Rap Battle Verses

BLKD vs Tipsy D


FlipTop presents: Ahon 6
Various Emcees
2015

Round 1 (BLKD):

Pangungunahan ko na tong payasong dagang-tao ang panalo sa larong to

Kung ang pagbabatayan ay ang pamantayan at panlasa ng panahong to

Tanggap ko, panahon mo, kaya hindi kita sasabayan

Sayo na ang boto ng mga tao basta’t sakin ang kamalayan

Kasi, Tipsy, tipsy ka lang kaya ka feeling magaling

Ako, kaya kong magbiro sa bagong gising na lasing

Nagmakaawa ka para labanan ko, tama ba ang yong hiling?

Kaya kong dagdagan at sobrahan yang tama mong bitin

Tama ba? Magsawa ka sa mga bara kong deadly

Mga bara ko, blueprint ng mga bara mong trendy

Tatamaan ka sa shots ng kargada kong MP... 5 Navy

Fire frenzy, kada bala ay barang matatatalinghaga

Ratrat muna bago bodybag, ganun magtanim-bala

Tama ba? O tama na? Tama lang na death yan

Walang finesse yan, bitin sa drive, test run

Di ka aabot kay Hansel, sundan man ang bread crumbs

Pagsaksak ko sayo ng basag na bote ng Tanduay, redrum

Ano ba kasing akala mo? Kahanay mo na si Loonie pag natalo mo ko sa duel?

Baka nakakalimutan mo, kahanay mo lang rin si 2Khelle

Kasi, kasi, kasi hindi lang win-loss record ang sukatan ng husay

Ang respeto ng bawat kalaban ay mahalagang patunay

Ako, mula nang magkapangalan, nirespeto nang wagas

Lahat ng makatapat, lumaban nang buong lakas

Eh ikaw? Hindi ka sineryoso nina Juan at Sayadd, bagama't sikat ka na

Nung finreestyle-an ka nga ni J-Skeelz, mangiyak-ngiyak ka pa

Kasi pagdating sa pagdura, hindi pwede yung basta pwede na

Tandaan, dapat may pwersa ka, kung wala, etsapuwera ka

Lines mo, sumusuntok, lines ko, nagka-capoeira pa

Oo, oo, flexible ka nga kaso may diperensiya

Kulang sa esensiya, mga style, pinuwersa

Loonie’t Dello ang humor at rhyme per letra

BLKD ang wordplay tapos ang swag, Michael Cera

Hindi ka kombinasyon namin

Hindi ka kombinasyon namin, huwag kang magpalusot

Style mo, tagpi-tagpi, kaya ka marupok

Kaya bansag na Mr. Flexible, dapat nang palitan

Ng Mr. Jacker of Styles, master of none

Ito’y leksyon, hinanda ko bilang favor sayo

Sa pagpapaliwanag, lampas Akon pa to

I’ll serve you so much, may pangtake home pa bro

Abakadaz ka lang, linguistics major na to

 

Round 1 (Tipsy D):

Oo, kahanay ko si 2Khelle, inaako ko na

Kasi tulad niya, tatalunin din kita

Yo kinumpara ni Sinio yung buhok ko sa halaman

Mabangis na animal si Tipsy D

Wag niyo ko kumpara diyan, legend ang iyong kalaban

I’ll give you all of me kaya mamili ka

Kakarnehin kita o uuwi kang gulay?

Or what if all of the above since you wanna have beef with broccoli

Kaya wag mong sabihing wala kang practice

Tagilid ka sakin parang axis,

Ang aking art ay priceless

Samantalang ikaw, arthritis

Ako’y magaling na knock-out artist

Gamit ang left at right fist

Yo, teacher ni Icaruz, you wanna try this?

Mga mata sa punches ko, black eye

Kita mo yung pupil mo, sabog ang iris

Mga tira ko daw, walang bigat at laman kasi binabatay ko sa multi

Pwes tapos ka sa panira kong magaan parang namatay ka sa Uzi

You fucking pussy, Kuro Chan

Hindi nga siya panis sakin, buro yan

Fuck Kuya Germs, ito’y walang gisingan

Puwera biruan, pag ako nagpatulog, magiging Rico Yan

Gulat ka?

Parang kakaring lang ng bell tas ako, pasugod na

Ganyan ako tumira, Round 1 pa lang, gusto ko durog na

Kahit walang money involved, I’m hungry for blood

Mas rampage pa kay Jackson

Higit pa ako kay Manny and Floyd

I’ll leave your body destroyed

Parang kabataan ni Mike Tyson

Ano, Allen, kaya pa? Chinecheck ko lang kung okay ka pa

Pero di ako concerned sa lagay mo

Ito ang kabaligtaran ng pinauso na game mo

Dahil alam mo, sakin, hindi ka OK, ikaw ay KO

Kasi puta, ang lame mo

Kung si 2Khelle, pinasayaw ka sa platito

Pano pa kaya sa utak mala-Plato?

Paglalaruan kita mala-Play Dough

Mga rounds mo, may butas parang J Co

Disgrasya aabutin pagkarinig mo ng, Brrr! dito sa lane ko

Pero hindi yon motor, ito ay massacre

Brrr, Makina ng chainsaw

Pero di pa kita tutuluyan kasi hindi pa to ang dulo

Hanggang sa gobyerno, mawala na ang galit sa dugo mo

Hahayaan kitang makatakas pagkatapos hatawin sa bungo mo

Tutal pangarap mo namang tumakbo na may tama pa ang ulo

Last Ahon 5, kalaban ko, si Makabao, ngayon, si Makibaka

Kaya pala gusto mo ng beef, pwes labas mo sakin karne na de lata

Mga kalaban ko, patay pag Ahon, biktima ng pating at piranha

Kasi bawat linya ko, may diin, parang strings ng gitara

So ano, future ka ng hip-hop? Talaga?

How ironic, ako yung mas malapit sa buhay na iyong pinapanggap

Kasi hindi man ako future, pero for sure, matinding balakid ang yong hinaharap

Wasak

 

Round 2 (BLKD):

Brace yourself

Wala nang set up, double meaning pa

Brace yourself

Sabi mo sa Facebook Cypher Battle Season 2

"I’m flowing so clean like mineral water"

Tapos sabi mo kay Sinio

“Flow so clean like mineral water”

Sabi mo kay Icaruz

“Uubusin ko ang bars mo, parang battery empty”

Tapos sabi mo kay Sayadd

“Wala ka namang bars, battery drained”

Anong ibabanat mo sakin?

You’re flowing so clean like distilled water?

Wala akong bars parang missing ang charger?

Yan ang idol niyo, mahusay

Yan ang idol niyo, mahusay magrecycle

Yung 8 na infinity, ninakaw pa kay Dizaster

Walang integridad, kahit na utak, angat

Nagpapaghost write kay Juan, puro sulat tamad

Puro flavors of the month lang ang lahok kada linya

Mga tsismis at balita na kanyang napika

Sa tsismis at balita, style mo’y nakadepend

Bagay nga sayo ang hastag kasi sunod ka lang sa trend

Mga bara mo, benta, mga bara ko, priceless

Mga bara mo, timely, mga bara ko, timeless

Kaya wala akong bilib sa tugmaan mong bent

Maganda ang flow kasi watered down ang content

Sabi mo kay Icaruz, ako’y teacher

Sabi mo kay Sak, ako’y maestro

Ako’y habambuhay na estudyanteng nagbabahagi lang ng talino

Sinong tunay na maestro? Aksaya lang sa kumento

Siya na mismo ang nagsabi, tapos ang argumento

Nagpauso ka lang ng hashtag style na ngayon ay laos na

Ako, nagbahagi ng techniques na hanggang ngayon, pangtusta

Technique sa wordplay, metaphors, verse structure at iba pa

Maraming natuto sakin at aminado kang isa ka

Pagka't sa fans na walang taste ka lang taste maker

Iba ang trend setter sa game changer

Kaya para ka lang Emperador Brandy

Mabenta ka, kasi cheap ang yong brand, D

Mga bara, kulang sa tama parang shandy

Ako, icon ng pagbabago, mala Gandhi

Pano ka makikijam sa mic? Hindi ka heavy, D

Patay ka sa harap ng fans mo, Kennedy

Pero kahit wala kong heavy metal, I’ll drop D

Ako’y halong Mike D at Chuck D

Sa mga tunay sa larangan, wala kang bilang, D

Iwan kang pira-piraso sa dakilang apo ng Pamilia D

At kung mali aking paratang, na hindi ka tunay sa larangan

Yung grupo ni Mike D at grupo ni Chuck D, ngayon mo nga pangalanan

Time

 

Round 2 (Tipsy D):

Yo, masyado siyang sipsip kay Anygma, gusto niyo ng patunay?

Member siya ng Uprising, dalawambeses sa Isabuhay

Tas isasama pa dapat sa Dubai

Ano yon? You sucking Anygma’s dick, para libutin ang globe?

Sa bagay, ganyan talaga ang Smart, mahilig kumain ng load

Kaya pala choker din, kaya pala choker din

Ang makita ka ng magulang mo sa stage na puro sabit, di sila proud dun

Kasi pag nablangko ang matalino, BLKD, sayang ang baon

Digmaan to ng salita pero bakit wala kang sinasabi

Nakakatawang may bala ka sa pangalan pero nauubusan ka palagi

Ang sabi ng fans, durugin kita, ayaw nila sa isang emcee na choker at kabado

Ironic na markado kang INC pero di ka nila gusto manalo

Ahon 3, dalawang beses ka natalo, halos maiyak ka

Ako’y buhay na patunay nung binaon ka’t muling hinukay para lang patayin ng isa pa

Kaya di mo nakuha title ng Isabuhay kasi ang dami mong buhay tang ina ka

Ilang beses ka nang kinain at sinuka, di ka pa rin matutong lumugar, nakakahiya

Ganyan ba talaga ang patay? Pag di matahimik, nagiging ligaw na kaluluwa

Pero ano nga naman daw panama ng lasenggo sa tulad niyang edukado?

Tarantado, yung butas mong salamin ang patunay na hindi lang dapat nakatingin sa grado

Dahil kahit sa school, may pulitika

Pag mahirap ka, wala ka sa top

Pag mayaman ka, ikaw ang angat

Medalya, achievements, sayo na lahat

Balewala na talento ng mahirap

At iyon ang masaklap

Pero teka, hindi ako lumalayo, isipin niyong mabuti, yun ay malapit

Kasi kung sino pa yung teacher, yun pa yung balakid

kaya naman daw, wag muna yung

Wag daw muna yung teacher, kasi kumpara sakin, you are too big

Fuck chaser, walang tubig-tubig sa lasinggero

Aktibista ka, di ka too big, ika’y posero

Kasi takot ka nga sa tubig ng bumbero

At solido daw ang tubig pag nagyelo

Pero anong silbi ng tubig pag ginawa ko tong impiyerno?

Kasi madali lang magpatama sa tubig

Gusto niyo ng senaryong mas cool?

Ito’y shadow boxing underwater

Sure hits sa tubig kada banat, sapul

And fuck your gun bars

Paglabas ko ng lanseta, yung sinapit ni Elsa bagsak mo, gago

Baka nalilimutan mo, hindi nga natulungan ng gloc si Lando

Kasi walang lugar ang gatilyo pag sa maliit na kuwarto nakaset ang patibong

Pag paningin ko, nagblangko, maalala mo si Rico sa paghit ng balisong

Wala nang pero-pero, saksak ka pinung-pino

Saka lang magpepreno pag mukha nang pinutakte butas-butas mong katawan

Ending mo, leap year ng Pebrero kasi bente nuwebe ang iyong katapusan

Wasak!

 

Round 3 (BLKD):

Butas daw yung salamin ko, pinatunayan mong tanga ka

Yung Daft Punk may helmet, si MF Doom, may maskara

Wala ka nang pakialam sa accessory kapag henyo ang nagdala

Si BLKD, birador ng wackness sa hiphop

Si Tipsy D, tirador ng fan girls ng FlipTop

Sa panghuhuli ng groupie ka lang may bisa

Bars ko, nagbubukas ng isip, sayo ng hita

Dati, taga Cavite, ngayon, taga-Singapore, bukas, san ka papunta?

Kalibugan mo lang pala ang kabilang globo na tagos pa

Ito’y makatang lasing laban sa makatang hubog

Sa pakikibaka sa sistemang bulok

Tangang pluma’y tubog, sapul, bura

Kaya lahat ng masapul, bura

Nakipagkrus ng salita, humanda kang madarang

Dumating kang patayo, uuwi kang pahalang

Sumagot kang pabalang, uuwi kang paa lang

Itong Tipsy D versus BLKD ay J. Cole versus Nas

Talagang mas nangunguna ka ngayon sa palabas

Pero gano man kataas maabot mong antas

Alam mo sa sarili mong dala mo ang aking balbas, ang aking basbas

Alam mo sa sarili mong dala mo ang aking basbas

Ako’y saludo sa husay mo sa kompetisyon

Ako’y tutol lang naman sa iyong direksyon

Pareho tayong Bernal kaso iba ating papel

Ikaw, Binibining Joyce, ako, Ishmael

Mas mabenta ka, iba ang aking tindahan

Mas mabigat ka, iba ang aking timbangan

Pagka't ang sining ko’y lampas na sa mga pekeng hidwaan

Matatalo mo ko sa battle pero hindi sa digmaan

Ako’y humahawan ng dilim patungong tag-araw

Nagpaparami ka lang ng views, ako, nagpapalawak ng pananaw

Pagka't hindi lang win-loss record ang sukatan ng husay

Ang impluwensiya sa eksena ay mahalagang patunay

Ang impluwensiya sa eksena ay mahalagang patunay

Tanggap ko kung wala ako sa top five niyo

Nasa top five ako ng mga nasa top five niyo

Tanggap ko kung wala ako sa top five niyo

Nasa top five ako ng mga nasa top five niyo

I made a difference na akala ng lahat non, cannot be

Habol mo, victory, habol ko, legacy

Kaya saka mo na ko yabangan ng pagiging lyrically insane

Pag nakapaglabas ka na rin ng album na critically acclaimed

Gatilyo, nasa Spotify, iTunes, at Uprising office

Ta-ta-ta-time

 

Round 3 (Tipsy D):

Yo

Tirador daw ako ng mga fans ng FlipTop,

Tang ina mo walang ganon, isa lang ang naging girlfriend ko non

Saksi ka don, umabot yon ng dalawang taon

Yo

Siya nga pala si BLKD, aka B

Yung venue sa Makati, kaya B-Side, pabor daw kay B

At siya daw ay bihasa kasi tong si B, hasa

Bukod pa don, B stays high

Why? Ba’t gusto mong tawagin ka naming B?

Di mo ba naisip na mukha kang tanga?

Pano kayo mag-usap ni Anygma, “Hello, B, kumain ka na?”

Kasi puro ka kabaklaan, B

Pag nagchoke, hindi mo mabato yung rounds kahit na magfrisbee

Galit ka sa costume ni Shernan

Eh ang butas mong salamin, hindi ba yan props, B

Nung natameme ka sa pekeng pangulo,

Napabilang ka sa whack sa pagkawala ng yong guts, B

Ilan lamang yon sa mga patunay

Na gawa sa kaplastikan ang kanyang mga bar, B

At matagal ko na daw sinulatan tong idol ko

Hindi ako si Stan, B

Ako’y siguradong panalo kahit hindi to planado

Mga sablay lang ang gumagamit ng plan, B

Hipokritong aktibistang nagsusulong ng kalayaan, kapayapaan

Sang-ayon ako don kasi wala namang mali sa paglaban

Pero puro siya gun bars sa FlipTop, yung mixtape niya, Gatilyo

O ‘i ba ang talkies? Katangahan

Sabi nga ni Kiko Magalona sa kanta niyang Kaleido

“You can’t talk peace and have a gun”

Yo

Pero kung gusto mo ng gun bars,

Hindi ako patas kabarilan, nagkamali ka ng binangga mo

Uunahin kong pasabugan si Anygma nang hindi ka na makatira kasi wala ka nang amo

Sige, magtago ka sa studio, walang kontrol kitang puputukan

Baril ko’y walang sex education

Tapos ka pagratrat ng M16 Coron na parang sex, age, location

Ako’y magpapaulan hanggang sa bumaha na ng iyong hemoglobin

Parang issue na ikaw lang yung topic, sayo nakafocus ang buong magazine

Tapos, ika’y lalapitan para sayong kahilingan na simple, ito na yung katuparan

Mercy killing, tanggapin mo ang pistol patungo sayong kapayapaan

Ngayon, pano ko maaawa s’yong sinapit na kalagayan

Kung alam kong sa pagkawala ng BLKD, hatid ko ay kalayaan

Dahil kung bars ang usapan, mula Katipunan, himagsik ng aking mga banatan

Nagmimistulang kalayaan ang aking mga laban sa dami ng aking pinakawalan

At dahil wala nang BLKD, wala na bang tagaquality control si Anygma?

Check niyo aking history upang makita kung sino talaga may control dito sa liga

Kailangan pa bang isa-isahin ang mga pagbabanggit

Dahil kita naman ang pagsala sa net

Kaya payo sayo, magbaligtad-damit

Baka tulad nila, di ka na rin makabalik

Kasi nung ako’y nakatoma ng Gin, sumabay ako sa angas ng Kampo

Sa angat ni Michael, at sa Skeelz na beterano

Pero kulang pa, alam mo naman na isa ka sa aking paborito

Kaya nung tinanggap mo yung laban, parang nagsilbi ka na rin sa señorito

Kasi feeling ko, ako si Juan Tamad, ikaw yung bayabas na nakabitin

Pero sa istoryang ito, aking sinisigurado na sulit aking paghihintay

Kasi napabagsak ko natong tinitingala ko



Various Emcees - FlipTop presents: Ahon 6 (2015):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Whachuknobout

Hue For Ya
Sica
2021 Album

'97 Jay-Z

Guns and Roses
Shanti Dope
2023 Album

Midas

Midas
Abra
2013 Single

Arangkada (feat. Aya)

Ala Una
Apekz
2017 Album

But I May

But I May
Skarm
2020 Single

FEATURED ARTICLES