Rap Battle Verses

Tipsy D vs J Skeelz (Tipsy D's Rounds)


FlipTop presents: Ahon 5
Various Emcees
2014

Round 1:

Akala ko di ka na darating, si Anygma tuloy muntik nang magpaluwal

Antagal tagal niya sa banyo, natae pa yata sa salawal

Di ka marunong bumangka

Okay lang maging tibo kaysa magmukhang multong bakla

Yo!

Ngayon lang ako magkakaroon ng pangit na laban

Gusto niyo ng katunayan? Tignan niyo nga yan

Mukha pa lang, talo na kahit sino kalaban

Sobrang pangit, mapapamura ka kahit hindi mo tawaran

Sobrang pangit, pag sinuntok sa mukha, pangit pa din kahit hindi mo tamaan!

Yun ay simpleng pang-asar, nung nakabattle ko si Sinio

Pero basura ka lang par, kaya ako nagrecycle ng intro

Malamang magkaroon ka ng R.I.P sa title at info

Kasi mamamatay ka sa bar, parang nag-suicide ka sa bistro

Suicide, sariling saksak, ito ay harakiri

Kasi, sablay dakdak nitong Hanamichi

Matangkad man si Aligieri, pero taob to sigurado

Dahil yung punches mo pang-”Ang TV” at ako’y mabilis pa sa alas-kwatro!

Kaya tatakbo malamang ang tikbalang na halata pang kabado,

Ako’y payatot na matakaw, lamon ang tapang kabayo!

Yung tapang pang-kabayo, pero kung makaasta siga

kaya pala mahina ka sa punches, kasi sanay ka sa sipa!

well, fuck Taekowndo, sunog sa akin itong karatista

bawat set-up ko may pasabog, ako’y terorista

Record mo magiging 1-1

Parang gamit kong handgun, sinomang kalaban I’ll erase

Siguradong tatamaan kahit na iwasan, mga bara ko’y naka-client trace

Bang!

Tinuruan niya kayo ng pagmamahal, pagmamahal sa ginagawa,

Pero ba’t bumalik siya sa Dos Por Dos nang hindi man lang naghahanda

Mahahabang verses na hindi magkakarhyme, J Skeelz walang natutuwa

Kasi yung pangaral mo, parang freestyle mo, J Skeelz hindi nagtutugma!

Kasi wala ka naman talagang skiil, Skeelz

Hindi mo nga alam ang tamang spelling ng skill, Skeelz

magpasulat ka ulit kay Smugglaz kung di mo kaya ang aking skill, Skeelz

Nang makatanggap kayo ng double “L” parang tamang spelling ng skill, Skeelz!

Pagmamahal daw sa ginagawa, bitch please J, kahit sa replay walang matindi

Wala akong makitang skills J, puro cliche, wala kang silbi!

Kasi gumagamit ka ng props sa laban, verses na magaan, mahihinang tugmaan

Yan ba yung pagmamahal sa ginagawa na sinasalamin mo?

Tandaan mo hindi lang hanggang salita ang pagmamahal sa ginagawa

Dapat ginagawa mo ding mahal yung salitang pinaparating mo!

At totoo iba mangaral si Tipsy, hindi man ako guro, mas grabe pa

Isa akong makapili, kapag ako ang nagturo, may tutumba!

Speaking of tumba, naaksidente siya sa motor, paano ko nalaman?

Kasi nagpost siya sa FB ng basura niyang litrato

Imbis magsampa ng kaso, siya’y nagselfie para sa simpatya ng tao

Tapos ang nakasulat “gagaling din daw yung sugat balang araw”

Tarantado, wala ka naman sugat, ganyan ang mukha mo araw-araw!

At kung sinuman sumulat ng verse mo ngayon pakisabi “tang ina niya”

Imbis na mag-improve ka, gumagaling ka lang mag-kabisa

Pagmamahal ba talaga sa ginagawa o mahal mo yung taga-gawa mo ng liriko?

Paano ka mangangaral sa pagmamahal? Di mo nga maaral mahalin yang sarili mo!

 

Round 2:

Yo! Paulit-ulit siya

Di daw marunong kumanta si Tipsy D

Di marunong kumanta si Tipsy D

Di marunong kumanta si Tipsy D

Malamang, Rap Battle to, wala tayo sa Singing Bee

Pero kahit ganyan yang mukha ni J Skeelz, hindi yan naniniwala sa multo

Malamang kahit patay, mawalan ng buhay sa pagmumukha ng isang to

Nung pinagbuntis siya, wala man lang manananggal na naglakas-loob sumilay sa bubong niyo

Sobrang panget, nag-iba ng diet, natutong kumain ng gulay yung mga aswang sa Tondo!

At alam ko, pinaglihi ka sa Diatabs, huwag mo ikaila yan pare

Nung pina-ultrasound ka kasi, napagkamalan kang tae!

Kaya kulang ka sa buwan, niluwal ka agad ng ina mo hindi dahil malakas ka sumipa

Kulang ka sa buwan kasi sobrang pangit mo hindi ka na niya masikmura

Kaya bata ka pa lang sinusuka ka na, pagsilang mo ay marahas

Di ka masikmura ng ina mo, sinuka ka literal, sa bibig ka lumabas!

At hindi ka malakas, umaasa ka sa iba yan ang di ko mapalampas

Alam naming may hinite ka, kahit hindi mo ilabas

Ikaw lang yung tumatakbo sa karera, pero iba yung humampas!

Pero kahit alam nilang nagpapasulat ka, sumisigaw pa rin sila

Tinatanggap pa din nila at kung naniniwala ka naman, mag-isip ka king ina

Baka nalilimutan mo J Skeelz kabayo ka, sinasakyan ka lang nila!

Pero ako, hindi kita sasakyan, hindi ako si Gladys Guevarra

Magaling daw bumangka to, wag mo akong kwentuhan di mo ako kilala

Anumang bangka mo, taob yan pag ako ang pumara

Lulubog ka sa bar ko, ito ay Caribbean at ako ang pirata!

Kaya kong sumuntok sa maraming anggulo, daig ko pa ang pugita!

Hinding hinding hindi ako lilisya, kahit manalangin pa kayo ni Korina!

At nagfreestyle ka lang ulit, wala ka namang sasabihing maganda

Mas mabuti pang ika’y umuwi na! at magsama nalang kayo ni Korina!

Speaking of Korina

Boss, balita? Karamihan sa amin nag-improve na, ikaw nakakulong ka pa din sa dati

Kaya pala lagi kang naka-“boss, balita?” kasi wala kang alam sa nangyayari!

Boss, balita? Kung gusto mo ng balita, pumunta ka kay Taruc, Jay

Laman ng headline aking punchline malakas na suntok, J

Hindi ko na kailangan ng Biglang Liko para magkaroon ng magandang hook, J

Wala nang paligoy, pag ako tumira diretso lang parang rook, J!

That is why di na kailangan na ika’y labanan sa ganitong larangan, I am better, J

T-I-P-S-Y, buo na aking pangalan

Kahit hindi mo sulatan di ko kailangan ng letter J

At burahin na daw kita sa liga and I’m glad to say na ako’y na hyper, J

Kasi lahat sila sabik na, ika’y mag-fade away parang si Michael J

Fade away, burahin kasi wala kang importance

That’s why I’m putting J in the box parang bagong biling Jordans!

Pero teka, anong kinalaman ng brand na Nike to put J on the feet?

I mean madali ka lang tapakan parang track ni Miley, I got J's on my feet!

J's on my Feet!

At kung sinuman sumulat ng verse mo ngayon pakisabi “tang ina niya”

Imbis na mag-improve ka, gumagaling ka lang mag-kabisa

Pagmamahal ba talaga sa ginagawa o mahal mo yung taga-gawa mo ng lirik?

Paano ka mangangaral sa pagmamahal? Di mo nga maaral mahalin yang sarili mo!

 

Round 3:

Yo! Gising pa ba? Buyahin natin to!

Sir, pinaghandaan kita nirerespeto kita eh, freestyle lang oh

Pag ika’y tumira parang hinihika at malapit ng hibasan

Ppag ako tumira, napapa-ganyan si Anygma parang malapit ng labasan

Walang nagagalingan sayo sinuman sa liga, malabo kang atrasan

Mahihina mong verses dinadaan mo sa boses kaya mo nilalakasan!

Pero maganda lang pakinggan yung mga sinasabi niya kahit corny na

Ano ba ugaliin magsiyasat

Kasi kung susuriin bawat linya niya na parang bibliya

Malamang batuhin niyo si Goliath!

At sabi nila kaya ko daw mag-isa ang Dos Por Dos, hindi ko na kailangan ng Third

Mga putang ina niyo tag team yon, ba’t di ko kailangan ng Third?

Pero sige ngayon kung tutuusin di ko na kailangan ng Third

Kasi ito’y Pacquiao versus Hatton, kanina ka pa taob sa unang dalawang round

Nagfreestyle ka na nga lang pero huwag kang mag-alala tutulungan kitang makabangon

Kasi nag-improve na yung mga sulat niya, pansin niyo ba? Pati yung porma at gupit

Yung mga bars niya ambibigat at walang kasing anlupit

Fan talaga ako ni J Skeelz, oh diba ang kulit?

Sa katunayan ako yung mukhang tanga kapag kami ay nagdikit!

Hindi, idol talaga eh, idol..

Pweh!

Kung kakainin ng lupa yung sinungaling, kanina pa ako nakalubog

Kung akala mo kaya mo akong talunin, nagkamali ka ng kutob

Psinycho lang kita, mag-isip ka kung puwede, utang na loob

kaya lang naman kita inangat para puwede ulit kitang itaob!

Kasi mahirap daw kalaban yung mahilig sa props at gimik

Pero ano magagawa non sa matinding bars at titik

Kung yung skills mo sintangkad ni Balingit?

Yung skills ko ay sagad, sky's the limit!

Fuck the sky though, kahit tawagin mo pa lahat ng 187

I’m putting middle fingers in the air na parang I hate heaven

Anong magagawa ng Mobza sa utak terorista pare, I’m BIN LADEN

Matangkad ka man mala-tore, sakin bagsak ka na parang 9-11

Pero teka, 187, solid na samahan pero umalis si kupal

Akala ko ba you don’t die, you multiply? This horse ain’t loyal

Kasi may bago na daw siyang banda kasama si Kosa

Pero anong silbi nun? Gago, may kasabihan nga tayo

“Aanhin pa banda mo kung patay na ang kabayo”

Kahit hindi fiesta ng San Juan, sana nagdala ka ng timba

Kasi mamatay ka sa Ahon, parang tanga tangang isda!

Kasi ngayon ang swerte, hindi mo na kakampi,

Nakaligtas ka na sa motor pero ba’t bumangga ka sa tangke?

Kung nakaligtas ka sa Batas, di mo ’ko nalansi

Matindi pa ako sa tadhana, pag ako gumanti!

Hustisya ang hatid ng bawat punches ko, parirala't pangungusap

Ilalagay ko ang batas sa kamay ko, tapos kayo na bahala mag-usap!

Kasi hindi ako pumunta dito para maglibang

Wala akong ibang gusto, tanging pakay ko ay mapatay ka lang

Gawa na yung hukay, yung bangkay mo'y hinihintay nalang

Masyado kang matangkad, mahal ang kabaong kaya bodybag na lang!

Nung Ahon 3, dito ako umusbong kayo na mismo ang patunay

Na isang maliit na Davaoeño ang hinatid ko sa hukay

At sinunod lang kita, pero imbes malungkot J, dapat ka magpugay

Magpaka-Tipsy ka nalang kasi meron ka namang kasamang Gin sa kabilang buhay!

At kung sinumang sumulat ng verse mo ngayon pakisabi “tang ina niya”,

Imbis na gumaling ka, nawawala ka tuloy, gumagaling ka lang mag-kabisa

Pagmamahal ba talaga sa ginagawa o mahal mo yung taga-gawa mo ng liriko?

Paano ka pa mangangaral sa pagmamahal? Di mo nga maaral mahalin yang putang inang sarili mo!

At Sak! Sak!

Tang ina di kita inatrasan, di lang talaga ako sa wack nakasentro

Ang gusto kong kalaban si BLKD, yun ang tunay na maestro!



OTHER LYRICS

Shinobi (MANILA GREY)

No Saints Loading
MANILA GREY
2019 Album

Rico J

Rotonda EP
Gloc-9
2017 Album

Bananas

OOF! EP
Blue Scholars
2009 Album

What Matters Is It Does Not

Self-Help, The Checkup
Omega and skinxbones
2016 Album

Liwanag

Tukalo Mixtape
OSD.
2020 Album

FEATURED ARTICLES