Album

Fallin' (feat. Muffin)


Ex Battalion The Concert
Ex Battalion
Producer: Ex Battalion
2017

Hook (Skusta Clee):
I give my heart to you tonight
Oh baby hold on tight
I think I'm fallin, fallin for you
I feel in love, this can't describe
Something's tellin me inside
I think I'm fallin, fallin for you

Bosx1ne:
Hinawakan ang kamay mo
Tinignan kita, ibang ngiti sa akin
Ang yong pinadama
Hanggang sa magkausap na tayo
Dun lahat ay nagbago
Yung dating malabo
Mas luminaw pa lalo
Hangang sa nagkaroon ng pagkakataon
Na ikaw ay makasama
Di ko na pinatagal nang sa ganon
Agad agad na kita na makilala
Kahit na hindi ko alam
Kung saan nga ba ang pupuntahan
Ng ating usapan ang alam ko lang
Ako ay nahulog nanaman
I'm fallin fast and I know what you do
All I know is every part of me baby was you
Di ko akalain mahuhulog pa
Pero nahulog na
At sayo napunta ang lahat ng katangian
Na hinahanap ko

Repeat hook

Emcee Rhen:
Kung alam mo lang siguro ang nadarama
Na nahulog na sayo di na kinaya
Ang pigilan na ibigin ka palaging nakabitin
Sa pagitan ng mga tanong at sana
Sana bukas ay mahulog ka na din sakin
Pero ang mga balakid ay tawirin natin
Kaso meron ding tanong kung pwede bang sakin
Ipagkatiwala lang ang damdamin
Parang dinadalaw ng imahe mo palagi
Ang mga gusto ay hinahanap ka
Ang mga ngiti
Pati ang kinang ng yong mga mata
Sa aking utak tila nakatarak na
Kahit saan mapatingin pa man ay ganon pa rin
Ikaw ang natatanaw kahit anong gawin
Kahit saan makarating bali-baliktarin
Ang sagot sa katanungan ko'y ikaw pa din
Ang nais makasama ko sa bawat sandali
At pag alayan ng lahat ng mga kayang ibigay
Pinagpala ang katulad ko ni bathala
Magmula nung sandali na sabay
Tayong tinangay ng hangin
Palapit sa isa't isa
Di ko akalain na ikaw na nga
Laging iingatan at umasa ka na sakin
Hindi na papatak ang luha saiyong mga mata

Repeat hook

Flow G:
Di naman ako dating ganito
Dati sakin ang lahat laro lang
Pero simula nang makilala kita
Inaamin ko na ako ay naguluhan
Kasi biglang nagkaroon na lang
Ng kabuluhan para saakin ang mga
Salitang mahirap ipaliwanag pero ang
Katotohanan pagmamahal na pala ang kahulugan
Hangang sa di ko na mapigilan ang sarili ko
Gusto ko lagi kang nakikita binibini ko
Dala dala ka palagi at tumatakbo ka sa isip ko
Sa sobrang sabik ko na sa piling mo
Sinasama ka hangang sa panaginip ko
Tama pa ba to? Oh sadyang tinamaan na ako?
Wala na akong pakialam
Kung ano ang kalabasan
Ang mahalaga ay sasama ako sayo
Kahit maging mahirap ang kalagyan
Para sayo kakayanin ko lahat yan
Bahala na kahit na ako'y masaktan
Ganito pala talaga
Ang pakiramdam pag napamahal

Jroa:
Ewan ko lang kung tama pa ba ang lahat ng to
Iniisip ko na lang ay ang sarili ko
Gusto ko palagi andito ka sa tabi ko
Siguro nga ako ay nahuhulog na sayo
Nalilibang ba? O nahihibang na
Wala na kong pakeilam kahit na masaktan ka
Basta't mahal kita yun lang ang mahalaga 
Handa kong iwan ang lahat makuha lang kita

Repeat hook



OTHER LYRICS

Lava Walk

Lava Walk
MANILA GREY
2019 Single

Theos (feat. UPRISING)

Strange Weather in Manila
Kensa
2023 Album

Roulette

Fatigue
Assembly Generals
2019 Album

IED

Nakasalalay Sa Letra
KJah
2023 Album

What Matters Is It Does Not

Self-Help, The Checkup
Omega and skinxbones
2016 Album

FEATURED ARTICLES