 
													Chorus:
Handa ka na ba sa mga lugar na patutunguhan?
Hindi mo pa ba nadama yung minsan ka nang natauhan?
Halika at sumama sakin at iyong malalaman
Kung sino 'ko, tara na, halika at sumama ka
Verse 1:
Ano na, tara na
Sama ka samin kung san kami pupunta
Ano pang hinihintay
Kung puno na, pare ko, eh di sumabit ka
Hindi ka ba napapagod d'yan, lagi kang nakahilata d'yan
Kung ako sa'yo, pare
Bangon na tapos atake
Maabot mo't madadali basta't tama ang diskarte
Kahapon ay wag nang balikan
Sumulong ka't tuloy tuloy lang
(Tangina ang taas)
Chorus:
Handa ka na ba sa mga lugar na patutunguhan?
Hindi mo pa ba nadama yung minsan ka nang natauhan?
Halika at sumama sakin at iyong malalaman
Kung sino 'ko, tara na, halika at sumama ka
Verse 2:
Yah, kung gusto mo 'kong kilalanin
Itong libro iyong basahin
Eh di kung ayaw niyo sa akin, ayos lang
Hindi na bago mag-isa sa tatahakin
Oh, ang sarap maglakbay
Lalong-lalo na pag sa taas siya pa aking gabay
Pagod, pawis, sakripisyo
Positibong pananaw ang nagsilbi saking tulay
Kaya handa ka bang sumama?
Sabay tuparin ang mga sana
Bumangon ka na d'yan sa kama
Di ka tol uusad kung ika'y nakahilata
Yan ang hirap din sa atin umaasa sa dating
Kaya walang napuntahan
Ano pang hinihintay? Hindi ka ba natatauhan?
Hoy, gumising ka na d'yan, oh
Chorus:
Handa ka na ba sa mga lugar na patutunguhan?
Hindi mo pa ba nadama yung minsan ka nang natauhan?
Halika at sumama sakin at iyong malalaman
Kung sino 'ko, tara na, halika at sumama ka
Halika at sumama ka, halika at sumama ka
Halika at sumama ka, halika at sumama ka
Handa ka na ba sa mga lugar na patutunguhan?
Hindi mo pa ba nadama yung minsan ka nang natauhan?
Halika at sumama sakin at iyong malalaman
Kung sino 'ko, tara na, halika at sumama ka
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																															 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																				 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																															 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																													