Album

LaPain


Ligtas
Bawal Clan x Owfuck
Producer: Yung Bawal & Pope Fiction
2020

OJ River:

Totoo ito akala mo ay panaginip lang

Di ka pa natuto di na kita mapagbibigyan

Tagalog na nga tang ina di mo pa maintindihan

Totoo ito akala mo ay panaginip lang

Tapakan sa muka (huh)

Tapos sabay dura (huh)

Gumagawa ng pera kala mo pariwara (huh)

Andito sa paligid di pa ako nawala (huh)

Hawak hawak pera hangga't ako’y mawala (uhh)

Ako’y mawala (uhh), ako’y mawala (uhh)

Di mapipigilan kilos kahit madapa (uhh)

Sa pag sama ko sayo wala kong napala (uhh)

Andiyan siya pag meron, pag kailangan mo wala (uhh)

 

Astro:

Tignan mo kami ang nagawa ng tatlong kabataan 

Sa dami namulat gustong tumula masabi ang kalayaan

Namate na to hah kapang kapa na hinaharap 

Bakit pa ba kami titigil kung pwedeng mabuhay sa pag-rarap

Katas ng pag subok trinabaho ko to di 'ko tinulog 

Gulat ka ngayon dating walang 'to sinanay nahubog

Iba ang epekto solido ganyan dito saming bilog 

Aatake ang toro patay sa tagalog iba ang tunog

 

Hook:

Kung may plano ka huwag mo nang balakin

Kami nagsama para lang kayo lapain

Hindi ka uubra kahit madasalin

Diretso sa dulo kahit meron pa yang pain

 

Nuevo:

Puta ang gulo gulo, di ko maintindihan

Ang problemang pinagdaraanan

Hindi sige sige lang

Di din pwedeng I-daan

Sa pa sindi sindi lang

Sino sino ang lamang

Sino sinong natapakan

Kitang kita sa galaw

You know what this shit about

Kung hindi naman kasama

Wag ka nang makialam

Daming ahas sa mundo

Tingnan kung di ka maaning

Kung ikaw ang nilagay dyan

Ano ang iyong gagawin

 

Lexus:

Hinahabol ko yung pera men hindi ung pussy men 

Address lang ang nagbago pero kami'y ganun pa rin 

Daming perang nakikita na kailangang limasin 

Owfuck saka Bawal kaya ramdam mo na ang diin 

Tiisin pero hanggang kailan mo kayang tiisin 

Mga inggit nag hihintay lang ng ating pansin 

Lalong pasasabikin at kung meron kang mali 

Andyan ang gabay para ikaw ay tapikin

 

Repeat hook

 

DZ SVG:

Maraming nang naagribyado

Taratando

Bombado, barumbado

Sarap banatan sa ulo ng tubo

Ulol na tinuring na utol

Sungay tuluyang tumubo

Putanginang ungas na sutil

Akala mo kung sino

Kung sinong inakalang day one

Iniwan doon sa daan

Tinuwid, pinatawad

Pero di makalimutang nakaraan

Halos puro sala sa isip ang dumadalos

Matuto ka nga umayos

Pag kaw tinumba

Baka di ka bumangon

 

Paul:

Utakan lang to nakamasid

Ubusan ng bara nang masaid

Paa sa lupa ang yayanig

Banggaan sa taas direcho sa sahig

Kami ang dadaig at lulutang

Di pwedeng makihalo kaalaman ay kulang

Kung nasaan ang paa mo ang mismo lupang

Nasakop namin kami ang unang

Kami ang tunay, matang mapungay

Sino mang sumabay, lantang gulay

Suwag ng toro gamit sungay

Kasama ang leo, kitil ang buhay

Yan ang tunay, matang mapungay

Sino mang sumabay, lantang gulay

Suwag ng toro gamit sungay

Kasama ang leo, kitil ang buhay

 

Repeat hook



OTHER LYRICS

Stuck In Traffic (feat. Double D)

DETOUR
Delinquent Society
2018 Album

Triangulo

Barcode 2
Pricetagg
2022 Album

Sirena (feat. Ebe Dancel)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Balik Abo

INDOORS
Rjay Ty
2022 Album

Carousel

Carousel
ALLMO$T
2019 Single

FEATURED ARTICLES