Album

Handa Na Ba?


Mabanges
BB Clan
Producer: Andrew E.
1998

Chorus (2x):

Handa na bang lahat sa aming paghahasik (hasik)

Hindi man aminin siguradong nanabik (sabik)

Wala akong panahon para mag papansin

Iangat na ang bass bawasan ang kalansing

 

Verse 1:

Isang bagsak naman ganyan ang iyong kahilingan

Pagbibigyan naman wag lang sanang pagpilitan

Ang gusto mo bat mo ako dinidiin

Ayoko nang mabwisit magdilim ang paningin

Aray ang sakit sabi mo di makayanan

Pagkat ang lupit hindi mo makuhang ng sabayan

Parang uminon sa basag na baso

At nagpakagat sa ulol na aso

Napaso mas mainit pa sa plantsa

At naisigaw ang pangalan ni Gracia

Wag kang makulet, wag ka ngang masungit

Ang hilig pumapel mag ingat ka baka mapunit

Mas sulit ang bayad sa kisame sumayad

Ang ulo wag kang magtaka sa guhit ng palad

Talon nang talon na sing dulas ng sabon

Di masasalag parang sipa ng Hapon

 

Chorus:

Handa na bang lahat sa aming paghahasik (hasik)

Hindi man aminin siguradong nanabik (sabik)

Wala akong panahon para mag papansin

Iangat na ang bass bawasan ang kalansing

Handa na bang lahat sa aking paghahasik (hasik)

Hindi man aminin siguradong nanabik (sabik)

Wala akong panahon para mag papansin

Iangat na ang bass bawasan ang kalansing

 

Verse 2:

Hawakan nyo ko, daig ko pang sinasapian

Kailangan ituloy at di na pwedeng pag-paliban

Naiwan sa ere bigla kang natameme

Magsusumbong kay nanay at saka magpapahele

Wala na akong pakielam kung saan ka nagmula

Hindi ko na kasalanan kung bibig ay bumula

Matayog ang lipad ng Saranggola ni Pepe

Matulin nga ang dila pero style ay peke

Di mag papaawat at walang are areglo

Kumusta na ang mga homies

From Caloocan to San Pedro

Penduko ang tuso at di parin susuko

Naghihintay pa yata na hatawin pa ng tubo

Sa ulo, saan ako nagkamali yan ang laging tanong

Sa tuwing ika'y masasawi

At pikit muna saka ka na dumilat

Isang bagsak ka nalang at tapos na ang paghihirap

 

Chorus:

Handa na bang lahat sa aming paghahasik (hasik)

Hindi man aminin siguradong nanabik (sabik)

Wala akong panahon para mag papansin

Iangat na ang bass bawasan ang kalansing

(3x)

Handa na bang lahat sa aking paghahasik (hasik)

Hindi man aminin siguradong nanabik (sabik)

Wala akong panahon para mag papansin

Iangat na ang bass bawasan ang kalansing

 

Verse 3:

Anak ka naman ng tupa ba't sakin sasagupa

Di mo ba naisip na baka humalik sa lupa

Balik sa pinagmulan nagkusang yuyuko

Doon hindi pwedeng maglakad taas ang noo

Mayroon nga dyan nagsasabi na masyado akong malalim

Eh kung magpapakababaw pano pa gagalangin

Umasim ang mukha mo sa narinig

At ayaw pang umamin na ika'y bumilib

Patay man ang ilaw i still remain malinaw

Panatag ang loob sa tuwing hahataw ay halimaw

Sinubukan na ako minsan sinong umuwing luhaan

Hindi na nangilabot banggain ang BB Clan

Ako'y nagtataka kung bakit hindi parin nagbago

Ang style mo hanggang ngayon ay parang tinarantado

Itago nalang and get your shit out of town

Pag nilabas magmumukha ka lang clown

 

Chorus:

Handa na bang lahat sa aming paghahasik (hasik)

Hindi man aminin siguradong nanabik (sabik)

Wala akong panahon para mag papansin

Iangat na ang bass bawasan ang kalansing

(3x)



BB Clan - Mabanges (1998):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Life Jacket

Hue For Ya
Sica
2021 Album

Lagpasan

Lagpasan
Mhot
2013 Single

Rapstar

Rapstar
Flow G
2023 Single

Scorched

Bad Burn
FOSSILS
2017 Album

Ubasan

Realistick
Stick Figgas
2018 Album

FEATURED ARTICLES