Album

Venus (feat. Yumi)


Wala Pang Titulo
Ron Henley
Producer: Bojam
2013

Verse 1:

Nasa isang gilid tahimik lang

Palihim lang kitang tinitignan

Di mo lang alam kung gaano kaganda ang

Tanawin mula sa aking kinatatayuan

Ngiti na 'sing tamis ng pulot

Mga tingin mong nagdudulot

Ng isang matiniding tagtuyot

Minsan naiisip ko kung pwede lang sumilip

O sumingit sa isang magandang panaginip

Mo napatingin bigla sa malayo

Nakita ka sakay ng isang puting kabayo

Magkita nalang tayo dun sa kabilang ibayo

Hihintayin kita sabihin man nilang malabo

Para kang prinsesa kung ituring

Sa lalim ng ating pagtitinginan sana wag mo kong lunurin

Gusto lang naman kitang yakapin

Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin

 

Chorus:

Kahit na anong sabihin ng iba

Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta

Basta kahit na ano pa ang gawin nila

Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta

 

Verse 2:

Nabighani sa nag-iisang bitwin sa kalawakan

Nais ko sanang abutin at mahawakan

Sungkitin kaso nga lang ang higpit ng pagkatali

Pagnabuhol naku yari ako sa mahal na hari

Ikaw ang araw sa buwan sa tuwing gabing wala ka

Walang liwanag sa aking daan

Pakiramdam ko palagi ay parang nasa ulap

Pag mag-damag tayong magkausap

Pwede patabi ang lamig kasi

Paiinitin natin ang gabi

Parang bagong timplang kape

Kahit pa gaano kadaming babae

Ipakilala sakin ikaw parin ang aking hahanapin

Dahil ang puso mo ay mamahalin

Dapat nang ingatan at hindi dapat basagin

Gusto lang naman kitang yakapin

Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Sana ma'y sumalo kapag nahulog ako

Sana wag mabagok ang ulo ko sa bato

Ngutin nangyari na nagising sa katotohanan

Ayoko na ng laro gusto ko na ng totohanan

Kung pampiyansa ang usapan ako'y mamumulubi

Sa tuwing titignan kita lagi mong nahuhuli

Nais lang naman kitang yakapin

Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin

 

Repeat chorus

 

Outro (2x):

Kung iguguhit ko lang ang pag-ibig namin

Ito ay parang dahon na nilipad ng hangin

At napadpad sa isang daanan

Hanggang sa matapakan

Ng dalawang naghahabulang magkasintahan



OTHER LYRICS

Currently

IDEAL
Curtismith
2016 Album

Pag-asa, Pag-ibig, Paglaya

Pagsibol
Kartel + Lion and the Scouts
2014 Album

Living In Stagnant Waters

Living In Stagnant Waters
c:/ and NothingElse
2010 Single

Kaarawan

Kaarawan
Marc Mamuric of Row 4
2016 Single

#WeGetHigh

#WeGetHigh
Ankthen Brown
2015 Single

FEATURED ARTICLES