Single

Kuntento


Kuntento
Shehyee
Producer: Thyro
2022

Yo

Pa'no ba sipagin

Bruh

Pwede ba ituro n'yo sa akin

Ang hirap hanapin

Gan'to ba talaga 'pag natupad na ang iyong dalangin, ey

'Di ko na bibilangin

Not a fan, baka sabihin n'yo mahangin

Gan'to na lang, alam n'yo sa'n ako nanggaling

Kung babalikan 'yon ay hindi na pwedeng lakarin, ey

Parang lyrics lang ni Thyro

Kilome-kilome-kilometro ang layo

Masaya na sana kaso

'Di ko gets

'Di ko gets kung saan na 'ko dadako

Gumawa 'ko ng pangarap na mahirap abutin

Nung naabot ko ka'gad 'di na alam gagawin

Masyado akong pinalad

Gusto ko na sampalin

Ang sarili ko para magising

Whoa

Gusto ko nang mapaso

Para mag-alab ulit

Parang gusto kong matalo

Para ganahan ulit

Nalimutan ko na pa'no

Ang mangarap ulit

Nagsimulang mawala ang kulit ko

Sa tingin ko magmula no'ng

Makuntento

(Makuntento, o makuntento)

Ah, 'yon ang turo nila

Kung gusto mong sumaya ay

Makuntento

(Makuntento, o makuntento)

Tama ba talaga ang makuntento

Kung nakuntento mga tao

Nung unang panahon, bruh

Asan kaya tayo ngayon

Tingin mo may gripo

O 'yong tubig mo iniigib mo pa rin 'to sa balon

Pa'no kung ok lang sa kanilang 'di maligo

Naimbento kaya 'yong sabon

Paano kung mga taong nauna noon

Nakuntento nang 'di alam ang sagot sa mga tanong

Saan tayo pupulutin

Aabot ba sa kabilang ibayo

Sa buwan ba'y makakarating tayo

Kung nakuntento na lang sila sa kanilang kabayo

Sila ay nangarap, sinubukang abutin

Nung naabot nila ba't sila ay gutom pa rin

Ganu'n yata dapat

Bakit 'di ko sampalin

Ang sarili ko para magising

Whoa-o-whoa

Gusto ko nang mapaso (kasi, kasi)

Para mag-alab ulit

Parang gusto kong matalo (bakit, bakit)

Para ganahan ulit

Nalimutan ko na pa'no (alin, alin)

Ang mangarap ulit

Nagsimulang mawala ang kulit ko

Sa tingin ko magmula no'ng

Makuntento

(Makuntento, o makuntento)

Ah, 'yon ang turo nila

Kung gusto mong sumaya ay

Makuntento

(Makuntento, o makuntento)

Tama ba talaga ang makuntento

Ngayo'y ayos lang

Kung 'di ko pa kaya

'Gang dito lang muna

Ngunit hanggang kailan

Parang 'di ko pa kaya

Bukas ng umaga

Ang kadena ko'y kakalagan

May ayaw tumabi

Gawan ng paraan

Kung sa'n ako papunta ay hindi ko alam

Basta 'di na 'ko papayag na hanggang dito na lang

Napakarami pa nating kayang gawin

Iba't-ibang dahilan na aalamin

Walang katapusan kung lalakbayin

Kaya sisimulan ko nang takbuhin

At hindi na importante sa akin

Kung sa'n man ako nanggaling

O sa'n man ako makakarating

Hihinto na lang tuwing aamuyin

Ang simoy ng hangin

Tapos sa harap na uli ang tingin

Sabi nila'y 'di ka magiging masaya

Kapag 'di ka nakuntento sa ibinigay ng Diyos

Ang tanong ko lang

Masaya ba 'yong mga taong

Nagkakasya lang sa pagiging kapos

O-o, ba't nawala 'yong beat

'Di pa 'ko tapos

Makuntento



OTHER LYRICS

WUTS RLY GUD

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

gummybearface

#MANILACIRCLEJERK
Den Sy Ty
2016 Album

Doobs at Movs

Stratus Mixtape
Ives Presko
2012 Album

Nemesis

The Genocide Journals
Plazma
2011 Album

Bara Imortal (feat. Kemikal Ali & Denmark)

Loob Ng Kabaong
Apoc
2017 Album

FEATURED ARTICLES