Itak Ni Andres


Liham at Lihim
Gloc-9
2013

Naputulan ng paa pero di siya tumakbo

Naputalan ng kamay pero di siya tumakbo

Naputulan ng kuko pero di siya tumakbo

Pero di sya tumakbo, pero di siya tumakbo

 

Sinong takot? Sinong tumitiklop?

Sinong tumatakbo pag ang kalaban ay nariyan sa likod

 

Hindi takot, hindi tumitiklop

Handang lumaban ng sabayan kapag binunot ako sa bewang ng supremo

 

Ako'y kasing tigas ng bakal

Binabad sa apoy para lang mapalambot

Supremo

Di ako marunong umangal

Kahit na ako'y may martilyong sinasambot

 

Aking dinanas

Pilit tinanas

Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko

 

Aking dinanas

Pilit tinanas

Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko

 

Braso, kamay, ulo, pangalan

Binitbit sa digmaan

Nalasahan ko na

 

Kaya siguro ganito ang aking pagkakahulma

Sa paraan ng pag gamit sakin hindi na nagtaka

 

Agad nalaman ko na minsan ay kailangan mong itarak

Dugo'y dumanak nang malaman ang balak

 

Ng iba na ang tanging hangad ay ang makalamang

Kapag may nililitis ako ang laging naka abang

 

Pag mayrong nahatulan at di makita ang baril

Dahil sanay pumutol ng kahoy akong taga kitil

 

Pero kung minsan ay nagtatanong may napuntahan ba

Ang walang tigil na pag daloy ng sapa na pula

 

At sa palengke ng dahas di kailangan bumili

Ang pilit na sinasabi sakin ng pluma ni Jose

 

Tingin ko yun ay mabagal ito ang mabilis

Ako nga po pala ang itak na gamit ni Andres

 

Aking dinanas

Pilit tinanas

Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko

 

Aking dinanas

Pilit tinanas

Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko

 

Sinong takot? Sinong tumitiklop?

Sinong tumatakbo pag ang kalaban ay nariyan sa likod?

 

Hindi takot hindi tumitiklop

Handang lumaban ng sabayan kapag binunot ako sa bewang ng supremo

SEE ALSO

Latest Article

FlipTop 2020: What A Year

  • By Dante Romero
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022

OTHER LYRICS

Life Best
Good Problems
WAIIAN
2020
Abrakadabra
Single
Abra
2011
Soul Placenta
Happy Battle
Francis M.
1996
Mumunting Tala
The Breakout Satirist LP
Calix
2016
Pasipsip Naman
Katibayan
Abaddon (feat. Eman and Third Flo)
2015