Rap Battle Verses

Plazma vs Romano (Plazma's Rounds)


FlipTop presents: Ahon 8
Various Emcees
2017

Round 1:

Si Romano ang may pinaka nakakabwisit na boses sa battle rap

Pakinggan niyo syang tumugma, siya yung tipong laging inuupakan sa mga computer shop!

O kaya naman sa kayle, katulad mo yung mga nakakairitang batugan

Ikaw yung mahilig mag trashtalk sa kalaban pero absent pag nagka rambulan!

At maliban sa skwating na boses, skwating ka pa pumorma

Kamukha mo yung mga hypebeast na nanggugulo sa sm at trinoma!

Kung may imahe ang mga jologs na hiphop, saktong sakto yang pagmumukha mo!

Tawagin nyo akong historian, sinulat ko na ang pag-bagsak ng imperyo ng Romano!

At balikan natin yung finals last year, diba hurado ka?

Yung paliwanag mo sa laban namin ni Loonie, sobrang bobo tangina!

Dapat daw hindi nalang ako nag patawa at puro hardcore lang, dun ako humalakhak

Para mo na ring sinabi na pag sumali ako sa UFC, ang pwede ko lang gawin ay manapak!

Hindi mo gets ang aking stratehiya? pwes ang larangang to ay dapat mong pag aralan muna

Iba-iba ang stilo ko pag tumitira parang kama sutra!

Palibhasa ang gusto mo lang ay bumenta, wala ka nang paki kung ika'y mahina tol

Kaya yang mga linya mo mala telenovela, napaka predictable!

At nung hindi ka sumipot sa laban nyo ni Rapido, ako ay namangha

Kung yung ibang emcee nawawala sa berso, ikaw literal na nawawala!

Puro pa palusot sa facebook, sinubukang ipausog yung dwelo kay Anymga

Ang dami mong arte daig mo pa ang beteranong artista

Anuman ang rason mo nun hindi na yun mahalaga

Hamunin mo nalang si Fongger at sa susunod na Ahon maglaban kayong dalawa!

Gawin natin yang main event, sa harap ng maraming tao

Ang unang emcee na magpapakita sa venue yun ang matatalo!

Pero seryoso na gago, mapapel ka na masyado

Mga bara mo mahina! Matagal ka na dapat tablado

Ito ang parusa sa lahat ng mga kasuputan na ginawa mo

Ikaw ay gitara ako'y miyembro ng metal na banda wawasakin kita sa entablado!

Kaya salamat Aric sa pagkakataon, huwag mo na tong asahan pa na makabangon

Sa wakas! Meron na akong isang panalo dito sa Ahon!

 

Round 2:

Kung usapang lirkalan malayo ka pa sa magaling

Mga bitaw mo puro pang bata lang in short walang dating

Kaya nagmumura nalang siya ng pasigaw para di halata ang kanyang makalumang buga

Anak ka yata ng pokpok eh, umaasa ka lang sa "putang ina!"

Inaamin ko na nung 2015, medyo pumatok ka sa madla

Mula sa underdog ng Isabuhay naging lehitimong banta

Pagdating sa finals, ayun durog, hindi na nakalaban to

Pero wag ka mag-aalala tol, last year ganyan din yung naranasan ko

Fast forward sa 2017, pumasok ka sa dos por dos at sa semis nilampaso ng sagad

Wag kang magddrama dyan! ako nga sumali ulit ng Isabuhay at sa first round tanggal na agad

Ang pinagkaiba natin, ikaw pag pumapalpak iiyak tapos lalaklak ng red horse

Ako kahit natalo mayabang pa rin parang si conor mcgregor!

At kahit sumali ka pa sa grupo nila Sinio, hindi ka pa rin magiging outstanding 

Pangalan nyo Outright? Tumba yan sa right hook mula sa kamao ng Uprising!

At pwede ba tigilan mo na yung galawan mo online?

Araw gabi wala kang ginawa kundi tutukan ang aking profile

Bawat post ko sa fb nagrereact ka, talagang nakakaburat!

Ang masklap pa dito hindi mo nililike, tangina, pinupusuan mo lahat!

Ipapaala ko lang sayo na battle to tsong, ang inaasahan ko mababangis na rhymes

Baka mamaya sa round 3 bigla ka nalang bumanat ng mga pick up lines!

Pero bago mo pa yan gawin, kukunin ko ang balisong at ika'y sasaksakin

Sa sobrang diin, tatagos hanggang likod yung patalim

Di na kailangan pa ng burol! diretso ka na agad sa sementeryo!

Supot daw ang aking delivery, oo, dahil yung minamaneho kong karo ikaw ang pasahero!

Binansagan kang super rookie pero nalipat agad kay Mhot yung titulo

Tinawag mo din yung sarili mong freestyle king kaso kopya lang pala mga linya mo

Anumang bagong alyas ang maisip mo, wala nang saysay dahil ika'y aking pinaslang

Parang yung unang mong nakalaban, si Harvey, hanggang Romano ka nalang!

 

Round 3:

Nung nagtapat sila ni Batas sobrang angas dinamay pa si Apoc at Dhictah

Uupakan ka na sana nila nun eh kaso hindi ka na nila nakita

Tumakbo palabas ng venue, halatang halata na nasstress

Isa ka palang ring announcer, magbabanggit ng pangalan tapos pag bugbugan biglang aalis

Ganyan talaga mga tulad nyang madada, sa gera sila pa yung unang umaatras kadalasan

Parang alak na hinaluan ng chaser, yung tapang nababawasan!

Sinabihan mo pang duwag si Snob, yung delivery galit na galit!

Kung wala ka talagang takot sige nga! magpapayat ka ulit!

And speaking of Bwelta Balentong 4 tinira mo yung pagiging probinsyano ng kalaban

Ulol! Baka nakakalimutan mo probinsya din ang Cabanatuan

Hindi pinag-isipan ang sinulat, kaya nandito ako upang puksain tong tarantado na to

Nagmukhang kang sharpshooter na binaril ang doopleganger, tinamaan ka sa anggulo mo

At dahil mahilig ka rin mambastos ng mga syota, sasabayan kita sa ganyang konsepto

Bukas makalawa i-dedate ko girlfriend mo sa mamahalin na resto!

Pagnagkita na kami, sisiguraduhin ko na yung buong gabi sablay

Imbis na rosas, bibigyan ko siya ng bulaklak na pang patay!

Magoorder ako ng napaka daming tsibog, hindi siya makakapalag!

At kapag dumating na yung bill, wala akong iaambag!

Sabay rekta sa motel at kukumbinsihin ko siya na humiwalay na sayo

Pagkatapos nyang maghubad, bigla akong hihirit ng "sorry ate, loyal ako syota ko!"

Ang sakit diba? Partida di ko siya sinibak na mala 50 shades tol

Pwede ko pa rin naman kanain yung chick mo eh, kaso ayokong magka aids tol

Atsaka masyadong na rin gasgas yung ganyang tema tuwing may face off

Kaya kong manatiling bastos kahit walang kantot parang pornstar na nag dayoff

Tawag dyan creativity, at dun ako perpekto

Ayoko na ng mga ganitong klaseng kalaban yung kulang sa talento

Sana sa susunod kapwa lirikal na ang makaharap ko para sulit ang papremyo

Kung di ako makapasok sa tournament next year, papayag ako sa isang preparadong Sak Maestro!



Various Emcees - FlipTop presents: Ahon 8 (2017):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

'06

Flight School Era
Just Hush
2018 Album

Gubat

Ritwal EP
Ejac
2018 Album

#WeGetHigh

#WeGetHigh
Ankthen Brown
2015 Single

High Score

High Score
Flow G
2023 Single

Burgis

Burgis
Flow G x Hev Abi
2024 Single

FEATURED ARTICLES