Album

Takip Silim (feat. Regine Velasquez-Alcasid)


Liham At Lihim
Gloc-9
2013

Regine Velasquez-Alcasid:

Di ko sana binatawan ang iyong mga kamay

At sa paglipas ng taon ako sayo ay sumabay

Alalayan at masamahan ka sa huli

Yan ay di ko ginawa

Noong ikaw ay akin pa

 

Gloc 9:

Paggising sa umaga diretso sa banyo

Naligo nang maaga, nilakasan ang radyo

Habang pinili ang paborito kong damit

Na ginamit ko nung tayo’y magkakilala

Lumabas ng bahay, tumingala sa langit

Kahit na tulala ay mahinang inaawit

Saking sarili ang himig na nadinig

Sa radyo (sa radyo) nung tayo’y magkakilala

 

Regine Velasquez-Alcasid:

Di ko sana binatawan ang iyong mga kamay

At sa paglipas ng taon ako sa’yo ay sumabay

Alalayan at masamahan ka sa huli

Yan ay di ko nagawa

Noong ikaw ay akin pa

 

Gloc 9:

Kahapon ay nanggaling ako sa manggagamot

At ang laman ng hangin sa baga’y ‘di aabot

Kahit nalaman ay di naman ako galit

Ibinaling ko sa dami ng naalala

 

Regine Velasquez-Alcasid:

Tanong ko sa aking sarili

Ano ang gagawin ko?

Lahat ng tila imposible

Pagkakasyahin ko

 

Gloc 9:

Lalangoy sa dagat maliligo sa ulan

Maghahap ako makahiya sa damuhan

Habang lumalakad nang nakapaa sa putikan

Ang oras ay ngayon walang tanong na kailan

Asintahin mga bituin pagmamasdan ng mabuti

Magbebenta ng mura di bale na kung malugi

Wag kang magaalangan bawasan ang muni muni

Dapat di ka natatakot bahala na kung mahuli

Aking sasabihin ang lahat ng gusto kong sabihin

Lulusungin ang lahat ng gusto kong sisirin

Mailap na kasaguta’y aking hahanapin

Ang mga mahal sa buhay ko ay aking yayakapin

Lumuhod sa ama, tumingala nang ang maling nagawa mabaliwala

Ang paalam ay isang malungkot sa salita

Lalo na kung marami ka pang hindi nagawa

Kaya sabihin mong mahal mo siya

Bago mahuli ang lahat

Kalagan mo ang dilang kagat

Tapos bumalik sa umpisa para lang humina lahat

At marinig mo ang tama’t tapat

Dahil ang buhay natin ay hiram di alam kung kailan

O kung gano kaigsi ang panahong nakalaan

Buhay natin ay hiram yan ay dapat mong alam

Dahil ang kahapo’y di na natin pwedeng balikan

 

Regine Velasquez-Alcasid:

Di ko sana binatawan ang iyong mga kamay

At sa paglipas ng taon ako sayo ay sumabay

Alalayan at masamahan ka sa huli

Yan ay di ko ginawa

Noong ikaw ay akin pa

Di ko sana binatawan ang iyong mga kamay

At sa paglipas ng taon ako sayo ay sumabay

Alalayan at masamahan ka sa huli

Yan ay di ko ginawa

Noong ikaw ay akin pa

Noong ikaw ay akin pa

Noong ikaw ay akin pa

Noong ikaw ay akin pa



OTHER LYRICS

US (feat. Rocky Rivera, Klassy, and Faith Santilla)

CIRCA91
Ruby Ibarra
2017 Album

Para San Ang Tapang Mo?

Gatilyo
BLKD x UMPH
2015 Album

Lakas Tama

Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
2021 Album

Taksil

Gatilyo
BLKD x UMPH
2015 Album

A Butter For Mother

A Butter For Mother
Space Impakto
2017 Single

FEATURED ARTICLES