Single

Iladnasanwakan (feat. Al James and Chen Pangan of Unit 406)


Iladnasanwakan
Ron Henley
Producer: Jim P.
2018

Verse 1:

Bakit ba ayaw nila sayo? Di ko alam

Mas gusto nila si Gumamela o di kaya si Santan

Tutol si tatay, si nanay, si ate, si kuya, pati mga kapitbahay

Madaming nagsasabi sa akin sa aming di raw tayo nababagay

Kahit kailan, di nila tayo maintindihan

Nagkikita tayo kaso palihim nalang

Sa ilalim ng maliwanag na buwan

Lagi nalang nilang tinitingnan ang kwarto ko

Baka may nakatago pang mga litrato mo

Kasi kung meron pa, lagot!

Tadhana'y tuluyan kang ipagdadamot

'Pag nagkataon

Mapapalayo na naman ako sayo ng mga buwan, taon

Ayoko na non, masaya nako sa kung anong, anuman ang meron tayo ngayon

Pag wala ng tao direcho sa kwarto, sa banyo, pinto'y isarado

Ibaba ang kurtina ng bintana baka may makakita, makahalata at lalong maghinala, ugh

 

Chorus:

Pakiramdaman kung sinong mauuna

Ang lapit lang ng langit tila maaabot ko na

Kumurot ng lupa, pagkatapos sa apoy pabagain

Sa tubig padaanin, bumuo ng ulap, palutangin sa hangin

Mahirap na, mahirap na

Pagmamahalang walang halong kemikal

Kailan ba tayo magiging ligal?

 

Verse 2:

Ano nga bang nakita ko sayo? Um... 'di ko alam

Ano bang klaseng pabango yan, bakit parang di kita malayuan?

Wala pang ibang nadadampian ang aking daliri, tanging sayo lang

Kahit na minsan nababalitaan ka na namang may mga kasamang tatuan

Nag-umpisa ang lahat nung pinakilala ka saken

Unang sipat ko sayo, biglang hampas ng hangin

Bigla rin akong ginanahan kumain

Ang dating dalawa naging limang takal ng bigas ang nasaing

At pag nababagabag at natataranta

Ikaw lamang ang nalalapitan para lang makalma

Tumatatag ang paniniwalang may kapangyarihang mas nakahihigit

Sa twing maglalakbay, mag-iisip, nakaupo habang mga mata'y nakapikit

Ako ma'y tangkay sa iyong bulaklak

Kahit medyo buto-buto ay wala tong palpak

Puti daw ang buhangin sa nasabing lambak

Tumalon tayo ng langit, pahiga ang bagsak

May mga bagay sa mundo na hindi madaling takasan

Sigurado nang walang labasan

Pag pinagkasundo ng Amang Kalawakan at ng Inang Kalikasan

Hanggang sa may inabot sakin ang pilandok

Lumutang sa sabaw sakay ng higanteng sandok

Ang init kumakalmot sa dibdib

Napaupo sa may sahig, lupa'y napakalambot

At tuluyan nakong inantok ugh

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Ang lakas na ng tama ko sa'yo, kung alam mo lang

Sana kasama kita araw-araw at lalong-lalo na pag umuulan

Wala pa ring sinabi kahit paghalu-haluin mo ang iba't-ibang klaseng droga don

Walang panama kahit ipagsabay ang ecstacy, bato, ekis, damo, acid, coca, at mogadon

Sa gitna ng makakapal na usok, tayo'y maglalaro

Habang pinaplano natin ang titirhang kastilyo

Tinitingnan kung pano itatayo

Tuyo na ang dahong dati'y malagkit

Palayo ka ulit at yun ang masakit

Pag tumawag ako sana ganun pa rin ang numero mo at 'di ka nagpalit

Basta wag kang maingay

Dadaanan ang eskinita't looban para lang makasilay

Pagmamahalang pabulong, lakad ko'y pasulong

Wala nang panahon pa para umurong

Ika'y itinabi, ang tanging nag-iisang natitira, tinitipid ko pa

Kaso isang gabi, sa isang kisapmata, palihim kang nahithit ng iba

Tangina

 

Bridge:

Maging ligal man o hindi, palihim pa rin kitang 'sasama pag-uwi

Maging ligal man o hindi, palihim pa rin kitang 'sasama pag-uwi

Amoy ko na sa tuwing unti-unting naglalaho ang iyong bango

Kung pwede sanang habambuhay nalang tayo dito sa bakuran ko

Gusto ko yung mga katulad mo, yung may sari-saring lahi

Kaso nakalimutan ko, pagdating sayo, madami pala akong kahati

 

Outro:

Mahirap na, mahirap na, mahirap na

(Walang aminan)

Mahirap na, mahirap na

Pagmamahalang walang halong kemikal

Kailan ba tayo magiging ligal

?



OTHER LYRICS

Mood

Mood
Al James, Muric
2022 Single

Easy Ka Lang

Moderno
M Zhayt
2018 Album

Twenty Skinny

Sharpest Tool In The Shed
Bambu
2020 Album

Pasulyap Sulyap

Ala Una
Apekz
2017 Album

Santelmo

Aether EP
DB
2018 Album

FEATURED ARTICLES