Single

Breadwinner


Breadwinner
Geo Ong
Producer: Jlhutz
2018

Intro:

Bakit ba ganito?

Tanong ko lang, mahalaga ba ako sa inyo?

Bakit parang ako lang ang may pasan nito?

Pamilya ko nga ba talaga kayo?

Sana’y, mahalin niyo rin ako oh

Lahat ay gagawin ko ooh

Para sa inyo

 

 

Verse 1:

Hindi ba dapat pamilya ang una kong tatakbuhan?

Pero bakit ganun? Ako'y inyong tinakbuhan

Ang anak niyo lamang ay yung matalino kong kapatid

Kahit sagot ko naman ang lahat pag tayo ay said

Mabait lang kayo Ma, Pa, pag may kailangan

Ang lambing niyo ah tatay tatayan? nanay nanayan?

Yan ang galawan na, inyong nakasanayan

Anak yung utang ko, kailangan ng bayaran

Ano po ba ang tingin niyo sakin? ha? mayaman?

Pag wala 'kong naibigay ako may kasalanan

Mga miyembro ng pamilya mo na abusado

Hingi lang nang hingi sayo, ayaw mag trabaho

Pag ‘di ka nakapagbigay ikaw pa ang masama

Wala eh, pamilya mo kaya wala kang magawa

Kung lagi kayong ganyan, pano naman ako

Isipin niyo naman ako wag yung kayo lang ng kayo!

 

Hook:

Lagi nalang ako, bakit ganto?

Naalala niyo lang ako pag may kailangan kayo

Kung mahal niyo ako, hindi sana ganto

Kung mahal niyo ako sana naman ipadama niyo

Kahit parang ako lang ang may pasan nito

pipilitin ko paring kayanin ‘to

sana’y mahalin niyo rin ako oh

lahat ay gagawin ko para sa inyo

 

Verse 2:

Mismong magulang mo ikaw ay palaging sinasaktan

Sobrang sakit na pero pilit mo paring tinatakpan

Minsan hindi mo na alam, kung ano ang gagawin

Sa agos ng buhay na to san nga ba tayo dadalhin?

Kasi nakakapagod nang huminga

pakiramdam ko ang lahat sa akin ay huli na

Ang tagal ko ng nabubuhay pero halos walang bago

Talunan parin ang tingin sakin ng mga tao

Kung buhay ang tawag dito, ayoko nang mabuhay

Gusto nila pekeng ikaw ayaw nila ng tunay

Gusto nila kung ano sila dapat ganun ka rin

Sa panahong ngayon tanong ko lang dapat ba yong gawin?

Walang nangangamusta, wala ring kumakausap

Pag pikit ko halos ayaw ko ng buksan ang talukap

Nakakapagod na, nakakapagod na

Buhay na bigay mo sakin saan nga ba ang punta? Diyos Ama

 

Hook:

Lagi nalang ako, bakit ganto,

Naalala niyo lang ako pag may kailangan kayo

Kung mahal niyo ako, hindi sana ganto

Kung mahal niyo ako sana naman ipadama niyo

Kahit parang ako lang ang may pasan nito

Pipilitin ko paring kayanin ‘to

Sana’y mahalin niyo rin ako oh

Lahat ay gagawin ko para sa inyo

 

Verse 3:

Kaya lagi mong tandaan ang masamang karanasan

Habangbuhay yan nandiyan hindi ka niyan tatantanan

Sarili mo lang ang kakampi mo oo walang iba

Sa mundong to haharapin mo ang laban ng mag isa

Oo mag isa, nuon pa man ganun naman diba?

Kapag meron ka lang, tska lamang nandidiyan sila

Para makahiram ng pera ang lakas pa mang uto

Sasabihin pang parang di naman tayo magkadugo

Kadugo? wag niyo naman sanang abusuhin

Porke kilala niyo ‘ko na masyadong masunurin

Ayoko pa naman sa lahat mga mangagamit

Hindi ko namalayan ako na pala nagamit

Pero ganun pa man,  kahit sobrang galit ako

Di ko parin makayanan na ipagpalit kayo

Dahil isa lang ang mundo bali baliktarin man ‘to

Kayo pa rin at ako pamilya ko parin kayo

 

Hook (2x):

Kahit parang ako lang ang may pasan nito

Pipilitin ko paring kayanin ‘to

Sana’y mahalin niyo rin ako oh

Lahat ay gagawin ko para sa inyo



Geo Ong - Breadwinner (2018):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Kasalukuyan

Concerned Citizen EP
Geo Ong
2018 Album

REYALIDAD (feat. JMara)

REYALIDAD
Kambal ng Morobeats
2022 Single

Hudyat (feat. Batas & Supreme Fist)

Nakasalalay Sa Letra
KJah
2023 Album

Loob Ng Kabaong

Loob Ng Kabaong
Apoc
2017 Album

questioning answers / answering questions

questioning answers / answering questions
rhxanders
2018 Album

FEATURED ARTICLES