Album

PICU


Personality In Disorder
AKT
Producer: Narf Oxic
2019

Verse 1:

Personang pinosas sa paglayas inaagaw 

Mabibigat na oras sa madadaling araw 

Gabi gabing kasiping lungkot na kaulayaw 

Laging pinapalalim poot na nasa babaw 

Halo halong takot gawang kaba ginahasa 

Mga tanong sa pag-tataka lang nagnanasa 

Ginawang magpasagasa pero buhay pa rin 

Sarili'y binigti, ginawa na ring lunurin 

Tumalon sa building, pati na rin lasunin 

Naglaslas na ng leeg, ako'y buhay pa rin 

Aking kaluluwa'y sinadya na ring sunugin 

Humandusay sa tulay at ako'y buhay pa rin 

Aking paghinga'y pilit pinapatigil 

Sinasakal sarili, nilulunok na ang daliri 

Sinusukang buhay ang wakas paulit ulit 

Ngunit ako'y buhay pa rin, ako'y buhay pa rin 

 

Verse 2:

Kaibigan kaibigan wag ka munang bumitaw 

Wag mong pakikinggan ang mga sumisigaw 

Di pa takdang oras para ikaw ay lumitaw 

Bilang balitang ang landas ay naligaw 

Magsilabasang ang pamilyang tila nag sipag artista 

Kakapatulo, kakapunas ng mga panggap na luha 

Saan sila nanggaling eto ang di ko makuha 

Bakit wala sila nung kinakailangan mo kausap 

Ang hahaba ng litanya sila ba'y nagluluksa 

Tila patalastas lang ang iyong pagkawala 

Pagkatapos malibing, balik ulit sa dati 

Back to normal na parang wala ring nangyari 

Hindi ka kawalan para eksena ay baguhin 

Mundo ay entabladong lahat lamang panauhin 

At kung buhay mo lamang nais mong papanoorin 

Ito'y isang palabas na di ko kayang tapusin 

 

Verse 3:

Ito'y tulang maaring hindi na gawa gawa 

Maaaring mangyaring ito'y katha ng pagngawa 

Para lang amining ubos na kanyang saya 

Pwede ring sabihing ito'y gimik lang pala 

Patiwakal na imaheng nais magpapansin 

Anuman ang totoo hindi ko 'to aaminin 

Wala kong pakialam sa mga bakasakali 

Di ko sasabihing "please save me, I'm dying" 

Di kailangan ng tulong, hindi ako sinungaling 

Sa panloloko ng iba dun lamang nahumaling 

Ekspertong magkunwaring lahat ay ayos lang 

Ito'y parte ng album para matapos lang 

Di ako nagbibiro, sakin ka ba maniniwala 

Masarap mabuhay oo, huwag mo nang ipaalala 

Lilitaw din ang sagot, wag kang atat na alamin 

Ito'y kathang isip lamang kung ako'y buhay pa rin



OTHER LYRICS

MANHID

PAUTANG NG PAG-IBIG
Hev Abi
2022 Album

Kesa Bumenta

Illustrado
Illustrado
2017 Album

Outside

Sakred Boy
Hev Abi
2022 Album

Dangerous

Good Problems
WAIIAN
2020 Album

Basta

Pimpmobile Mixtape
Bugoy na Koykoy
2019 Album

FEATURED ARTICLES