Imperyo


Single
Nero x Apekz
Producer: Mat Olavides
2022

Intro (Nero):

Amoy sa pagtuntong ang insenso

Aroma ng sunog na imperyo

Tanggap kong malugod ang talang kaloob

Ambag ni Galileong samin lang nakaluhod

(Kaya)

 

Pre-chorus (Nero):

Gusto kong mangibabaw sa ilalim

Kasama ang mga gintong legal kung minahin

Malabo na mabulag ako sa kikitain

Mas malawak ang imperyo pagsakop ang adhikain

 

Chorus (Nero):

Sana lang, sana lang

Mat'yaga tong magsiga sa maski san

Paningasin

Sa maghapong nagsipag ay nasitang masigasig

Kasama ang kasikatang tatama rin sa nakararami

 

Verse 1 (Nero):

Inaliw ka ng kaliwa't kanang

Mga balitaktakang maalinsangan

Nakaligtaang nakaimbak ang

Mga limbag na mas nakakabigla

Pag ako napiling pantasa ng pantas sa mga pusong kinalawang

Magpabaga pag gutom, kumbaga matutong kumagat na buo nilalapa

Ughhh ito ang aking imperyo na terno ang mga disenyo

Sa bara kong realidad na di rin iba sa mga kinikwento

Mag-inumaga sa paggapas ng aking sakahan

Sa bigas ko nakipagasaran yung palay di kayang makipag-alsahan

Kung banig lamang ang hinahabi ay tiyak na hihiga ka saming bawat detalye

Kasamang nironda mula teritoryo paggagala na sakin di pabor

Kaya ibigay na kay Nero ang baso ito'y huling ikot ng Emperador (sa)

Nagtakda ng bagong haring dagdag pa sa karwahe

Ang tanda ng pagtumba ehh pagsamba at paglupagi

Basta sana batas na sa huli rin mamutawi

Paksang mata sa mata hanggang mapuwing si Hammurabi (Ba't?)

 

Repeat pre-chorus and chorus

 

Verse 2 (Apekz):

Dito samin, respeto mahirap kuhain

Ang mga buto kailangan unatin

Quota muna bago kumain

Partida walang tisa parang tira sa bilyaran mababa ang kita

Pinala ang mina hanggang sa makamit ay mala Yamashita

Kumalat ang balita, nako po

Sa mga lalawigan at pulo

May bagong hari na nakaupo

Nilagyan ng gasolina yung sulo

Sabay ubo salain para di magkagulo

Pwede makalusot dun sa kampo ko

Pero kapag bulok mag mano po

Bakit pa 'ko mananakop kusa nila akong tatanggapin

Pa'no moko matatalo ang gusto iangat ka rin

Huwag na huwag kang tatamarin tulad ng iba ikaw ay tatama rin

Sa gitna pag hinasa ang patalim araw araw na parang walang pake

Lumayo sa pangkariwan kinilala kung saan sinilang

Ako ay putik na nakatanim sa aking lupang hinirang

Mag iiwan ng mga barang mananatili sa isipan

Walang malaking ari-arian pero meron panahong pinagharian (Dahil ang)

 

Repeat pre-chorus and chorus

 

Hook (Nero):

Ito ang aming imperyo

Ito ang aming imperyo

Ito ang aming imperyo

Ito ang aming imperyo

 

Bridge (Nero):

May bahid ng galit na pangmalawakan

At hari sa hari ang nagbabanggaan

Sa kalye nanggaling naapak-apakan

Masakit man laging mas nakakagana

 

Outro (Nero & Apekz):

Wag mapariwara maramirami ka mang ari-arian na naisanla

Mangyaring gampanin na maibahagi ang yaman na sa'tin at maipamana

Sa aming lakarin may naitala na't

Sakaling harangin ay baliwala lang

Basta iba ka sa karamihan

Maligaw man sa safari may pangil aba

Parang mga animal na walang tanikala

May sanib sa lapis na aming dala

Isang maling galaw mo lang basa sa aking mata

Hindi mo dama na minamate ka na

Tangina ka kahit saan maikasa laging handa

Baguhan man o yung mga kilala

Pwede kang gulatin sa imperyo namin lahat bihasa

SEE ALSO

Latest Article

Behind The Sound: Kaz

  • By Anonymous Staff
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022

OTHER LYRICS

Good Day
Single
5th Wave Theory
2012
Thankful
MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9 (feat. Maychelle Baay of Moonstar88 and Bambu)
2012
Hayop
Illustrado
Illustrado (feat. Supreme Fist)
2017
Muling Mang Harana Part II
Walking Distance
Smugglaz (feat. Curse One)
2015
Lagi
Single
Gloc-9 (feat. Al James)
2018