Album

Gilid (feat. Kris Delano)


Heartbreak SZN
Because
Producer: NEXXFRIDAY
2018

Hook (2x):

Ibulong mo lang bawal marinig ng iba

Ika'y magtago't makikita ka nila

Kaya dito ka lang sa gilid

Dito ka lang sa gilid

Dito ka lang sa gilid

Dito ka lang sa gilid manahimik

 

Verse 1 (Because):

Gusto mo ako na kalakip

Butas gusto mo na tumakip

Lahat ng pagkukulang niya gusto mo mabuo kaya ka pala sakin kumabit

Alam ko naman ang iyong kailangan

Di mo man sabihin nang lantaran

Sa aking tabi lang ako lalagyan mo ng di mo ramdam na basta ka lang nakasangkap

Marami pakong tinatago di lang rin ikaw

Kapag siya nasa malayo ako ang sinisigaw mo

Kaya palang ngayon ay iyo na ang sinusulit kasi alam natin walang bahaw'ng di sumisingaw

Maluwag man ang pagkatali

Gusto lumagpas pa sa alanganin

Pwede lang naman natin gawin na maging komportable

Pero bawal maging kampante

Sapagkat ngayong araw lang iikot ang lahat

Pagkasapit ng bukas lilimutin din agad

Kunwari walang nangyari

Kundi man ay mayayari

Usapan ay wag sirain

Bawal satin ang magsabi

 

Repeat hook

 

Verse 2 (Kris Delano):

Bago tayo magkaproblema

Dapat alam mo na yung tema

Di na bago ahas sa paligid kaya di ba yung mansanas na kinain na ni Eba

Bulong mo na lang sa hangin at sa tenga humalik

At bumalik dun sa leeg pababa sa iyong panakip

Bumabalik ka lang para matikman ang

Ang walang kasing pait kung gano to kasarap ganun din siya kasakit

Lahat ng bagay nilulugar kapag nasanay na yung nasusundan

Hanggang sa di mo na alam ang kalagayan pag nasobrahan ka na dun lang ito nagiging sugal

Sapagkat ngayong araw lang iikot ang lahat

Pagkasapit ng bukas lilimutin din agad

Kunwari walang nangyari

Kundi man ay mayayari

Usapan ay wag sirain

Bawal satin ang magsabi

 

Repeat hook (3x):

 

Outro:

Sapagkat ngayong araw lang iikot ang lahat

Pagkasapit ng bukas lilimutin din agad

Sapagkat ngayong araw lang iikot ang lahat

Pagkasapit ng bukas lilimutin din agad



OTHER LYRICS

Amen

Amen
Inkubus
2018 Single

Inlove With That Bitch

Inlove With That Bitch
Skusta Clee
2015 Single

BLKD vs Lanzeta (Lanzeta's Round)

FlipTop presents: Zoning 2018
Various Emcees
2018 Rap Battle Verses

Makulay

Makulay
Ingkong
2018 Single

Freestyle

Undivided Attention
Audible
2006 Album

FEATURED ARTICLES