Rap Battle Verses

Sinio vs Sak Maestro


FlipTop presents: Ahon 5
Various Emcees
2014

Round 1 (Sinio):

Idol, ano mga baon mo?

Baka tungkol na naman yan sa mga pagiging komedyante ko?

Na walang bilang ang joker sa baraha at casino

Mabuti nang wala akong bilang sa sugal, kesa wala akong bilang sa ligang to

Paulit ulit na anggulo, umpisa pa lang, di ko pa nakalaban

Ni-rebutt na yan ni Dello, binanggit na yan ni Spade, ni G-Spot, ni Tipsy D, at Rapido

Buong taon wala kayong ginawa kung di i-expose lang ang style ko

Bakit? Hindi nyo ba kayang i-expose yang style nyo?

Na hindi raw nakakatawa ang pagpapatawa ko?

Putang ina, nagpapatawa ba kayo? Pwes di ako natatawa sa inyo

Oo, oo masayahin, yan ang pagkakakilala sa akin ng tao

Pero di mo gugustuhin sa oras na magseryoso

Pagkat pasensya ko’y kasing haba lang ng etits mo

Sir Anygma ano bang nagawa ko sayo?

Wala akong natatandaan na ginawan kita ng masama

Para ipaulit-ulit mo sa akin itong sumpa

Maestrong bisaya, hoy bisakol

Saang ka bang iskwela nagtuturo tol?

Sa IS? Ano yan, Ilimintari School?

Ulol mo, gusto ko na sanang magbakasyon

Kaso si sir Aric, bingyan pa ako ng laban ngayong Ahon bago matapos itong taon

Meron daw siyang kilalang guro na gusto nyang paturuan sakin ng leksyon

Pero bago yun, alam mo ba noong nag-aaral pa ko 75 lang ang grade ko?

Pero wag ka half day pa lang yun, eh paano pag hin-whole day ko pa eh di 150 na?

Tangina, subukan mo kong ibagsak, may kalalagyan ka

Hindi mo gugustuhin pag nagkaroon ako ng gradong kulay pula

Sige bigyan mo ako ng palakol, nang masibak kita

Ako’y hindi ganoon katalino

Ako yung tipong perwisyong estudyante

Kilala bilang komedyante ng mga kamag-aral at kaklase

Numero unong sakit sa ulo ng mga guro

Kaya laging outstanding sa klase

Eh kasi mas gugustuhin ko na lang lumabas kesa makinig sayo

Nakakabored tong bar exam mo, pwede bang i-exempted na lang ako?

Kasi sigurado namang kahit ano ang isagot ko, sa huli iche-check pa rin yan ng maestro

Pero sir Aric salamat po sa pagkakatong to

Kasi kahit di ako nag-kolehiyo, pinatungtong mo ako ng entablado

Kaya may tinapos ako

Bagsak ba ang mga punchline ko para laiitin ng mga guro? Hindi

Alam kong tama ang mga tinuturo ng mga guro

Pero mas natuto lang ako sa aking mga pagkakamali

 

Round 1 (Sak Maestro):

Yo, tuturuan niya daw ako ng leksyon

Pwes ibang klase tong edukasyon

Kolehiyo, di ka nakapagtapos?

Ikaw ang tatapusin ko ngayon

Sabi nya nakita nya raw ang aking etits

Tangina para sa Sak Maestro, siguro sasabihin mong Suck Maestro

Yung sayo sing-liit lang iyan ng straw

In behalf of Cagasan family, salamat sa mga sumabay

Sa mga abuloy na ibinigay at inabot kamay niyo para sa bangkay

Kaya sabay sabay tayong kumaway para sa kaluluwang lalakbay

Sayang kung di lang umatras si Tipsy, eh di sana siya yung namatay

Tipsy D vs Sak Maestro, oo maraming nag-aantay

Pero sanay na akong magpakumbaba kahit yung match-up ay sumablay

Umatras si Tipsy dahil sa palagay na hindi kami magkapantay

Dahil yung pangalan niya ay sementado, pero sa lapida ko ilalagay

Oo ipagpapanday ko pa sya ng kabaong pero huwag nyong isipin ako’y galit

Mga salita ko’y masakit lang para sa taong  binanggit

At di porke may ipinaliwanag lang ako saglit ay maisasalba na yung ipinalit

Balikan natin itong kakatayin nang mag-Central Luzon na to ulit

Sinio Cagasan paborito ng bayan

Pero naba-badtrip pag yung jokes niya‘y hindi nyo tawanan

Tangina natalo sa Isabuhay, nag-e-emo pa nga yan

Sabi mag-reretiro na nga lang, pero ngayon ay nagbalik, aming nabisto’t nalaman

Balimbing ka rin pala parang si Gringo Honasan

Huling battle mo kay Tipsy oh 5-0 yung laban

Sabi di raw kailangan yung super herong mayaman

Pero sa mismong larangan ako ang inyong asahan

Dahil buhay pa nga ang Joker kaya nandito si Batman

Pero hindi to si Batman, tawagin nyo akong Ghost Rider

Tagakuha ng kaluluwa, yung orihinal na Ghost Fighter

At ibibisto ko sa mga tao kung sino ang iyong Ghost Writer

Dahil ang nagsusulat para kay Sinio ay walang iba kundi

Sa atin atin na lang yun

Di ko na kailangang ibuklat

Tayong dalawa lang naman may alam kung sino talaga yung tagasulat

O, heavyweight na nga to at sa gym nagpupuyat

Pero pag yung mga bars ay mabigat, kailangan mo na ng tagabuhat

Yung pa lang sumbat mo’y nakakaburat, para kang bilat ng burikat

Ito ay sikat pero mas pussy ka pa sa pussy ng pussy cat

Magaling daw sya magbalik pero ito ang prinsipe ng sibat

Dahil pag yung mga fans na yung kachat, wala syang pang-reply o pang-rebutt

Kaya sa lahat ng fans ni Sinio, alam ko napansin niyo

Na pag mensahe nyo sa FB, ni-replyan nya lang ng seen yo

Oo pinatawad ang kanyang sala’t kinunsinte nito ang sin nyo

Kung ganun eh, pinapatay nyo lang tong local Hiphop scene nyo

O señorita ng Pampanga, palaging sitting pretty

Walang hinaharap dahil walang sikap, meron lang fake titty

Kahit sa hometown mo pa mismo, mas señorito pa si Tipsy

So in English, it means Pampanga was never Sin’s city

Pampanga’s Best hindi man lamang pampagana sa paghanda

Isip batang nakalimot na kailangang magtanda

Laman lupang walang bunga pagka't matamlay at nalanta

Walang laman ang bagong tubo kapag ikaw ang pataba

Akala mo puso ko’y napataba? Puta asa ka pa

Sumipsip ka lang sa guro, ngayon mapapa-suck ka

Nakaani ka ng respeto sa tuwing napapa Sak ka

Pero nagtanim ka pala ng galit kaya napapasaka

Ika’y bagsak at pag nalaman to ng iyong papa saka

Ng iyong mama, kaya’t siguradong magkakapasa ka

Inakala mo sa maestro eh papasa ka

Dapat ginaya mo na si Tipsy at papasa ka

Dahil nababasa na ang kasalukuyan mong galaw

Paano makita ang kinabukasan kung wala kang matanaw?

Me I’m from Davao but I’ve made a vow to reach outside of Mindanao

I’ve seen the past but in the future walang puta eh di wow

 

Round 2 (Sinio):

Huwag mong intindihin si Tipsy, tayo’y nagba-battle tol

Sa ray gun namatay si Taguro gago, hindi sa energy ball

At wala daw eh di wow eh talagang eh di wow, fuck mind the now

Walang ibang uuwing talunan ngayon kundi ikaw

Because tonight lose be Mindanao

At hindi raw ako marunong magbalik

Bakit? Yung hari ba ng pagbabalik marunong magbalik?

Eh bakit hanggang ngayon hindi pa sya bumabalik?

At puro pa Taglish, hindi mo ba kayang mag-english ng buo?

Ano yan? Para pag nag-nosebleed, isang butas lang yung dudugo?

Sabi niya, wala daw kwenta ang mga pang-giyerang talata

Kung ang mga bala ay tumatama sa inosenteng mga bata

Tama, pero bakit ikaw ang naging perpektong halimbawa?

Halimbawa, “Hi Mico, daddy loves you. Huwag ka nang malungkot...

Dahil di sya makaiyot, inimbento nya yung jakulot

Dapat steady lang daw tapos sya lang yung kumakadyot"

Kaya “Hi Mico, daddy loves you. Huwag mo yang kakalimutan...

Mas mahangin ka pa sa puking umuutot pag nag-kantutan"

O diba lyrics mo yung mga yan? Eh paano kung si Mico bigla yang mapakinggan?

Itanong sayo kung anong kahulugan, anong maiisip mong idahilan?

“Ahhh battle lang yan anak walang personalan”

Anong klaseng kagaguhan yan?

Meron ka pa’ng nalalaman na “daddy loves you”

Pakyu paki-explain

Kung wala kang nakikitang mali sayo, may mali na sayo

Ayaw mong makita ng anak mo yung mali mo

Anong gusto mong makita nya? Yang tama mo? Tama ba yun?

Hindi sa lahat ng oras Sak laging tama ang pwede mong isolusyon

At kapag naging presidente na daw si Duterte, ubos na ang mga putapete

Ah ganun?

Baka nakakalimutan mo Sak, galit sa adik yun, baka ikaw pa unang ipapatay nun

Kaya magbago ka na habang meron pang panahon kapatid

Tigilan mo na yang pag-aadik

Maawa ka naman kay Mico, yung dinedede mik-mik

Lintik, mahal na mahal mo yung anak mo diba?

Pag nadadamay sa battle pinagtatanggol mo pa

Hindi mo sya kayang pagbuhatan ng kamay kahit mukhang palung-palo ka na

Pero alam niyo ba, ang tunay na istorya sa likod ng Sinio versus Sak Maestro?

Una ko talagang hinamon si ikatlo, pero itinapat ako dito kay pangalawa

Alam nyo ba bakit pangalawa to? Yung panga nya pang-dalawang tao

Puta pwedeng pangalso, taob ang pangako sa panga mo

Pero sisiguraduhin ko sa inyong mapapa-nganga to

Makikilala ka na ng lahat ng tao sa pangalang, sa pangalang Sak Maestro

Kasi kahit di ko na ipagsigawan, alam na ng karamihan

Na ang panga panga mo, ang panga panga mo, puro ka kapangahan tol

May kamukha kang cartoon, kartun ng Emperador

 

Round 2 (Sak Maestro):

Gusto nyong makarinig ng malakas na rebutt? REBUTT

Idol nya sa Mindanao yung grupong No Pets Allowed

Sila yung dopest in town, sobrang flawless ng sound

Kaya’t pumunta siya sa kanilang gig, pero wala si Joseph sa crowd

Di sya pinapasok kasi nga No Pets Allowed

Animal na Batista, huwag ka masyadong proud, yang muscles mo’y i-flex

Di ba’y amo’ng ika’y macho dahil yung mukha mo’y puro peks

Okay mataas yung confidence baka masyado tong ma-tense

Tapos mas ma-Smugglaz nasa pag-rampa nya dun sa fashion show ng Bench

O super model ka na Sin, kita ko sa cover ng magazine

Alam nyo san to nag-gi-gym? Sa San Juan Gym

Pagkatapos nya mag-weights, yung brief nya tatanggalin

Tapos pagdya-dyakulan nya sarili nyang pwet sa salamin

Kung malaki panga ko, ikaw ang haba ng iyong chin, pwede pang-butas ng Krispy Kreme

Kahit di ka na yumuko, yung kumot kaya mong tupiin

Ikaw ang undisputed champion ng Hungry Games sa Philippines

At pag ito ang nagsuot, nagmukhang palda yung skinny jeans

Tignan mo naman yung binti, alam nyo yung binti?

Yung binabayad sa Skyway, yung bente

Pero tignan mo yung binti, di yan naiipit pag nag-tinikling

Binansagan tong Lord of the Rings, kasi hula hoop nya daw yung singsing

Pag naglaro ng taguan, di na kailangan pa ng pader ba o dingding

Kaya kasi ang katawan mo’y kayang itago sa talikod ng walis tingting

Alam ko ang baho mo Sin, sabon kasi wag mo tipirin

Kung mukhang roll-on si G-Spot, kailangan mo ng Mr. Clean

Maligo ka kaya ng isang balde ng Lysterine

Kasi yung kilikili mo mas mabaho pa sa morning breath ni Phillip Ching

Amoy April Boy kasi ‘di ko kayang langhapin

Kahit yung ilong ko’y barado

Pwede ka ng gumawa ng beat sa lakas ng yong ba-ba-baho

Sobrang tapang nanununtok, amoy itlog ba na bugok

Huwag ka sa Davao mag-new year kasi bawal dun magpaputok

Kaya Jimmy bumalik ka na sa iyong bundok, tapusin mo iyong ebolusyon

Kung laging saging ang iyong kinakain, at least gawin mo na lang turon

Kasi Timon parang nasagasaan ng pison ang iyong puson

Gago sa sobra mong payat pati brief mo may sinturon

Dapat nasa quarantine to ngayon, bakit nandito sa San Juan?

Putang ina di ba yung origin daw ng virus eh sayo natagpuan

Baka di nyo lang alam may lahi tong orangutan

Yung bayag nya pulang-pula at mabuhok, rambutan

At nagiging Durian kapag tag-ulan pero walang bisa yung Ebola

Patay si Kikong Matsing kay Kiko Magalona

Para nyong itinapat si Leah kay Asiong Salonga

Sabog tong Bamboo Mañalac sa aking Bambu De Pistola

Ganyan ako magsulat ng mga obra, di ko kailangan pa ng papuri

Pero kapag ako na ang nag-spit, nakikinig sila nang mabuti

Oo alam ko yun nasasabik kayo pag nag-spit ako ng multi

Inaabangan to ng lahat na parang pagbalik ni Loonie

Kaya kahit hindi ko na seryosohin ang pagkatha ng bawat titik

Lahat ng tao ay napapaisip pero yung unggoy lang ang tahimik

Kung di nyo trip yung style ko, di ko kailangan magpumilit

Pero alam nyo kapag Sak Maestro’y talagang sulit ang inyong ticket

 

Round 3 (Sinio):

Tinigil ko na yung pagdya-dyakol punyeta

Kasi nung huli akong tumingin sa salamin, mukha mo na yung nakita

Pero idol, bakit mo ba tinanggap tong laban na to?

Ano ba akala mo, break mo to? Gago ito na ang preno sa career mo

Ang pagsakay mo sa jokes ko, biyaheng langit

Pang-student lang yang lisensya mo, professional ang aking gamit

Hindi to ordinary, pang-victory ang bawat line, talagang bawal ang sumabit

Ako ay aabante lang at bawal ang sumingit

Kaya wag kang paharang-harang, siguradong patay ka pag nahagip

Ako’y dere-derecho lang at di mo na kaya’ng mapabalik

Aatrasan lang kita Sak kung ang aking gamit ay Philippine Rabbit

At talagang good shit, taeng mabait

Pero bad trip yang pag-e-english mo, nakakalalaki ka na

Just say it if you want to battle with me on English Conference my nigga

Shh I’m serious bitch, I’m not kidding my nigga

Let’s get it on, bring it on my ‘nygma

So I can kill this nigga, what do you think nigga?

It’s not fair, then I don’t care even the care bears don’t care

Mother father, you’re getting to my nerves

Then let’s go back to my verse

Yes I do respect you a lot Sak Maestro, totoo

Kasi naniniwala ako na balewala ang pagiging edukado

Kung wala ka namang respeto sa kapwa mo

Diba sabi mo sa laban nyo ni Zero na bigyan ka ng respeto

Kundi tatae ka sa mukha nya at sa bunganga pa nakasentro

You want this respect fool? Pwes putang ina mo po

Tanda ng paggalang ko sayo, ito ang 21 gun shots salute ko, sige saluhin mo

Bara kayo ng bara pero sa totoo lang ang kokorni niyo

Mga nagpipilit mag-bars, mas nakakatawa pa kayo sa pagpapatawa ko

Ayaw niyo sa jokes ko, pwes ayaw ko rin sa bars niyo

Pero jokes over bars ba kamo? I got bars over my jokes mga bobo

Magiging bars lang ba ang tawag sa line pag ang banat seryoso?

So tagilid na pala ko, kung ang mga hurado sa jokes walang hilig

Sana pala Sir Aric sinabi mo na lang agad kung sino magju-judge para ibanat ko na lang ang gusto nila marinig

Pero sige sayo na yung mga boto ng hurado

Di naman ako lumalaban para sa mga yan

Ako’y bumabattle para sa mga tao

Hindi ko babaguhin ang style ko para lamang lumaki ang tyansang manalo

Hindi ko ipagpapalit ang respeto’t suporta nila para sa lima’ng boto

Kasi kahit ako pa ay matalo, di ako umuuwing malumbay

Yung mabigyan ko ng magandang battle ang mga manonood, para sakin yon ang tunay na tagumpay.

 

Round 3 (Sak Maestro):

Okay yon ang tunay na tagumpay, sige pero yung pagka-maestro ko propesyonal yon na lisensya

Pag ka-maestro ko wag mong lagyan ng malisya

Gusto mong kalaban yung tunay na guro? I-battle mo si Lil-Sisa

Kaya mahina mahina mahina

Utak mo ay mas mahina pa sa traffic ng Manila

Di ka na gagaling kahit pumila sa botika

Sahil ibibigay ko sa iyong sakit ay ang gamut sa masokista

O sabihin natin yung kanyang mga rima may quantity at may quality

Mga suntok ay mala Manny P kaso kasing panget din ni Mommy D

O kinakain mo ang iyong mga kalaban pero kung di sa battle league ang policy

Imposible na matalo mo si Andy G sa Jollibee

Yo seryoso na muna ang usapan, real talk muna tayo

Real talk muna, wala munang angle angle

Gusto kong pag-usapan ang mga hassle na pinagdadaanan ngayon ni Hansel

Oo marami akong problemang di ma-handle, ako’y depressed sa sobrang struggle

Putang ina gusto ko lang magpakatotoo dahil ito na ang huli kong battle

Kaya ica-cancel ko muna‘tong royal rumble, pare ibang berso ang aking hinabol

Kung corny man o disappointing, kayo na ang bahala sa paghatol

Bakit ko ba titirahin itong si Sinio? Kung isa to sa good example

Ng mga emcees na may talino, may respeto’t sobrang humble

Di ba? ibabalik ko sayong lahat

Oo sa totoong buhay lang naman ako nag-i-stumble, o sabi mo wag akong tularan

Pero pagod na akong magpayabangan at pangaralan ang aking kalaban

Hindi ito pagmamalimos para kaawaan kahit di ako bayaran

Dahi karangalan ang nasa Ahon 5 na masama ang aking pangalan

O wala akong mahinang nakalaban, sila yung mga the best of the best

Puta huling battle ko pa nga sa Manila, napa A to Z pa ako na Ingles

Pero kung nagtataka kayo bakit yung letrang G lang yung inalis?

Baligtarin nyo yung Sinio Cagasan at malaman na sa G acoi inis

Hindi ako galit sa mga gangster kundi sa mga hindi nakaka-gets

Na kung makalait puta puro galit lang yung ini-expresss

Oo mahal ko tong pag-ba-battle pero minsan di ba nakaka-stress?

Kaya we battle just for fun at hindi para magpa-impress

Ako?  Sa akin lang ha, personal ko na interes hindi magpayabang at mang-api

Pero wag nyong maliitin ang maing pag-ra-rap, pwede naming to ipagmalaki

Akala niyo lang siguro’y ginagawa namin ay madali

Wala itong shortcut at hindi ito racing na dapat ka magmadali

Dahil hindi naman kami nagpapakitang gilas di ba?

Sadyang ang dila namin ay matikas

Pero yung ginagawa namin sa battle, mas mahirap pa sa Pilipinas

Mas mahirap pa sa Calculus kaya kaunti lang yung makasakay

Kasi yung difficulty level ay mas hard pa sa Tanduay

O nauutal man sumasabay kasi pabagu bago ako ng plano puta

Mag-fi-freestyle sana ako dito kaso baka marami yung magreklamo

Kakahiya naman kay Boss Aric na sya ang gumastos sa aking pagdayo

Kaya sinulat ko itong lahat sa eroplano, at ako’y nag-ensayo kahit papano

Wala akong paki ako’y matalo, hindi importante ang manalo

Basta mapasaya lang ang mga tao, yan ang pamaskong aming regalo

Marami pa kaming inasikaso gaya ng pamilya at sa trabaho

Di rin ako bilib sa Sak Maestro kaya ako’y nagpapaka-Hansel Cabo

Pagod na din akong magpaka-edukado, magmagaling at magpasikat

Gusto ko lang ibahagi ang aking puso, dahil ito aking agimat

Magpasalamat sa aking mga kaibigan at kaakibat gaya nila Mac T at nila G-Spot

Kay Cool Kidd at kay Sir Aric na naging sandalan kong balikat

Dahil alam nya ang pag-ra-rap ay mahirap, kaya nagpapasalamat ako sa FlipTop

At sa inyong lahat na pumunta para lang kami ay mahagilap

Kayo ang dahilan kung bakit kami ni Sinio ay nagsumikap

Kaya much love at mabuhay ang Filipino Hip-Hop!



OTHER LYRICS

Libre Nga Na’y Bayad

Libre Nga Na’y Bayad
RKteQ
2018 Single

Pektus

Pektus
System 33
2018 Single

Maskara

Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah
2013 Album

Yoga Flame

Paid In Bawal
Bawal Clan
2018 Album

Idk

Act 1
Ez Mil
2020 Album

FEATURED ARTICLES