Lahat nakakorona, isang bagong yugto

 

Chorus:

Ang ating koronasyon

Ito ang ating koronasyon

Pagka't ang atin ay atin

Ang atin ay atin

Dapat ang maghari kung sinong dapat maghari

Kung sinong nagtanim sya ang dapat umani

Sa ating koronasyon

 

Verse 2:

Pero umpisa pa lang ang ngayo'y narating

Sa kakaining bigas, ako'y gutom pa rin

'Pagkat aking pangarap, higit pa sa sumikat

Sana bumakat at isabuhay mga naisulat

Kung ika'y asal pulis, ranggo man ay hepe

Aking sinasabi, di mo mahuhuli

Maglabas ka ng baril, magtataasan hindi

Mga kamay kundi puro mga gitnang daliri

Kahit pa sabihang rebeldeng panggulo

Raratrat hanggang mabaligtad ang triangulo

Sa walang hangganang paglapat ng tinta

Akala nila na ako'y nahibang na

Dahil ang gusto kong mangyari'y imosible

Mas hibang ang ayaw mangyari ang imposible

Nagpabidahan sa pag-akyatan

Tinulak ko mga bundok nang matira'y kapatagan

Kalayaan

Tanging kahilingan

Makamtan nang lubusan

Makaalis sa gapos ng mga gahaman

Mukhang hanggang kamatayan di ko rin masisilayan

Bukang liwayway sa ating inang bayan

Ganunpaman, di pa rin mapipigilan

Koro ng nasyon, sa wakas mapakinggan

 

Chorus:

Ang ating koronasyon

Ito ang ating koronasyon

Pagka't ang atin ay atin

Ang atin ay atin

Dapat ang maghari kung sinong dapat maghari

Kung sinong nagtanim sya ang dapat umani

Sa ating koronasyon

Dapat ang maghari kung sinong dapat maghari

Kung sinong nagtanim sya ang dapat umani

Sa ating koronasyon

SEE ALSO

Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022

OTHER LYRICS

Poison Delights
Ligtas
Bawal Clan x Owfuck
2020
Last Straw
Ordinary Lives
Rayneman
2018
Tao
Matrikula
Gloc-9 (feat. Cookie Chua of Color It Red)
2009
On The Run (Intro)
Carpe Diem
Skarm
2018
Arangkada
Ala Una
Apekz (feat. Aya)
2017