Single

K & B


K & B
Omar Baliw & CLR
Producer: Ochomil
2019

Intro:

Dugo't pawis ang binuhos sa umaga pa lang

Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang

 

CLR:

Salamat sa mga hindi lumisan

Alam ko nagkamali rin ako minsan

Galaw ko ngayon akin nang pinagiisipan

Habang pinipintahan

Itong blankong papel

Demonyo na may pagkaboses anghel

Gamit ko ay lapis hindi na kailangan pa ng baril

Proseso ng aming utak ay hindi niyo

Maiintindihan kung hindi niyo kami kalevel

Hmmm, Nasan kayo nung kami ay huma hustle?

Ngayong imperyo na ang dating kartel

 

CLR & Omar Baliw:

(Nasan ka non?) Nung ako ay nadapa

(Nasan ka non?) Nung ako'y walang wala

(Nasan ka non?)

Nung ako'y nasa baba hindi kita mahagilap

(Nasan ka non?) Nung ako ay nadapa

(Nasan ka non?) Nung ako'y walang wala

(Nasan ka non?)

Nung ako'y nasa baba hindi kita mahagilap nasan ka non

 

Omar Baliw:

Kahit ang daming humahamon

Patuloy bumabangon

At kahit bumaha non

Patuloy umaahon

Walang makakapatid

Tunay habambuhay magkakapatid

Sumubok kahit na suntok sa buwan

Tuloy lang di napagod magsagwan

Sa daming naranasan natuto na

Hindi pwedeng galit ang nauuna

Pag bumagsak ka dyan ang daming matutuwa

Positibong magisip hanggang kaluluwa

 

Repeat chorus

 

Omar Baliw:

Pati pato't panabla lahat ay tinaya

Binuhos kong lahat hindi na tinansya

Nalulong sa proseso, adik sa resulta

Dating hindi maintindihan para bang reseta

Nung tinamad silang lahat kahit pagod ay nagsipag

Yung iba ay naglibang habang ako ay nagtibag

Ng daan pinatag para byahe ay panatag

Kalmado at banayad imposible na mabasag

May sariling liga, respeto hindi siga

Nangangating mga kamay para bang may higad

Kulang isang araw isuot mo ang sapatos ko

Sa dami ng diskarte malabo ng matapos to

Pagmamahal sa ginagawa hindi ka niyan ililigaw

Lulubog o lilitaw tama lang isisigaw

Walang sikreto dito di kailangan na maglihim

Magtanim ng puno kaya ngayon ay malilim

 

Repeat chorus

 

CLR & Omar Baliw:

Kung akala nila di mo kaya iyon

Diretso lang lakad wag ka ng lumingon

Madaming tanong nakakalito

Kung pano makuha nasa sa iyo

Kung akala nila di mo kaya iyon

Diretso lang lakad wag ka ng lumingon

Madaming tanong nakakalito

Kung pano makuha nasa sa iyo

 

Repeat chorus (2x)



Omar Baliw & CLR - K & B (2019):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Itak Ni Andres

Liham At Lihim
Gloc-9
2013 Album

The Bayag Song

The Bayag Song
Zikk
2011 Single

Sa Susunod Na Lang (feat. Yuri)

Sa Susunod Na Lang
Skusta Clee
2018 Single

Momay

Momay
Juan Thugs N’ Harmony
2009 Single

REDBOYZ

REDBOYZ
Realest Cram, Ryouji, CK YG, OLG Zak, Nateman, & YB Neet
2023 Single

FEATURED ARTICLES