Marlboro Black


Heartbreak SZN
Because
2018

Intro:

"Masama ka sakin, masaya ako sayo.

Kaya bakit pa natin ipapipilitan ang hindi pwede?

Sambit mo sakin pagtapos mong hithitin ang dulo ng 'yong sigarilyo.

Magkahawak ang kamay, ngunit di mahigpit

At nagaantay nalang na isa satin ang bumitaw

Kapalaran na siguro nating masaktan

Masaya ka sakin, masama ako sayo.

Ngunit ubos na ang lahat, upos nalang ang natira."

 

Verse 1:

Tatlong araw na tayong di nag uusap

Ni isa sa atin dalawa'y 'lang balak makiusap

Alam nating pareho tayong nagkulang

At ang tayo'y 'la na ring patutunguan

Ngayon bakit nga ba tayo nagkita

Nakalimutan na't tila

Balak nating mag ayos ang lalo sating nagpasira

Diba sabi mo noon, kung tayong dalawa'y maghiwalay

Ay magkikita rin sa tamang panahon

Ngayon aking napaisip, papano kung ganon

Kung tayong nga talagang dalawa'y bakit pa tayo

Dapat na maghiwalay ngayon

Kung ganon magbiro ang tadhana

Ay dapat, alam nyang 'la kong oras makipag biruan ngayon

Wag mo na kong kulitin pa

Wag ka na ring sumagot kung sakaling kulitin ka

Kung magkasalubong wag na natin pansinin

Ang isa't isa't pagkalito'y wag ng kunsintihin pa

 

Chorus:

Dahil, hindi ko kayang maging kung sinong gusto mo

Ibigay kung anong gusto mo

Ibigay anong nararapat sayo, mahal kita, pero tama na

Dahil, hindi mo kayang maging kung sinong gusto ko

Ibigay kung anong gusto ko

Ibigay anong nararapat saatin dahil di na natin kaya

 

Verse 2:

Wag ng pilitin kahit pwede

Isipin ang sarili't wag na satin dumepende

Mas mahina na nga tayo sa sakiting nagka dengue

La tayong magagamot kung pareho tayong pasyente

Hindi mo ko kailangan, at ganun ka rin sakin

Libro ng istorya nating dalawa'y sa simula lang kaaya ayang basahain

Sumaya na tayo dati, limot natin ang pasanin

Talagang dapat mong asahan ang di mo aakalain

Ba't ba tayo naniwala

Pagmamahalan natin dati pa'y di alintanta

Ngayon dapat na limutin na ang ating ala ala

Kailangan na magbura para matuto tayo lalo parang sulat sa pisara

Wag mo na kong tanungin pa

Masasaktan ka pa rin kahit aking saluhin ka

Panandaliang marka lang to satin parang henna

Pansamantalang pagmamahal di dapat ikadena

 

Repeat chorus

SEE ALSO

Latest Article

8 Best Style Clashes During The Pandemic Era

  • By Dante Romero
Latest Battle Event

Gubat 10

  • 2022
Segment

FlipSides


OTHER LYRICS

Southbound
Bayani
Blue Scholars
2007
The Way Of The Plann
The Way Of The Plann
Mastaplann
1994
Taking Names
CIRCA91
Ruby Ibarra (feat. Nump Trump and Bambu)
2017
Chill
Single
Hero of Nopetsallowed
2017
Sa Pagdanak Ng Dugo
Loob Ng Kabaong
Apoc
2017