Album

Pating Sa Kadiliman


Ligtas
Bawal Clan x Owfuck
Producer: Yung Bawal & Pope Fiction
2020

Astro:

Magsisipag yung tatamad tamad

Pag narinig mo kanta namin baka diyan ka magbabad

Yung suporta na sila sila lang

Pag kami ang naka-dama pwes kami kami lang diba

Pero di ako ganon 

Suklian ng kabutihan, mga ganid na dragon

Pagkatapos naman non akin nang ibabaon

Kung akala mo siguro mabait nagkamali ka don

Gumagawa habang tulog kalaban 

Mga sunggap namin pulido di mahuhulaan

Tumatrabaho papunta na sa taas 

Nasa kondisyon palakas nang palakas

 

Paul:

Iba ang paningin

Natutunaw ang paligid kaya steady lang sa gilid

Wag mong aningin

Matutunan ang galawan at panatag lang ang isip

Hindi to panaginip

Pangarap ay hinanap sa panalo nakatitig

Iba ang aming isip

Tago ang prueba parang sistema sa bilibid

Wag mo ng ipilit

Ipagkumpara sa iba kami lang ay tahimik

Ngayon ikay uulit

Babalikan mo nanaman ang berso ko kasi tahimik uh

Buhay parang cinema

Konek lahat ng iletra

Ngayon sa magulong sistema

Ito ang aking reseta

Pag natikman mo sabihin mo na reset ka

 

Lexus:

Nagambala mo ang nanahimik 

Kalmado lang hindi ako nag panic

Sa dagat ng problema may mga pating 

Na biglang darating 

Tus pero walang ebidensya kaya sila ay na aning (na aning)

Itanong kay Ill Leo na nag hahanap ng thrill 

Pag hindi malayo sa normal hindi ko feel

Hindi puro angas lang dapat meron ka ring skill

Konti lang ang nakinig pero marami ang nakarinig 

Isang putok nag iwan ng mantsya dyan sa sahig 

Tapos lupaypay na parang umubos ng isang banig

 

Rjay Ty:

Di pangkaraniwan parang biglang sinapian

Kapag ika'y tinamaan tol wala na tong balilkan

Sasabay sa agos huwag baka ka mabalian

Ang daming sinasabi pero la ka namang bilang

Pawis at dugo hindi ito minadali lang

Subukan mong sisirin kung akala madali lang

Lalim ay lampas ilang tao hindi mabilang

Kasama lumangoy mga pating sa kadiliman

 

Hook (Rjay Ty):

Liman (6x)

Pating sa kadiliman

Liman (4x)

Kasama lumangoy mga pating sa kadiliman

Liman (6x)

Pating sa kadiliman

Liman (6x)

Pating sa kadiliman

 

Mic Rahman:

Nandito lang nagmamasid

Sayo na ang korona bibigay din ang leeg mo jan

Pasensya kapatid

Gamay ko ang galawan ang lahat paikut-ikot lang

Sige lang at maglibang ka dyan

Pag di ka nagingat ay naku bai mabibingwit ko yan

Baka naman napadaan ka lang

Andaming sinasabi tangina ambaho mo naman

Kulang sa ligo pero bibong-bibo

Paiikutin ko ang mundo mo na para bang tsubibo

Asintado at pulido

Sigurado ka ba sa kinakasama mong kung sino-sino

 

DZ SVG:

Sino sa inyo solido

Dito hindi biro

Mga sinasuluduhan

Minsan di ka galanggalang

Wag ka mag maangmaangan

Madali ka matapaktapakan

Tinakpan ang mata

Kunwari walang kasalan

Sa mga pinagdaanan, bawal huminto

Akala nawalan ng pag asang tumino

Winasak yung humuharang dito na pinto

Di nag iibang anyo sa pilak at ginto

Kayo mga naka upo

Di ako yuyuko

Kayo yung matino

Kayong na mapanglito

Kayo mga na ngangaaya ng mahina sa inyo

Ako yung kakalas ng binuo niyong illusyon

Dasal niyo wag magkita sa daanan

Humanda ka pag nagkaabutan

Halika dito na iyong malaman

Kasama lumangoy mga pating sa kadiliman

 

Repeat hook



OTHER LYRICS

Isa Pa (feat. Gelo)

Heartbreak SZN
Because
2018 Album

(GHOST EMOJI)

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

OGblueprint

#MANILACIRCLEJERK
Den Sy Ty
2016 Album

SIPAG LANG (feat. Shao Lin)

HYPE ONE'S
Nik Makino
2022 Album

Sagaba

Blue Scholars
Blue Scholars
2004 Album

FEATURED ARTICLES