Album

Biglang Liko (feat. Pow Chavez)


Wala Pang Titulo
Ron Henley
Producer: Bojam
2013

Intro:

Yeah!

Tara!

Sumama ka sa 'kin

Alam mo na

Dadalhin kita kung sa'n mo gusto

 

Verse 1 (Ron Henley):

Ang pawis ko'y tumatagaktak

Sa bilis, may pumapalakpak

Abutin natin ang langit, ibuka ang pak-pak

Langhapin ang halimuyak ng mga bulaklak

Ako ay paru-paro

Nakadapo sa 'yong damo

Sa liwanag ng ganda mo

Ang daming nabibighaning gamo-gamo

Yakapin mo ako habang atin ang gabi

Kasi mundo natin ay laging salisi

Pag ika'y nasa baba, ako ay nasa taas

Sa tuwing ikaw ay darating, ako ay lalabas

'Wag ka masyadong marahas

Sige lang, isigaw mo pa nang malakas

Ilagay mo sa tono

Di kita tinatanong pero sagot mo'y oo, oo, oo, oo

Hintayin mo ako

Malapit na 'ko, sabay na tayo

Papunta na 'ko, nasa'n ka na ba?

Kung ako sayo sumama ka na, tara

 

Chorus (Ron Henley and Pow Chavez):

Tara, tara, sumama ka sa 'kin

At hawakan ang aking kamay

Tayo ay maglalakbay

Patungo sa lugar kung saan tayo lang ang may alam

Tara, tara, sumama ka sa 'kin

At hawakan ang aking kamay

Tayo ay maglalakbay (ooooh)

Patungo sa lugar kung saan tayo lamang ang laman

 

Verse 2 (Ron Henley):

Pinto ay sarado, buksan ang kandado

Talian ang aso, papasukin mo na 'ko

Meron akong regalo, 'di mo malilimutan

Matagal ko 'tong pinag-ipunan

Pahiram ng upuan, para aking patungan

Ng aking dala dala nang aking makunan

Para may alaala ka sa pagalis mo

Panuorin kung sakali'y ako ay mamimiss mo

Tayo na magsabay, magkamay

Kahit na pagkain ay 'di sa plato nakalagay

Masarap ba? Diyan ako sanay

Kaya pala mga sagot mo sa 'kin ay panay

Oo, oo, hintayin mo 'ko

Malapit na ako, sabay na tayo

Papunta na ako , nasa'n ka na ba?

Kung ako sayo, sumama ka na, tara

 

Repeat chorus

 

Verse 3 (Ron Henley):

Oh, nilambing mo nang maghapon

At dinilaan ang mukha mo

Nangangahulugan hindi lahat nang hinihimas ay umaamo

Aso't pusa nagkalmutan

Nag away, nagka untugan

Bagong taon ba ngayon?

Ba't gano'n may nakakaputukan?

Sumibak ng kahoy para panggatong

Para may apoy tayo maghapon

Sakto, ah, may sweldo pa ako

Magwiwithdraw muna 'ko sa ban-ko, oo, oo

Hintayin mo 'ko

Malapit na ako, sabay na tayo

Papunta na 'ko, nasa'n ka na ba?

Kung ako sayo, sumama ka na, tara

 

Repeat chorus

 

Outro (Ron Henley and Pow Chavez):

Diretso lang (diretso lang)

Diretso pa (diretso lang)

Diretso lang (diretso lang)

Diretso pa (diretso lang)

Diretso lang (diretso lang)

Biglang liko (biglang liko)

Diretso lang (diretso lang)

Biglang liko (biglang liko)

Diretso lang, diretso lang (biglang liko)

Diretso lang, diretso pa

Diretso lang, biglang liko

Diretso lang



OTHER LYRICS

Araw-Araw (feat. Jaq Dionisio)

Prototype
Dello
2014 Album

1999 (feat. Harlem)

Sakred Boy
Hev Abi
2022 Album

Film Real

Film Real
Kiyo
2018 Single

FULLCLIP

FULLCLIP
Apekz x Flow G
2024 Single

Celebration

Ordinary Lives
Rayneman
2018 Album

FEATURED ARTICLES