Single

Ginhawang Hindi Makita (feat. Ce$ar Montana)


Ginhawang Hindi Makita
Space Impakto
Producer: Omega
2017

Hook (Ce$ar Montana) (2x):

Hinahanap pero di makita

Hindi masisilayan kung hindi mabisang

Gamot sa hingapis ng tagiliran

Pamawi uhaw, kalimutan ang kalam ng tiyan

 

Verse 1 (Space Impakto):

Pagmasdan ang mata sa saya

Di na talaga makakaila

Kahit ika'y iniwanan nila

Nakagabay ka padin sakin Ama

Gamitin mo ko bilang instrumento

Maghatid ng mensahe sa mga tao

Punuin ng pagibig tuyo na puso

Kinulayan ng titig bulag na mundo

Bahaghari ng himig na binubuo

Hatid ay pag-ibig sa mundong magulo

Pag-asa’y dala hanggang dun sa dulo

Repleksyon na malinaw sa nga lito

Di na magbabago kahit na ganito

Kahit di makita ramdam ang gabay mo

Parang tala na ilaw sa aking anino

Liwanag na hatid na laging andito

 

Repeat hook

 

Verse 2 (Space Impakto):

Ito'y matagal mo nang hinihintay

Di pa din bumibitaw sa Kamay

Humihila pataas tunay na malakas ikaw ang aking tanging gabay

Sapat na ang palakpak at kaway

Mawala lang ang lumbay na taglay

Hinding hindi kakalas hinding hindi aatras sa hamon na iyong binigay

Ginawa kong kanta puno ng pag asa para saking mga kababayan

Tara na halika at sumama ka na hahanapin ang kapayapaan

Magpahinga sa saya mahimlay sa tuwa pagod na din ako sa digmaan

Gumising ka na Imulat ang mata wala sa ginto ang kayamanan

Ang Ka-si-ya-hang gustong maramdaman bakit di mo padin makita

Nandiyan sa tabi lang nasa paligid lang sagot saking uhaw na diwa

Isip pakawalan lagyan mo ng laman sustansya mula saking wika

Nakakatakam at malinamnam hatid ay mabuting balita

 

Outro:

Puso ay nagtatalon sa tuwa

Parang pinagbigyan na himala

Iba ito sa maling akala



OTHER LYRICS

Skwaterhawz (feat. Skwaterhawz)

The Resumé Mixtape
Santo
2009 Album

Bakit Hindi (feat. Billy Crawford)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Piyesa Ng Makina

Loob Ng Kabaong
Apoc
2017 Album

Cypherpunk

Expansion Pack
Shadow Moses
2016 Album

Liham Sa Pangulo

Critical Condition
Stick Figgas
2006 Album

FEATURED ARTICLES