Album

Mikroskopyo


Personality In Disorder
AKT
Producer: Narff Oxic
2019

Verse 1:

Kumusta na mga dapat di na kinukumusta

Silang mga limot na ang pakikiisa

Di na nakikibalita, etsapwera na paki nila

Sino ka ang sistema, sino ako ang problema

Ang biktima ay giyera, bangkay ang pumipila

Hindi na umiidlip, hindi pa kumakain

Wala na ngang pera andami pang inuuna

Kaya sagot sa mga lait ay pagiging iyakin

Taong palara, bumubulang bunangangang palamura

Palpak na kabataang gawa ng gurong tanga

Artistang kilala, katawan lang tinitignan

Musikerong sarili lang ang pinakikinggan

Mga tulalang tulang nanatili na lang sa kwaderno

Pinutol na puno para lamang sulatan ng bobo

Mga uod na inuuod bangkay na may AIDS

Pinaggigibang bundok para gawing express way

Manyakis na pari, mga nagkukunwari

Ayaw umaming bading, nagbabakasakali

Tumahimik ang adik, may nangangating puke

Traydor na kumpare sa ulo mo tumatae

Ang biktima ay rape hindi ang nagpakamatay

Ang bayani ay praning kung ang martir umaaray

Mga palamunin silang mga pihikan

Mga gilid gilid na laging iniihian

Retokadang laging naliligo sa kutsa

Mula sa mga walang pampagawa ng mukha

Empleyadong pinapalamon na sa makina

Gasolina mismo kanilang hinihinga

Tambay nakahubad, nakangiting bungal

Retarded, duwag, inulul na ng sugal

Sira na ang buhay, wala ka pang bahay

Iniwanan ng tatay, nagpuputang nanay

(kumusta)

 

Hook (4x):

Kumusta na mga mikrobyo sa loob ng mikroskopyo

Ang nilalait mo ay mismong kamukha mo

 

Verse 2:

Anong balita sa hindi binabalita

Mga di nakikita sa ututan ng dila

Mga tagahanga ng Marvin at Jolina

Mga tuwang tuwa sa patok na takilya

Sakit niyo sa kilay masyadong makikay

Hate na si Kris, hate pa si Binay

Mula Miyong to Digong ayaw mo sa kanila

Kahit sinong umupo nagrereklamo ka

Tulong sa magsasaka, magtanim ka mag-isa

Kung gusto mong kumain tumuka ka ng isda

Alam na ngang siksikan, sakay pa nang sakay

Sabay reklamo sa umaga, anong problema mo bai

Kakagising ko pa lang, umiiyak ka na

Pag-uwi hating gabi, ngumangawa ka pa

Araw araw galit sa mundo, pare what the hell

Sa bawat diskusyon, masyadong mapapel

Sinungaling resume, nag-aapply ka ng work

And then when you pray gusto agad ng sagot

Buraot na nga lang, demanding pa brad

Andaming nanghihingi, namulubi na si God

Nagpaparinigan dating magkakaibigan

Nagpapainutilan silang nagpaplastikan

Facebook timeline, naging monggoloid commercial

Andaming pinopost ng mga anti-social

Nang-aaway ng normals sila daw ay elite

Sabi puta edi wow, that's legit

Mga forever living things nabubuhay sa inggit

Mapa conyo, iskwating, may kanya kanyang sipit

Panghila sa baba, ayaw sa umaakyat

Hindi magtatrabaho, kunwari nilalagnat

Tamad na umasenso gusto pantay lang tayo

Pagsindi ng damo isama pati kabayo (lahat na tayo)

 

Repeat hook



OTHER LYRICS

As We Prey

Prey For The Devil
Bambu
2016 Album

Rest Day

Rest Day
CLR
2017 Single

Live Evil

Aether EP
DB
2018 Album

Dizzong

Dizzong
Skusta Clee
2016 Single

Slick Watts

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

FEATURED ARTICLES