Album

Bedtime Stories


Personality In Disorder
AKT
Producer: Narf Oxic
2019

Verse 1:

Walang paligoy ligoy, totoy wag kang tumuloy 

Sa akalang mapayapang sapa'y merong kumunoy 

Kumakatok na paalala wag mong itataboy 

Hinding hindi ka hahayaang maglaro ng apoy 

Alam mo ba nung ako'y nasa iyong katayuan 

Sa lahat ng yan ako'y naging sunod sunuran 

Ultimo mga multo't aswang aking pinaniwalaan 

Nang magkaisip na ko'y bigla na lang pinabayaan 

Bahala ka sa buhay mo pag ikaw ay tumanda 

Pagkatapos busugin sa mga panakot at banta 

Pilit kang pinagawa ng mga hindi mahalaga 

Maaring niligaw ka ng inakalang pag-aaruga 

Pano kung mali ka sa kung saan ka nagmula 

Mahalaga pa nga ba kung saan ka papunta 

Aanhin mo ang ginto kung hindi ka masaya 

Magsisisi ka sa bagay na hindi mo ginawa 

 

Hook (2x):

Sariling pag-iisip ang iyong anting anting 

Aanhin ang kalayaan ng isang napapraning 

Maraming sabi sabing walang lunas mabaliw 

Hindi ito sakit, di mo kailangang gumaling

 

Verse 2:

Happy birthday every year puta ang saya 

Pressured ka na ba dahil lang sa pagtanda 

Responsibilidad sa bawat dagdag mo ng edad 

Ayaw mong gawin, nagpapagod ka ng sagad 

Yung una mong halik, balikan mo lang ulit 

Wag kang mangangambang masiraan ng bait 

Sulitin mong maigi anuman ang pagsusulit 

Pagiging inosente'y wasakin mong mabuti 

Dahan dahan lang, wag kang magmadali 

Wala namang masama sa mga nagpahuli 

Hulihin mo ang kiliti at ganun din ang ngiti 

Nang sa ligaya'y di mo kailangang humingi 

Sa balong malalim di kailangang humiling 

Maaaring atraksyon na ang isang guni-guni 

Lahat ng bagay bagay ay may posibilidad 

Ikaw mismo mag disenyo ng iyong reyalidad 

 

Repeat hook

 

Verse 3:

Wag kang matakot sa gawa gawang batas 

Wag magpapasakop sa pamantayan ng antas 

Wag kang manonood ng pambobong palabas 

Wala namang anghel at wala ring satanas 

You don't need to fit in para mag-exist 

Mawalan ka ng paki sa nais lang na mang-inis 

Di kailangang mag-adjust para lang sila i-please 

Kung ayaw mo sa tao wag kang magtitiis 

Magpaka-insane, huwag na silang i-entertain 

Hayaan mo silang magsireklamo everyday 

Iwasan mo cocaine, manatili kang organic 

Wag mag feeling wake pag ika'y nag-psychadelic 

Quiet lang sa gedli and enjoy watch them burn 

Welcome to the real world the place with no return 

We all born to die kaya tangina ng standard 

Do what makes you happy ang mundo ay mental ward

 

Repeat hook (4x)



OTHER LYRICS

All Fuckin' Day

All Fuckin' Day
FCKND
2016 Single

Rhythm Of Christ

INVERSE
RBTO
2012 Album

Babala

Dear Critics
Ghetto Doggs
1999 Album

Nganong Karon Pa Man (feat. Elrey, 031, and Makii)

Nganong Karon Pa Man
RKteQ
2017 Single

Atsay Killer

#MANILACIRCLEJERK
Den Sy Ty
2016 Album

FEATURED ARTICLES