 
													Verse 1:
Ibubuod sa isang dangkal na babasahin
Makakalaya ka sa koral sa pagsapit ng pagsingil
Sa pagiisip na impakan ang pagsulat ay diin
Walang husay at galing, areglado na kampil
Ang malinis na pagbanggit ngunit kumakalat ito sa diwa
Mapanirang mga rimang nakatago’y aking ipinakita
Hinog sa hinagpis ang agam-agam ay gambala
Nagsasalpukang alimuom kaya tulala ka sa talata
Kung inihambing sa makapansanang basehan
Hindi na mabilang ang baitang sa hagdan ng aking kamalayan
Nakabagting na timbangan nakakaangat ang magaan
Ang mababaw lumalalim sa bigkis ng aking batayan
Masasalba ka sa pagkalunod kung papel ko ang bangka
Ang lahat itataya papataubin ko ang bangka
Mga sagot saking tanong ay pananong din ang tanda
Ang edad ay walang puntos kung hindi ka nagtanda
Bridge:
Walang puntos ang edad
Panahon ng pagnanais
Walang puntos ang edad
Sa panahon ng pagnanais
Walang puntos ang edad
Panahon ng pagnanais
Walang puntos ang edad
Sa panahon ng pagnanais
Verse 2:
Ang tanging nais ang kamatayan ay maging kapakipakinabang
Kaalaman ay lumalago sa mga reaksyong nakaatang
Katitisuran pagkat walang pasintabing nagpapaaninag
Hindi para sumilaw kundi para ipatag ang mga maling pagkakalatag
Lumabas ako sa mundo na hubad kaya hubad din na babalik
Tupukin sa apoy ang damit walang saysay sa aking pag gamit
Na laman loob ng bungo manipis ngunit puno ng sulo
Na naging ilaw sa paglalakbay ng aking dugo
Hubog ng pagkabigo bugbog sa pag-ikot ng kapalaran
Bumitiw sa pag angkas at nagmasid sa kaganapan
Mas lalong tumibay ang pagkaputol nung aking tinalian
Umapaw ng mga aral nung ang sisidlan ay napuno ko ng kamalian
Pagtawid ng aking inihahatid ang paniniwala mo'y patid
Pagkalmot ng aking pantig ang mga diwa na to ay dilig
Saluhin niyo ang halimuyak laman ng aking pagbitaw
Ligtas kana sa pagkaligaw kapag ako naging ikaw
(Ligtas kana sa pagkaligaw kapag ako naging ikaw.)
Bridge (2x):
Kamatayan ay kapakipakinabang bilang ng aking pagtumba
Kamatayan at kapakipakinabang bilang ng aking nasalba
Kamatayan ay kapakipakinabang bilang ng aking pagtumba
Kamatayan at kapakipakinabang bilang ng aking nasalba
Outro:
Hubog ng pagkabigo bugbog sa pagikot ng kapalaran
Bumitiw sa pag angkas at nagmasid sa kaganapan
Mas lalong tumibay ang pagkaputol ng aking tinalian
Umapaw ng mga aral nung ang sisidlan ay napuno ko ng kamalian
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																											 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																					 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																												 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																			