Album

Hindi Sapat (feat. Denise Barbacena)


Liham At Lihim
Gloc-9
2013

Chorus (Denise Barbacena):

Tubig na iinumin mo na ay

Ipanghuhugas mo pa ng aking paa’t kamay

Saya mong mahaba na nagkagutay-gutay

Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay

 

Post-chorus (Gloc-9):

Nanay, mommy, ina

Mama, inang, mamang, ima

Samin ay wala nang iba, di sapat ang salamat inay

Nanay, mommy, ina

Mama, inang, mamang, ima

Dapat niyong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay

 

Verse 1 (Gloc-9):

Siyam na buwan sayong sinapupunan dinala

Hayaan po ninyong sabihin kong ikaw ang pinaka

Mapagbigay, hindi iniisip ang sarili

At kay itay ikaw ang palaging humahalili

Pag hinipan mo ang sugat ko agad gumagaling

Pag kinukuha ko ang buhat niyo agad umiiling

Kaya ko na ito anak, baka mahuli ka sa klase

Tinapay na pinalamanan ng baon palagi

Madaling araw kung gumising para lang makapagluto

Maghapong maglalako para sa maliit na tubo

Bayad naming sa ilaw, tubig, kuryente

Kahit kulang ang sweldo palaging merong pamalengke

Mawalang galang na nanay pagpasensyahan niyo na

Pagsuway ko ba’y pwede kong dagdagan pa ng isa

Iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin niya

Pagsisigawan kung gano kapalad na ikaw ang siyang aking ina

 

Repeat chorus and post-chorus

 

Verse 2 (Gloc-9):

Puyat, pagod, sinat, hagod

Saing, hain, hugas, kayod

Sahod ma'y kapos hindi ka nakakalimot

Na sindihan ang posporo

Kandilang tinusok sa ibabaw ng mamon

Na balot ng matamis regalo mo taon-taon

Tila napakabilis isang babae na di marunong maningil ng buwis

Minsa’y nakakainis minamani mo ang tiis

Kapalit lang ay halik at yakap na mahigpit

Mano sa kanang kamay sa noo ididikit

Kahit gabutil na buhangin pipiliting ibalik

Parang simoy ng hangin ikaw ay walang kapalit

Mawalang galang na nanay pagpasensyahan niyo na

Pagsuway ko ba’y pwede kong dagdagan pa ng isa

Iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin niya

Pagsisigawan kung ga’no kapalad na ikaw ang siyang aking ina

 

Repeat chorus and post-chorus

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Dyosa (feat. Bullet-D)

Dyosa
Skusta Clee
2016 Single

Caligula

Ikugan
Calix
2018 Album

Girl Be Mine

Happy Battle
Francis M.
1996 Album

Dangerous

Good Problems
WAIIAN
2020 Album

So Pinoy (Bonus Track)

SickSongsOnly EP
aero.
2009 Album

FEATURED ARTICLES