Album

Langit (feat. Bea Valera)


Wala Pang Titulo
Ron Henley
2013

Verse 1:

Narinig ko na naman ang pangalan mo

Kapag ganito kadilim ang araw ko

Ang liwanag mo ang kailangan ko

Para makita ko ang nilalakaran ko

Patungo sa puso mo kung saan nais kong maging tambayan ko

Sabi nila langit ka lupa lang ako

Kita ko ang sinag ng araw sa mga mata mo

Ngayong gabi sa mga bituin makikisabay ako

Baka sakaling pagbalik nila sa langit mapalapit sayo

 

Chorus:

Kay sarap tingnan ng langit

Kahit nakakangawit na

Buti nandyan ka isang ngiti mo lang ay langit na

 

Verse 2:

Ikaw ang bahaghari

Pagkatapos ng malakas na ulan

Habang ako’y nakahiga

Ikaw ang tanawin mula sa may damuhan

Ang iyong buhok ay kakulay ng kalangitang

May papalubog na araw, ako ay dahan-dahang

Nahuhulog na parang bulalakaw

Sabi nila langit ka lupa lang ako

Kumbaga hinalo mo yung kanal sa pabango

Ngayong gabi sa mga bituin makikisabay ako

Baka sakaling pagbalik nila sa langit mapalapit sayo

 

Repeat chorus (2x)

 

Verse 3:

Ang bingi nakarinig, ang bulag nakakita muli

Ang pilay ay nakalakad, ang pipi nakapagsalita

Baluktot naging tuwid

Ang pag-ibig pag inisip ito ay nasa puso

Pag pinuso nasa isip masisira lang ang ulo

Sabi nila langit ka lupa lang ako

Wala daw akong ka-pagasa pagasa sayo

Ngayong gabi sa mga bituin makikisabay ako

Baka sakaling pagbalik nila sa langit mapalapit sayo

 

Repeat chorus (2x)

 

Verse 4:

Naiwan ng tren, punuan ang jeep

Laging nahuhulog sa sinasakyang trip

Tumirik sa baha laging pinapahinto

Kaharap ko lagi ay saradong pinto

Basang basa ng ulan, walang payong

Masungit ata ang tadhana sakin maghapon

Laging nasa hulihan ng pila

Payuko na sana tapos bigla kang nagpakita

 

Outro:

Buti na lang nandyan ka

Buti na lang buti na lang nandiyan ka sinta

Buti na lang nandyan ka

Buti na lang buti na lang nandiyan ka sinta

Kay sarap tingnan ng langit

Kay sarap tingnan ng langit

Kay sarap tingnan ng langit



OTHER LYRICS

Apatnapungbara (feat. Ian Tayao)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Anino

Fatigue
Assembly Generals
2019 Album

Plazma vs Batang Rebelde (Plazma's Rounds)

FlipTop presents: Second Sight 6
Various Emcees
2018 Rap Battle Verses

GTFO

Paid In Bawal
Bawal Clan
2018 Album

Lights

Lights
Migo Senires
2014 Single

FEATURED ARTICLES