Single

Hanggang Kailan (feat. Because)


Hanggang Kailan
FTD
Producer: NEXXFRIDAY
2018

Verse 1:

Puta, pera, droga lagi kong naririnig

Kantot, ednis, toma sa loob ng aking silid

Di ko na pinapansin ang sinasambit ng kanilang bibig

Natalikuran na ang liwanag at nagpasakop sa dilim

Natataranta, wala ng ibang paraan ang naiisip kundi ang magpasabay sa agos

Kung dati ang tanong ay kailan ba giginhawa aking buhay ngayon ang tanong ay kailan na nga ba to matatapos?

Sapagat nakakapagod, pero patuloy pa rin

Subalit hanggang kailan ko sasagrin

Ang aking sarili, parang nakakainip

Madama ang langit, sa aking pagkapikit

Kahit ano ang gawin, lungot sa mukha alisin

Mapagaan ang pasan ng saglit

Saking pagdilat impyerno parin kalakip nakakainis

 

Hook (2x):

Hanggang kailan ako mag aantay na sumaya

Pa na muli sa buhay kong puno ng paghihirap

Nanghihina na

Upuan ay gustong sipain

Gustong sumabit nang di nakakapit

 

Verse 2:

Sa dinami dami bakit ako pa?

Naging dalubhasa sa pag papanggap

Para lang di mapakita sa ibang

Di ko na kaya, ang ngiti ay pilit nalang pagkat nilamon na ko ng pagkapagal

Kalungkutan ay hindi ko matanggal

Saking sarili kahit na ipilit

Sa tingin ko ay di na ko tatagal

Oh diyos ko pwedeng sabihin

Mo sa akin kung anong gagawin

Bigyan mo ko ng lakas ng loob para kumapit

Dapat ko na bang tuluyan ang aking sarili o dapat pa bang mag patuloy pa rin

Sumagot ka sa akin

Pakiusap sumagot ka sa akin

 

Bridge:

Ako ay parang luha saking mga mata

Unti unting bumabagsak

Ako ay parang ulan

Sa maabong kalangitan

Unti unting bumabagsak

Unti unting bumabagsak

Parang ulan, at parang luha saking mga mata

 

Repeat hook



OTHER LYRICS

Flight Mode

Rowena
Because
2019 Album

High Score

High Score
Flow G
2023 Single

taga/masid

SA/LIRIKO EP
GL
2022 Album

Flashbacks (feat. Al James)

Flashbacks
ROCO
2016 Single

Sungay

Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
2021 Album

FEATURED ARTICLES