Album

Taong Grasa


Personality In Disorder
AKT
Producer: Narf Oxic
2019

Hook (8x): 

Ayokong maging kayo, maging kayo

 

Verse 1: 

Masukal na mukha, itsura ng pabaya 

Iniiwasan nila, sakin ano bang masama 

Wag na magtaka, ako daw ang tanga 

Nakakatawa, lahat nadidismaya 

Isipin mo nga, sating dalawa 

Sino ba talaga tunay na nakawala 

Sa sistema, kumagat ka't natuwa 

Sumamba sa pera at ako nasuka, napabuga 

Nang makita kong malinaw 

Pinagkakakitaang pumapanaw 

Mga posisyon na lahat umaagaw 

Habang kalayaan nilalangaw 

Sa tabi ng basurahan, walang pakialam 

Di na ramdam, tiyan na kumakalam 

Pag kumatok ang gutom, kakain ng nalawayan 

Dito ang pagkain hindi pinag-aawayan 

Panay pihikan, sikmura'y puro arte 

Namimili pa ng itatae 

Di makalamon, pag marumi ang kamay 

Mapanlait at takot mamatay 

Ayaw mahusgahan kaya nagpatangay 

Tingin ko sa inyo

Kayo'y humihingang patay

 

Repeat hook

 

Verse 2:

Inaapi mga may mababang salapi 

Nagkakasakit kumakayod umaga't gabi 

Nagtatabi ng pambili, McDo at Jollibee 

Nakangiti sa happy meal, oops Wowowwee! 

Idolatry, baliw na baliw 

Kay Ate Guy pati kay Ate V 

Mundo'y kinain ng technology 

Tignan ang paligid wala nang trees 

How do I breathe

Ang panghi 

Oops mali ako'y walang pake 

Sa dami ng inyong discovery 

Still utak niyo can't set you free 

Mga tanga nakakulong sa social media 

Always searchin sa Wikipedia 

Pero sarili'y hindi makita 

Kailangan pa ng kokopyahang artista 

Tutok sa telebisyon, taong de kahon 

Utak niyo'y kontrolado na ngayon 

Manipulasyon buong populasyon 

Sumasamba sa libo libong panginoon 

Nagpapatayan, di magkaintindihan 

Yan ba talaga normal na kaisipan 

Kailangang magbayad ng sapilitan 

Afford that shit, para tanggap ng lipunan 

Fuck that

Ayokong maging kayo

 

Outro: 

Tulog ang langit para sa panalangin 

O baka para sakin ito'y pangitain 

Na ang pag-ibig ay hindi nagpapakain 

At ang nagbibigay ay siyang papalarin 

Maaaring ako'y lusaw na nga 

Habang nagpapakadugong bughaw ka pa 

Parte na 'ko ng kalsada, ganap na 'kong malaya 

Sa kamay ng masasama, sino pang magtatangka 

Lumapit at humawak sakin para manghingi ng barya 

Kung hihingan ako ng buwis aba'y malamang tanga ka 

Bat ka magtatangka natanungin kung ba't ako nagkaganito 

Bakit? Masaya ka ba? Sa kababayad ng kung anu ano 

Tubig, kuryente, pamamahay na hindi naman sayo 

Sinisingil ka ultimo sa mga tulog mo 

Kakaisip sumabay sa uso, bugbog na utak mo 

Pati katawan, kakatrabaho

Kakaipon mo ng sweldo, kagustuhang umasenso 

Di ka na nakukuntento

Tumangkilik nang lahat 

Lahat ng naiimbento, nanatiling bulag 

Sa makamundong proseso

Sa reyalidad ng tao'y nanatili kang preso 

Di ka ba nangangawit kakatingala 

Sa mga artistang hindi ka naman kilala 

Salot ba tingin niyo sakin

Bat anong tingin niyo sa nakaupo 

Reklamo kayo nang reklamo ayaw niyo namang magsitayo 

Di ko naman sinasabing kailangan niyong magkaganito 

Pinapamukha ko sa inyong kayo'y magpaka-kayo 

Mahalain kung anong meron kayo

Wag niyong hayaang mawala pa ito 

Bago niyo ipagsigawan ang halaga nito

Tandaan ang paalalang ito

Mula sa sinasabi niyong baliw 

Nilimot ng daigdig, pinandidirian niyo, eew

Tinakwil na kapatid 

Kayo kayong mga nag sasabing merong akong tama 

Sige kayo na ang tama

Kayo kayong mga nakakaunawa, kayo kayong tumatawa 

Wag sana kayong lamunin ng pamomroblema 

Kasi baka bukas makalawa, tayo nanamang muli ang magkasama 

Bilang taong grasa



OTHER LYRICS

Greetings

IDEAL
Curtismith
2016 Album

Pisi (feat. Ron Henley and Drich)

Pisi
K-Leb
2018 Single

Tirador

Hendrix EP
Abra
2018 Album

Filipina Killa

Filipina Killa
Zae
2023 Single

Buong Ako

Taurus
Pino G
2016 Album

FEATURED ARTICLES