Album

Huminahon Ka (feat. Sly Kane)


Liham At Lihim
Gloc-9
2013

Chorus (Sly Kane):

Dahan dahan lang at baka sa paglakad mo pinto’y malampasan

Hinay hinay lang at makakarating ka rin sayong papupuntahan

Dahil ang nagmamadali ay ang siyang laging nagkakamali

Dinaanan ko nang lahat ito kaya’t ang payo ko sayo

Huminahon ka

 

Verse 1 (Gloc-9):

Hoy pakiulit nga? Kilala mo ba yan?

Katatapos lang ang palaging tanong ay pang ilan

Simula pa lamang to huwag kang malilito

Ito ang kauna-unahang kanta ko sa pangpito

Ano bang sabi ko? Nakinig ka ba dati?

Parang gamot na di ininom kapag may bulate

Panigurado to na para bang umatake

Ang nabubulok na sikmura kailangan mong tumae

Mawalang galang na at pasintabi po

Magka prangkahan na sa mga baliko

Ilang beses ko bang uulitin

Pilitin huwag mong pigilin

Aminin ang mabaho kahit pa ligo

Tila hindi pa rin naiintindihan

Kung anong kaya kong gawin at anong dahilan

May mga araw ding napagiiwanan

Dahil ako pag tinabi sa inyo ay walang kaibahan

 

Repeat chorus

 

Verse 2 (Gloc-9):

Ako’y isang ama tulad din ng iba

Nagtatrabaho at ang dahilan lang ay isa

Ang mapakain ang aking mga supling

Umaga, tanghalian, hapunan, pagsapit ng dilim

Gamit ang tintang itim, asul man o pula

O lapis na wala pang naimbentong pambura

Huwag kang mayabang sa daanan huwag humarang

Dapat marunong gumalang payo sakin ng aking ama

Pati ng aking ina inukit sa kukote

At piningot sa tenga na parang pamihit na liyabeng

Yari sa aserong tulad ng baryang pamasahe

Kapag kinulang ay maglalakad nalang sa kalye

Di lahat ng bagay ay parang laruan

Na pag ika’y naglupagi sa sahig agad kang pagbibigyan

Ang tatanda ka rin ay may kaibahan

Sa magtatanda ka rin kaya palaging tandaan

 

Repeat chorus (2x)

 

Outro:

Hingang malalim

Hingang malalim

Hingang malalim

Huminahon ka



OTHER LYRICS

Liwanag (feat. Francis M.)

Ako Si…
Gloc-9
2005 Album

Gusto Ko (feat. Wonder Twins Sean Daniel and Daniele Shaun)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

Anak (feat. Tala)

Nakasalalay Sa Letra
KJah
2023 Album

Greetings

IDEAL
Curtismith
2016 Album

Eyes On The PRICE (feat. Flow G)

Barcode 2
Pricetagg
2022 Album

FEATURED ARTICLES